Bakit??

8K 172 8
                                    


Naghintay sila ng kalahating oras,isa,dalawa hanggang sa dumilim ang paligid..Nanatili silang nakalutang sa bangkang patay na ang makina.Sa kabila ng takot ay umaasa pa rin sila sa lalaking nagdala sa kanila rito na bumalik..na hindi pa ito patay at nandyan lang sa tabi..pero wala..walang Manong na bumalik..

'Hindi na sya kailan man babalik'.ni Grace na bumangon at inakay ni Rizza.

'Anung ibig mong sabihin? takang tanong ni Marie

'Hindi na sya kailan man babalik.Dinala nya tayo dito at walang planung dalhin sa Duhinub.Ako nga,nga konti lang ang alam sa paglangoy ay nailigtas ang aking sarili,siya pa kaya na sanay na sa dagat?
Sino at saan mo nakilala ang lalaking iyu Jolibee'?malumanay na tanung ni Grace.

'Hindi ko alam..huhuhu.
Hindi ko alam..Gulong gulo na ang utak ko..patawarin nyu ako kung ako ang may kasalanan..Hindi ko sinasadya.Huhuhu'. iyak ni jolibee.

'Shhh..shhh..tama na yan bestfriend..Walang may kasalanan nito okay? pag aalo ni joseph.'Ang importante ay buhay tayu..hindi pa tayu nakakalayu hindi ba? Magdadalawang oras pa tayung naka byahe.Im sure may darating na ibang bangka dyan at tutulungan tayung makauwi'.

'Tama ka Joseph..Ipagdasal natin na paparating na ang tulong..magdidilim na.Wala tayung kaalm alam sa lugar na ito.''. pagtitiyak ni rizza.

Lumipas ang ilang sandali ay biglang yumanig ang dagat..Napasigaw na naman ang magkakaibigan.Napakapit at napamilog ang mga mata sa natunghayan.

Mula sa dagat ay biglang may tumobo na isla,hindi masyadong malaki,hindi rin maliit.Katamtaman lang kung iyung pagmamasdan.

Nanindig ang kanilang mga balahibo.Dinig na dinig nila ang nakakatakot na mga ungol..hindi mawari kung saan nangagaling.Mga iyak na parang galing sa lupa.Sa sobrang takot ay tinakpan ng magkakaibigan ang kanilang tenga at pinikit ang mga mata.

Nang di umanoy natigil ang lahat.Walang kahit konting ingay na maririnig.At laking taka nila ng umabot ang kanilang bangka sa gilid ng isla.Isang hakbang lang ng paa ay maaapakan na nila ito.

'Anu na naman ba ito?Nananaginip lang ba ako?Ha?Ha?Sampalin nyo ako ng magising ako.huhuhu'. hagulgul ni rizza at nakisabay na rin sa pag iyak ang lahat.

'Huwag na huwag tayung aapak sa islang yan.Alam kong alam nyu ang mangyayari sa atin oras na pumasok tayu dyan..Dito lang tayu mananatili'. tapang na asig ni jolibee.

Nananatiling tuliro ang lahat...walang maisip gawin..Sinubukang tingnan ang nag iisang cellphone na natira na kay joseph pero sira na dahil sa basang basa sila.

Nagdadasal si Grace nang biglang parang may humihila sa bangka papailalim.Agad silang tumayu at walang ibang magawa.sa takot na baka malubog kasama ng bangka ay tumalon na lang silang lahat.

At ngayun nga ay Nasa Isla na sila..Nanginginig,basang basa.Umiiyak...

Anu ang mangyayari sa magbabarkada na nasa isla na??

Kung saan sa gitna nito ay napapaloob ang..

BARYU NG MGA ASWANG!

Sa Baryo ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon