Ang Gabi ng Lagim lll

5.3K 116 4
                                    


'Mga mahal kong kababaryo..Malapit ng matupad ang sumpang aking binitiwan Isang daan taon na ang nakakaraan.Naalala nyo pa ba ang mga hayup na lumapastangan sa atin?Walang ka awa awang sinunog ang ating pamilya,anak,asawa,ina,magulang.!!!
Narinig ko ang mga pighati at ungol nyo ng gabing tayoy sinunog na parang baboy.At kahit akoy malapit ng maubusan nang hininga..nagawa ko pa ring humiling sa Demonyo.!!!

''Ahhh!!! Sabay sabay na sigawan na hindi magkamayaw ng mga demonyong naroroon.
'Mabuhay si Tandang Sipirin!!!

'Ngayong,alas dose sa pagsapit na kabilugan ng buwan..Ay magaganap ang ating pina ka asam asam..Babalik ang ating hitsura at maghihimagsik nang dilim...Kakainin natin ang lahat ng mortal galing sa ina,sa anak,sa magulang!!! hahaha
'Uubusin natin ang kanilang lahi,..Puso,utak..Atay!! Natatakam na ba kayo ha?? Bwahahahaha

'Mayroon tayong limang Hangal na mortal na ating pagpipiyestahan ngayung gabi..Ihanda ang Kawang paglulutuan sa mga inutil na mortal!!!

'Isa lang dugo ang kailangan ko ngayun gabi at pagkatapos ay sisipsipin nyo ako..sa ganun..Tayu ay iisa..Mas matapang at mas makapangyarihan hahaha'.

At dali dali ngang kinuha ng mga Halimaw ang napakalaking kawa at sinindihan ang mga kahoy..Nilagyan ng tubig at nagsisipagkantahan at nagsasayawan na handang handa na sa Pagsapit ng hatinggabi.

Samantala...

Biglang dunating ang kaninang mga aswang na umataki kina rizza,grace at jolibee.Hinarap ang pinunong si Tandang Sipirin.

Naghihingal na nagpaliwanag ang isang lalaking halos maputol na ang isang braso na ang mga uod ay gumagapang sa kaibuturan ng kanyang buto..
'Tandang Sipirin,makapangyarihan ang mga mortal!!Nakakatakot!!!

'Anu??Anung ibig mong sabihin??' nanlalasik na mata ni tandang Sipirin

'Pag lumapit kami sa kanila para kaming malulusaw..may kapangyarihan sila Tandang Sipirin..ang lakas at wala kaming magagawa kundi ang matakot at tumakbo!!' dagdag ng isang lalaki

'Ganuon ba??Walang ibang dapat katakutan dito kundi ako!!

'Kainin ang dalawang iyan!!! sabay turo kina Marie at Joseph.

'Huwaaaag!!!Huwag Ama..pabayaan na natin sila,manahimik na tayo.Patawarin na natin ang mga may sala sa atin..Huwag na tayong maghiganti pa.Ama..gusto ko nang magpahinga.' lungkot na mga matang nakatitig sa ama

Biglang natigil ang lahat at tiningnan ni Tandang Sipirin si Manuel,ang isa pang anak na nakayakap sa ina.Nanlilisik ang mga matang hindi makapaniwala sa sinabi ni Manuel..Tiningnan ang mga kababaryong naghihintay sa kanyang desisyon..yumuko si tandang Sipirin at....



'Lapain ang mga iyan!!! sigaw nya

Agad sinunggaban ng mga halimaw ang dalawang nakatali..tumulo na lang ang luha ni joseph at marie sa narinig at nakitang papalapit na takam na takam na sa pagkain sa kanila..

Putol ang ulo ni joseph na pinag aagawan ng mga halimaw.Ang matay nginunguya at ang utak ay dahan dahan pang nilamon na talagang sabik na sabik.Ang kamay,ang paa ay putol na at pinagpipyestahan na nang mga halimaw.

Gayun din si Marie,waglit ang balat at ang pusoy nilalamon ng mga halimaw.wakwak ang tiyan at ang mga daliriy kinakagat kagat.Wala kang maririnig na daing ng dalawa dahil ang maririnig mo ay ang tawa,ngisi at saya habang pinapepyestahan ang kanilang katawan.

Hanggang sa buto na lang ang natira at kinakain pa rin ng mga tiyanak.

Nasisiyahan si Tandang Sipirin sa kanyang nakita.'Hindi lang sila ang makakain natin kundi marami pa.Maraming marami pa.bwahahaha'.

'Mga hangal na mortal,alam kong nandyan lang kayo,nakamasid.Malapit na rin ang inyung kamatayan.Akinh ang Islang to,Lugar ko to.Kahit saan pa kayo magtago ay maamoy ko kayo!!! Hahaha Takbooo!!!!


Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now