Episode 24: Fireworks (FINAL)

648 27 44
  • Dedicated to Klein Takishima
                                    

Episode 24: Fireworks (FINAL)

Second day ng Island Get Away ng magkakaibigan. Kasalukuyan silang namamalagi sa isa sa mga rooms ng nasabing resort. Isa itong maliit na bungalow-type na rest house kung saan may dalawang banyo, dalawang kwarto, maliit na espasyo para sa sala at maliit na kusina. Tamang-tama para sa kanilang apat.

Ala-singko pa lang ng madaling araw ngunit gising na agad si Tristan. Ang buong akala niya ay siya ang pinaka-unang nagising sa kanilang lahat pero mukhang ang mga babae lang pala ang tulog-mantika. Nang magtungo siya sa kusina, naabutan niya roon ang kaibigan na umiinom ng kape.

"You're up early, bro," bungad ni Ken sa kaniya.

"Ikaw rin naman, e," sagot ni Tristan. Kumuha siya ng isang baso at nagtimpla ng sariling maiinom.

"Paalis na pala si Sakura. Anong plano niyo?" tanong ng kaibigan.

"Ito na mismo 'yung plano namin, e. Para makapagbonding tayo."

"Ang ibig kong sabihin," Uminom muna si Ken mula sa baso niya bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Wala ka bang balak na pigilan siya?"

"Alam namin ang priorities namin," mabilis na sagot ni Tristan. "Family and Education first. Nakakapaghintay naman kami, e."

"Hindi ka ba natatakot?" muling tanong nito. "Ilang taon rin ba ang hihintayin niyo? Maraming maaaring mangyari."

"Sino ba namang hindi natatakot, bro?" tanong rin ang siyang ibinato niyang sagot sa kaibigan. "Pero hangga't may tiwala at pagmamahal kami sa isa't isa, sapat na siguro iyon."

*****

MATAPOS ang tanghalian, naisipan ng magkaibigang Ken at Tristan na gumawa ng sand castle sa 'di kalayuan habang naiwan naman sina Sakura at Mira sa balkonahe ng rest house na tinutuluyan nila.

"He's lucky to have you," komento ni Mira habang nakatanaw kay Tristan.

"Mas maswerte yata ako kaysa sa kaniya," sagot naman ni Sakura. "Sino ba namang mag-aakalang may magkakagusto pa sa akin? Ang buong akala ko nga, magpapantasya na lang ako sa mga crush ko sa anime."

"Lahat naman ay may karapatang magmahal at mahalin."

"Parang 'yung ex-boyfriend mong gamer?" usisa si Sakura.

"Maliban sa kaniya. Pakasalan niya 'yung console niya," sagot naman ng kausap.

"H'wag ka nang mabitter. Nand'yan naman si Ken, e," biro pa ni Sakura.

"I will accept any suitors but him."

"Bakit naman? Mabait naman siya, a."

"Ken is a happy-go-lucky guy. Matakaw siya. Maingay," komento ni Mira. "In short, he's not my type."

Pero sa likod ng isipan ni Mira, alam niya sa sariling may mabuting kalooban si Ken. Naalala pa niya ag sinabi nitong hindi naman talaga siya ipinahamak ng binata sa faculty. Siya mismo ang kusang hindi pumasok ng mahigit isang ligo sa pag-aakalang suspended siya. Kaya pala, marami siyang natanggap na tawag mula sa mga unknown numbers noong hindi siya pumapasok. Malamang, pilit siyang hinahanap ng mga teachers.

*****

HAPON na. Halos papalubog na ang araw sa kanluran kung saan nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Kasalukuyang nakatayo ang apat na magkakaibigan sa harap ng isang pinasadyang entablado kung saan may isang matandang lalakeng nakatayo. Kasama rin nila ang ilang mga turista sa resort.

"Magandang gabi, mga giliw naming panauhin," bungad ng matanda. "May inihanda kaming munting palaro para sa inyo. Tinatawag namin itong 'Test of Courage'."

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now