Katapusan ll

5.7K 129 13
                                    


Nagulantang ang lahat ng aswang sa mga nangyari.Masyadong mabilis at isa lang ang alam nila.
Wala na ang kanilang Tandang Sipirin,wala na ang kanilang malakas na Tandang Sipirin.Mas natakot sila sa ngayon..sa mga babaeng akala nila ay agad nilang magagapi..mali sila..mali pala ang akala nila..

Bago pa man makapaghiganti ay nagulantang na naman sila sa mga sumunod na pangyayari..

Nagsisimula ng gumuho ang Isla Masagana..Ang masayang Isla isang daan taon na ang nakakaraan ay guguho na namang muli.Napaungol ang lahat ng aswang dahil hindi sila nagtagumpay..

Gumalaw ang isla na animoy may buhay.Nagsitumbahan ang mga kahoy..nagtakbuhan ang nga aswang.Hinihigup na sila ng karagatan,kung saan sila nararapat.
Sa kabila ng mga natatakot at nagtatakbuhang aswang ay tatlong bulto ang nanatiling nakatayo at nakangiti sa tatlong magkakaibigan.Ang pamilya ni Tandang Sipirin..

Kumaway si Manuel sa kanila at ngumiti..
'Salamat,at habang buhay na kaming makakapag pahinga'

At unti unti na ngang nilamon ang Isla ng Masagana at tuluyan na ngang nawala ang Baryo ng mga Aswang.

Samantala

Nagkapit kapit naman ang magkakaibigan at takot na takot na baka sila ay higupin din ng karagatan kasama ng Isla.

Nagpalutang lutang ang magkakaibigan at nagkapit kapit kahit hirap na hirap na..sa sobrang pagod ay hindi na nila namalayan na nawalan na sila ng ulirat....



'Gising,gising...gising'
Isang malakas na yugyug ang nagpagising sa tatlong magkakaibigan.

Namalayan ni Grace na nasa isang maliit silang bangka kasama ang dalawang estranghero..
Mga lalaki na tantya nya ay mangingisda.

Nabigla si Jolibee at sumigaw sa takot pero inawat ni Rizza at hinagkan at naging mahinahon naman ito.

'Anung nangyari manong?
tanong ni Rizza

'Aba mga ineng,kami dapat ang magtanong nyan sa inyu.Anu bang nangyari at nagpalutang lutang kayo dyan sa may dagat?Nakahawak lang kayong tatlo sa malaking kahoy na sya lang naging sandigan nyo.'Saan ba kayo galing ha?Anu nangyari sa inyu?

'Wala po manong..Mas gusto na lang po naming ibaon sa limot ang nangyari.Salamat po sa pagligtas sa amin.' sagot ni Grace.

Wala na lang nagawa ang mga mangingisda sa sobrang tahimik ng tatlong babaeng nailigtas nila hanggan dumating sila sa tulay.

Agad nagpasalamat sina Rizza,Grace at Jolibee sa mga lalaki at nangakong babalik matapos lang silang magpagaling.

Nagkagulo ang buong pamilya nina Joseph at Marie sa kanilang pagkawala.Hindi nila lubos maisip na bakit si Rizza,Grace at Jolibee ay ligtas dngunit sila ay hindi..

Sa huli,walang nagawa ito kung hindi ay tanggapin ang nangyari.

Matapos ang isang buwan ay naghilom ang sugat at takot sa puso ng magkakaibigan.Pinuntahan nila ang tulay kung saan nagsimula ang lahat,.
Nagdala sila ng bulaklak at kandila para sa mga kaibigang nawala.

'Best' sabay turo ni Jolibee sa gitna ng tubig sa ilalim ng tulay.

Agad umangat ang ulo ni Grace at Rizza.

Naiyak sila sa nakita,..si Joseph at Marie,magkahawak ang kamay at nakangiti..
Kumakaway sa kanila..
at dahan dahang naglaho...


Isang bakasyon na kailan man ay hinding hindi malilumutan ng magkakaibigan.

Isang bakasyon na sanay naging masaya at makabuluhan na nauwilang sa hindi kanais nais na trahedya.

Habang buhay na dadalhin ng magkaibigan ang alala.

May maniwala kaya sa kanila kapag ikenwento nila ang totoong nangyari sa

BARYO NG MGA ASWANG????!!!#!



Sa Baryo ng mga AswangМесто, где живут истории. Откройте их для себя