Ang Pamamaalam!!

7.2K 151 4
                                    


Hindi alam ng magkakaibigan kung anu ang gagawin nila.Anu nga ba ang magagawa nila laban sa mga taong aswang?Mag alalas tres na ng hapon ay wala pa rin silang maisip.Hindi pwedeng sumama si Manuel sa kanila dahil malalaman ng kanyang mga kalahi ang kanyang pagtataksil.Kaya pagkatapos mapaliwanag ang lahat ay umalis na ito.Naiwan ang limang magkakaibigan na walang naisip ni isang kunting paraan.May iniwan nga si Manuel sa kanila pero puro itak naman ito..Anung magagawa nilang babae sa itak eh pag bukas nga nang buko hindi alam.

Paikot ikot ang magkakaibigan nang biglang may dumukot kay marie sa bubong na syang kinasigaw nito.

'Ahhhhh..tulong..best..huhuhu...'.

Nataranta ang natira at sumigaw rin..wala silang nagawa kundi pagmasdan ang kaibigang papalayu ng papalayu dahil hinawakan ng aswang! Tama! Aswang nga..matatas na kuku..naglalaway.. nakakasuka ang hitsura..nangingitim na talagang nasusunog..naagnas..inuood..

Nang biglang may tumalon sa kanilang harapan na isang aswang!Tili ng tili ang magkakaibigan..natataranta..

Pero nginisihan lang sila ng aswang..animoy nakikipaglaro..nakikipaghabulan sa loob ng bahay..
At di nagtagal ay umalis din ito sa butas ng bubong kung saan kinuha si marie.

Agad na nawalan ng malay si Jolibee at tulala pa rin ang tatlo..

Agad namang nakabawi si Joseph at binuhat ang kaibigan papuntang papag.

'Patay na ba si Marie?' umiiyak na tanong ni Rizza

'Hindi..kung patay na sya,sanay pinatay sya sa harap natin.Maari nila tayung makuha pero siguro iisa isahin nila tayu.Pinaglalaruan dahil mahina..' walang pag aalinlangan na sabi ni Grace

'Tama ka besh..kailangan nating maka alis ngayun din dito dahil sigurado akong babalik sila'.. parang tunay na lalaking sabad ni joseph

Ginising nila si Jolibee at pina inom ng tubig.At napag desisyunang hahanapin nila si marie.

Lumabas ng kubo dala dala ang mga itak.Parang nasaniban ng Power Rangers ang apat.Alerto sa paglakad..nakikinig sa paligid habang inihahanda ang itak sa anumang oras na pagsugod ng kalaban.

'Hindi tayu mahina.Hindi tayu magagapi dahil nasa atin ang Panginoon.' ni grace

'Patayan na kung patayan.Handa na akong pumatay ng patay!! ni Rizza

'Mahal na mahal ko kayu mga friendship..para sa inyu ang laban na to..' maluha luhang turan ni joseph

'Para kay Marie!!! sigaw ni Jolibee

'Para kay Marie!! sigaw ng lahat sabay taas ng mga itak

At sinugod nga nila ang gubat kahit papadilim na.Wala ng takot..dahil alam nilang gagabayan sila ng Dyos na maykapal..

Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now