Episode 19: Hollow-Win

565 14 10
                                    

Episode 19: Hollow-Win

Ika-dalawampu’t anim ng Oktubre. Limang araw na lang at magsisimula na naman ang Annual Holloween party sa paaralan nina Sakura at Tristan. Bawat taon, iba’t ibang pakulo ang ginagawa ng Student Council para sa nasabing okasyon.

Mayroon na namang food stalls, horror booths at costume parties. Masaya ang pagdiriwang ngunit walang insteres si Tristan sa mga ganitong klaseng bagay. Mas gugustuhin pa niyang matulog maghapon dahil alam niyang wala namang pasok kapag ganitong mga pagkakataon. Ngunit wala pa rin siyang pagpipilan. May attendance na kailangang pirmahan sa school nila kaya’t wala siyang takas.

Araw ng Sabado. Ilang araw na lang at sasapit na ang All Souls Day. Alam nila ng mama niya na maraming taong dadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay sa paparating na Nobyembe kaya’t minabuti nilang dumalaw sa puntod nang mas maaga.

“Tristan, sino nga ulit ang dinadalaw natin rito?” tanong ni Sakura habang kapwa sila nasa likod ni Tracy na siyang nagtitirik ng kandila.

“Si lola. Nanay ni mama,” sagot ng binata. “Pero ‘di ko na siya naabutang buhay.”

“Ohhh, I see. Uhm, naniniwala ka ba sa multo?”

Napataas na lang ang kilay ni Tristan. Bakit naman napunta sa usapang multo ang lahat? Tanong niya sa sarili.

“Bakit mo naitanong?”

Nagkibit-balikat ang dalaga bago sumagot. “Tingin ko kasi, totoo sila.”

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Tristan. “Hindi sila totoo. Produkto lang sila ng malilikot na imahinasyon ng mga tao. Panakot lang sila sa mga bata,” sagot pa nito. “At ‘di ka na bata, Sakura!”

“Nye, nye, nye! Sabi mo, e.” Tumalikod na si Sakura sa kausap habang binibilog ang mga kandila mula sa kabilang puntod na katabi ng sa lola niya.

MAYA-MAYA, muli na namang nangulit si Sakura. “Alam mo ba kung ano ang isang ‘yan?” tanong ni Sakura sabay turo sa kabilang direksyon.

“Isang itim na paru-paro,” walang siglang tugon ni Tristan. “Bakit? Mukha bang Butterfree ‘yan?” sarkastiko nitong pahabol.

Umiling ang dalaga. “Tingin ko isa ‘yang Hollow. O ‘di naman kaya’y isang Shinigami.”

“Anime na naman ba?” naiinis na tanong ni Tristan.

“Well, yes… pero–”

“Ano ba naman, Sakura?” Ginulo ni Trsitan ang buhok dahil sa pagkainis. “Hanggang dito ba naman, anime pa rin?”

“Look, anime o hindi, my point is naniniwala ako na mayroon talagang spirits!”

Pinilit na lang ni Tristan na pakalmahin ang sarili. Kinukumbinsi niya ang sariling mas mahaba dapat ang pasensya niya dahil mas tino syang mag-isip. “Sige na, sige na. Naniniwala na ako,” wika niya, para lamang hindi na mangulit ang kaibigan. Ayaw rin naman niyang maulit ang nakaraan na ilang beses niya itong nasigawan.

“So as I was saying,” pagpapatuloy ni Sakura. “Hollows are spirits or wandering souls. ‘Yung Shinigami naman, para silang mga hunters ng Hollows. Sa napanood ko noon sa Bleach, they can transform in to animals.”

Tumango-tango na lang si Tristan. “Shape-shifting pala. Parang aswang?” biro pa nito.

“Ano ‘yung aswang? Tsk, hindi! Parang katulad nitong butter–” Natigilan naman ang dalaga sa pagsasalita.

“Oh, Sakura, bakit?”

“N-nawala ‘yung paru-paro!”

“Malamang lumipad na iyon sa kung saan,” sagot ni Tristan. “Umuwi na raw tayo sabi ni mama!”

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now