Katapusan

5.2K 121 3
                                    

Dumating na nga ang kinatatakutan ng tatlong magkaibigan.Ang nakakatakot na anyo ni Tandang Sipirin na anumang oras ay kakatayin sila.

Nanginginig si Jolibee at Rizza na nakatayo sa leegan ng tubig,magkakapit kamay halos pigil ang hininga.

Si Grace naman ay nagtatago sa likod ng bato kung saan di makikita ng sinuman na halos beywang ang tubig.Dala dala ang Itak at umuusal ng panalangin at gabay sa Poong Maykapal.

Nasindak ang kanilang mga mata sa nakita.Hindi lang si Tandang Sipirin ang nakatayo sa dulo ng Isla.Lahat..Lahat sila pati na ang pamilya ng tandang..Si Manuel na nakatitig kay Jolibee at rizza.Ang anak na babae at ans asawa ng tandang.

Mga alipores..kay dami nila..At mas lalong nanginig ang dalawang nakatayo sa mga alulung ng mga ito..

'Oh Mahal na Panginoon ng Kadiliman,Ito ng ang araw na aming pinakamimithi.Ang Simula ng aming walang hanggan.Dinggin mo ang hinaing naming lahat!!!

Ito na!Ito ang huling alay namin para makapaghiganti sa mga taong umalipastangan sa amin isang daan taon na ang nakakaraan,.

'Iris mi patri ku dos sanctuari.Tulos mi damhi Tulos mi damhi..
TULOS MI DAMHI!!!!
sigaw ni Tandang Sipirin

At biglang sobrang lumiwang ng buwan na hudyat para kay tandang Sipirin upang umpisahan ang paglakad papunta sa dalawang nakatayong babae..

Ang lahat ay nagsipangluhod at nakayuko at umuungol.Dinig na dinig mo ang sabik para sa kanilang pagsasalinlahi para maging imortal.

Ang bilis ng lakad ni Tandang Sipirin papunta sa dalawang magkaibigan.
Naihi si Jolibee sa sobrang takot at nanginginig na napakapit kay Rizza.

Dahan dahan namang lumangoy si Grace papunta sa tatlo..Sa sobrang liwanag ay kitang kita nya ang tatlong pares ng mga paa sa ilalim ng tubig.Pinilit nyang lumangoy hanggang sa ilalim para hindi makita ng lahat.

'Nasaan ang isang kaibigan nyong hangal? Nagtatago ba para kayo ang maunang mamatay?
hahaha!!! Kahit saan sya pupunta ay mamamatay sya!!

Nagyakap si Rizza at Jolibee at nakapikit lamang ang mata..
Itinaas ni Tandang Sipirin ang kanyang napakahahabang kuku para ibaon sana sa leeg ng dalawa pero nagulat sya sumonod na nangyari..

Sa ilalim ng tubig ay biglang umahon si Grace sabay ubod ng lakas na iwinasiwas ang itak sa balikat ni Tandang Sipirin.

Sa sobrang lakas ay putol ang kanang balikat nito.Napangiwi ang Aswang sa nangyari at nagtaka kong paani nangyari iyon.

'Iyo ang Isla.Sa amin ang dagat!! mahinahong tugon ni Grace

Napanganga ang aswang sa pagtaas ng itak ng babae sabay Putol sa leeg nito...

Talsik ang mabahong dugo at ulo nI tandang Sipirin na nagpalutang lutang sa dagat.

Namangha si Jolibee at Rizza sa ginawa ni Grace.
Dali dali namang kinuha ni Rizza ang ulo ng aswang at sumigaw..

'Tayo kayong lahat..!!!'

Nagulat ang lahat ng nakayukong aswang sa sigaw at sabay sabay na tumayo at nagulantang sa nakitang ulo ni Tandang Sipirin.

Iwinagayway pa ito ni Rizza at walang alintana sa dugong tumatalsik...

'Bumalik kayo sa Impyernong pinanggalingan nyo at huwag na huwag na kayong babalik pa!!! sigaw ni Jolibee sabay kuha sa ulo at mabilis na pinuntahan ang mga aswang..

'Oh! Ulo ng tandang Sipirin nyo!! sabay hagis doon...

Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now