Episode 18: The Dog named Yuki

508 15 2
                                    

Episode 18: The Dog named Yuki

Hapon na ngunit hindi pa rin nagpapakita ang araw na malapit na rin lumubog sa kanluran. Abo pa rin ang kulay ng mga ulap sa kalangitan. Tumila na ang ulan ngunit hindi pa rin humuhupa ang ambon.

Mabilis na tumakbo si Sakura palabas ng bahay at nagtungo sa bakuran upang sumaklolo sa isang munting tuta na nakita niyang nanginginig sa lamig. Basang-basa ito ng tubig ulan at marahil ay nagugutom na rin.

"Sakura, ano ba 'yan?" tanong ni Tristan nang maabutan niya ang dalaga na nakaluhod habang may binubuhat na kung ano mula sa lupa.

"Ito, o!" Ipinakita ng dalaga ang hawak na tuta na nakapatong sa magkabila niyang palad.

"Isang tuta?" tanong ni Tristan na sinagot na lamang ni Sakura ng mabilis na pagtango habang nangingilid ang mga luha. "Kailangan natin siyang iligtas."

Pumasok sila sa loob ng bahay at agad na nagtungo sa kusina. Mabuti na lamang at may isang malaking karton na walang laman kaya't nagamit nila iyon bilang pansamantalang tulugan. Mabilis namang kinuha ni Sakura ang isang manipis na tuwalya upang tuyin ang balahibo ng tuta. Si Tristan naman ay nagtimpla ng mainit na gatas na maaaring mainom ng tuta.

"Malambot talaga ang puso mo pagdating sa mga pets?" nagsmitulang isang taong ang winika ni Tristan habang hinahalo pa rin ang gatas sa baso.

Isang pilit na ngiti lang ang itinugon ni Sakura sa kaniya. "Actually, this puppy reminded me of my pet when I was a kid," sagot nito. "And she's an important friend."

At nagsimula na ngang magkwento si Sakura tungkol sa kaniyang pagkabata.

May natanggap na regalo si Sakura mula sa daddy niya noong seventh birthday niya. Isang tuta na kasing puti ng nyebe ang balat. Yuki ang ibinigay niyang pangalan rito.

Naging masaya si Sakura sa bawat araw na dumadaan. Nag-iisa siyang anak nang mag-asawang Misawa.Wala rin siyang mga kaibigan mula sa paaralang pinapasukan kaya't sa tuwing uuwi siya sa hapon, sinasalubong siya ng alagang aso.

Isang araw ng tag-ulan, nagising na lang ang batang si Sakura na wala sa tabi niya ang alagaang si Yuki. Napatingin siya sa pinto ng kaniyang silid at nagulat pa dahil bahagya itong nakabukas.

Agad na bumangon si Sakura. Nag-aalalang nanaog pababa sa hagdan ng bahay nila at madaling nagtungo sa labas upang hanapin ang nawawalang si Yuki. Halos mamaos na siya kakasigaw sa pangalan nito.

Nagsimula na ang pa-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata. Kasabay noon ang pagpatak ng mga butil ng ulan na tila ba'y nakikidalamhati sa kaniyang nararamdaman.

Ginagapang na ng lamig ang katawan ng batang si Sakura ngunit ayaw niyang sumuko. Naniniwala siya na mahahanap niya ang kaibigan -na sa pamamagitan ng pagtawag niya sa pangalan nito'y tatakbo ito pauwi.

Hindi niya alintana ang bugso ng masamang panahon. Ni hindi na niya namalayan ang tuluyang pamamanhid ng mga paa at ang unti-unting pagkahilo na sinabayan pa ng panlalabo ng kaniyang mga mata.

NANG magising siya, isang malakas na sigaw ang kaniyang pinakawalan habang masaganang umaagos ang luha mula sa kaniyang mga mata.Hinahabol niya ang paghinga habang nakatingin sa kawalan.

Tatayo na sana siya mula sa kamang kinahihigaan nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at iniluwa nito ang kaniyang ina.

"Mommy!"

"Sweetie, what happened?" nag-aalalang tanong nito sa anak. "I rushed home as soon as I heard the news about you."

"Mommy, si Yuki-chan po!" umiiyak na wika ng bata na tila hindi narinig ang sinabi ng ina.

"Don't be that reckless again, sweetie," paalala nito sa kaniya.Umupo ito sa kama habang nakayakap sa anak at hinihimas ang buhok nito.

"We have to find her, mom!" pagmamatigas ni Sakura.

"We will try to find her, okay?" pagpapakalma ng mama niya. "And just in case na 'di na siya makita, Daddy can buy another pet for you. I can get one myself."

"But she's no ordinary pet," pilit na pagpapaliwanag ni Sakura. "She's a friend!"

Muling bumukas ang pintuan ng silid at kasabay noon ay ang pagpasok ng isa sa mga katulong sa Misawa residence. "Pasensya na, ma'am. Nakita na raw po ang alaga ni Miss Sakura."

"T-talaga? Nasaan? Nasaan si Yuki?" tanong ng bata.

Hindi agad nakasagot ang katulong. Tanging iling na lang ang naitugon nito. At doon na nga tuluyang ibinuhos ni Sakura ang lahat-lahat ng emosyong kanina pa gustong kumawala mula sa kaloob-looban niya. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa natanggap na balita.

ONE week had quickly passed. Inilibing ang katawan ni Yuki sa bakuran nina Sakura. Muling nawala ang sigla sa katawan ng bata. Hindi na siya magana sa pagkain. Hindi na siya masayahin gaya ng dati. Pakiramdam niya'y wala na siyang kaibigan. Wala na siyang kakampi.

Sa pagkawala ng alaga, akala ni Sakura ay hindi na siya muling makakabangon pa ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan niya ang tungkol sa anime. Napukaw nito ang interest ng bata mula sa murang edad.

Mula noon, nagustuhan na niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa anime.

"SO that's the story about Yuki and your interest about anime," konklusyon ni Tristan. "I am so sorry to hear about her."

"Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip na tulungan ang tuta na ito nang makita ko siya kanina sa ulanan," tugon ni Sakura. "It may sound weird pero alam kong magiging masaya si Yuki dahil sa ginawa ko."

"You are weird indeed," komento ni Tristan. "Pero napakabuti mong tao, Sakura."

Hindi tuloy alam ng dalaga kung matutuwa o mahihiya dahil sa narinig. Pakiramdam tuloy niya'y uminit ang kaniyang pisngi. "Salamat, Tristan. Salamat sa pagpapagaan ng loob ko at sa pagtulong sa tuta na ito."

Napangiti na lang ang binata. "Wala 'yon. Sana lang ay hindi sila mag-away ng alaga mong pusa."

She's an Otaku [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin