Episode 1: Weird Encounter

1.9K 50 49
                                    

Episode 1: Weird Encounter

Tunog ng nakakabinging alarm clock ang gumising sa nahihimbing na si Tristan.

Lunes na naman ng umaga. Tapos na ang kain-tulog niyang routine. Isang linggo na rin pala ang nagdaan magmula nang magsimula ang klase nila sa ikalawang taon niya sa sekondarya.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kamang hinigaan at papungay-pungay pa ang mga mata habang naglalakad patungo sa loob ng banyo. Alas-singko pa lang ng umaga ngunit mabilis na siyang naligo upang maghanda sa pagpasok.

Labing pitong taong gulang. Si Tristan Ildefonso ay isang sophomore sa Augustus High School. Isang simpleng buhay lamang ang mayroon siya kasama ang ina.

Single parent ang ina niyang si Tracy. Bata pa lamang si Tristan ay umalis na agad ang ama niya at sumama sa ibang babae. Hindi naging madali ang buhay nilang mag-ina ngunit magkaganoon man, nagsumikap si Tracy upang itaguyod ang anak nang mag-isa.

Matapos maligo at magbihis ay bumaba na rin si Tristan sa hagdanan at dumiretso sa hapag-kainan. Natagpuan niya ang ina habang nagluluto ito ng almusal.

"Gising ka na pala, anak," wika ng kaniyang ina. "Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase."

"Salamat, ma."

"Nga pala, anak. Kung makaka-uwi ka ng mas maaga mamaya, mas mabuti!" singit ng ina niya na lubos naman niyang ipinagtaka.

"Bakit po?"

"Basta." Ngiti lang ang itinugon nito sa kaniya.

Napa-isip naman ang binata sa sinabi ng ina. Bakit naman siya pauuwiin nito ng maaga? May iuutos o ipabibili kaya ito sa kaniya?

"Anak, hindi ka pa ba mahuhuli n'yan?" tanong ng ina na nagpabalik naman sa kaniya sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip. Napatingin tuloy si Tristan sa wall clock nila.

"6:45am na?" gulat na tanong niya habang nagmamadali sa pag-ubos ng kaniyang almusal.

Natawa na lamang ang kaniyang ina. "Hinay-hinay sa pagkain. Alam kong masarap magluto si mama pero baka mabulunan ka naman n'yan, anak," pabirong wika nito.

Tumayo na si Tristan at kinuha ang bag. Humalik muna ito sa noo ng ina bago tumuyang pumunta sa may pinto. "Aalis na ko, ma!"

"Mag-iingat ka!" Nakangiti pa siyang kinawayan ng ina.

*****

MABUTI na lamang at walking distance lang ang layo ng school mula sa bahay nila. Magkagayon pa man nagmadali pa rin siya sa pagtakbo. At dahil nga puro instersection sa bawat kalye sa kanilang lugar, hindi inaasahan ng binata na mabubunggo siya sa isang dalagang kalalabas lang ng isang convenience store.

Dali-dali siyang tumayo at nagpagpag. Inilahad niya ang kamay sa dalaga upang alalayan itong tumayo. "Miss, okay ka lang ba?"

Napatingin naman ito sa kaniya at may ngiti na agad na gumuhit sa labi nito. "G-Gray-sama?"

Napaawang na lang ang bibig ni Tristan sa narinig.

Anong Gray? Kulay abo ba ako? Tanong ni Tristan sa isipan.

"Uhm, miss, hindi Gray ang pangalan ko!" tugon ni Tristan habang umiiling-iling pa.

Tila natauhan naman ang dalaga at nawala ang mala-pusong hugis sa kaniyang mga mata. Agad itong tumayo at mabilis na dinampot ang nalaglag niyang manga.

"Hindi naman pala ikaw si Gray-sama," wika nito habang inilalagay ang hawak na libro sa loob ng kaniyang paper bag.

Napataas na lang ang kilay ni Tristan dahil sa biglang pagbabago ng mood nito. Magkaganon ma'y kinausap pa rin niya ito. "A, ano, nasaktan ka ba?"

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now