Episode 6: Bonds

827 20 11
                                    

Episode 6: Bonds

"Bakit?" masungit na tanong ni Tristan.

"Tutal, na'ndito ka na rin naman, baka pwedeng-"

"Ano ba 'yun?"

"... baka pwedeng tulungan mo akong mag-ayos ng mga pinamili ko? Palagay naman sa istante, o!"

Naglakad siya palapit kay Sakura habang nakapamulsa. "Paano kung ayoko?"

"Sige na, please!" Nagpaawa na naman si Sakura sa pamamagitan ng beautiful eyes niya. Hindi tuloy mawari ni Tristan kung matutuwa ba siya sa sobrang pagkainis o matatawa dahil mukhang tuta ang kausap.

"Oo na, sige na," sagot niya.
Kinuha ni Tristan ang box ng isang anime figurine kung saan nakatayo sa loob ang isang character. Isa itong lalake na may kulay pink na buhok at scarf na kulay itim at puti ang stripes. Nakasulat sa ilalim na bahagi ng karton ang mga salitang "Fairy Tail".

Napakunot na lang ang noon g binata. Tila mali yata ang basa niya rito.

'Di ba dapat "Fairy Tale 'yun? tanong niya sa sarili.

"Oy, Sakura, bakit mali ang spelling nito?" tanong pa niya habang ipinapakita ang hawak na box. "Pambatang babae ang fairy tales, a. Anime ba ito?" dagdag pa niya.

"Magkaiba silang dalawa, Tristan."

"Ha? Magkaiba pa?" nalilito niyang tanong.

"Oo. Alam kong prinsesa sina Cinderella at Snow White sa fairy tales pero iba ang Fairy Tail na tinutukoy ko," paliwanag ni Sakura. "Ang hirap namang mag-explain. Bakit ba kasi hindi ka rin otaku?" dagdag pa niya.

Napataas ang kilay ng binata. "Bakit ko naman gugustuhing maging kagaya mo?" tanong pa ni Tristan. Nakita pa niya ang saglit na pagsimangot ng dalaga. "Ikwento mo na lang sa akin kung paano ka naging anime fan," suhestson ng binata.

Sandaling katahimikan ang naganap bago tuluyang magsalita si Sakura. "Magkaibigan na tayo, hindi ba?" tanong pa niya.

Sa unang pagkakataon, tila naramdaman ni Tristan kung paano kumilos ng normal si Sakura. Pakiramdam niya'y panandaliang nawala ang pagkainis niya sa kweirduhan nito. Maaari naman pala itong kumilos at mag-isip na parang normal na teenager.

"Oo," isa na namang tipid na sagot ang kaniyang pinakawalan. Hindi kasi makapaniwala ang binata na nakakausap niya ng matino si Sakura. Batid niyang matalino rin ito at kung minsan ay mabait. Madalas lang baliw sa mga bagay-bagay pero maayos naman palang kausap.

"Masyadong abala ang mga magulang ko sa trabaho nila. Madalas akong naiiwan sa bahay namin kasama ang mga katulong. Wala naman akong ibang kalaro doon," panimula niya. "Hanggang isang araw, nadiskubre ko ang anime. Unang kita at panood ko pa lang rito nagustuhan ko na. 'Yung stories, 'yung mga characters, pati mga drawings, humanga talaga ako."

Napangiti na lang si Tristan nang hindi niya namamalayan. Pakiramdam niyang nakikinig siya sa isang musmos na tuwang-tuwang nagkukwento sa kaniyang magulang ng kaniyang mga karanasan.

"Gusto mo talaga ang mga fictional stories kaysa sa mga posibleng mangyari sa reyalidad?" Tila hindi sinasadyang makawala ng mga tanong na iyon mula kay Tristan ngunit kinain na rin siya ng curiosity.

"Alam ko ang pagkakaiba ng fiction kaysa sa reality. Siguro, mas natuwa lang ako sa anime at sa mga story nila. Kakaiba kasi sa panlasa," sagot ni Sakura. "Sabi nga nila, walang limitasyon sa imahinasyon."

ILANG oras na ba silang magka-usap ngunit hanggang ngayo'y nagugulat pa rin si Tristan sa mga sinasabi ni Sakural. Ito ang unang pagkakataon na nakausap niya ng tino ang dalaga magmula nang dumating ito sa kanila.

"Pasensya ka na rin kung minsan, nagiging sakit ako ng ulo mo." Iyon ang mga katagang sinambit ni Sakura na siyang nagpatigil sa mundo ni Tristan nang mga sandaling iyon.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang hihingi ito ng paumanhin dahil sa pagiging weirdo. Tila kinurot ang puso niya. Bakit nga ba kailangang humingi ng tawad ng isang tao kung nagpapakatotoo lamang siya? Hindi naman kasalanan ng isang tao na ipakita ang tunay nilang pagkatao. At mas lalong hindi nila kailangang humingi ng paunmanhin dahil lamang sa kung sino o ano sila.

"Ako ang dapat na humingi ng sorry sa'yo," wika ni Tristan. "Madalas kasing mainit ang ulo ko."

"Wala iyon," tipid nitong tugon. "Sanay na ako na ganito ang pakikitungo sa akin ng ibang tao. Kaya nga mas minabuti kong makipagkaibigan na lamang sa mga dummy sa internet. At least, doon, marami akong nakakausap na katulad ng interes ko."

Napakagat si Tristan sa ibabang bahagi ng labi niya. Alam niyang sa likod ng mga ngiti ni Sakura ay nagtatago ang kalungkutan nito.

"Siguro nga nagkamali ako ng pagkakakilala sa'yo."

"Okay lang 'yun. Saka, magkaibigan na naman tayo, hindi ba?" tanong ni Sakura na tanging tango na lang ang naitugon ng binata. "Ikaw, may gusto ka bang sabihin o ikwento?"

Napataas naman ang kilay ni Tristan sa tanong na iyon. "Anong ibig mong sabihin?"

"Tingin ko kasi, napakaseryoso mo sa buhay. Laging nakakunot 'yang noo mo. O baka sa akin ka lang talaga masungit," wika ni Sakura. "Naisip ko lang kung nagkakagusto ka rin ba sa mga babae," dagdag pa nito.

Mukhang kahit ang weridong tulad ni Sakura ay nahalata kung gaano siya kasuplado at kaseryoso sa buhay. Maliban sa ina at sa best friend na si Ken, wala nang iba pang nakakakilala sa kaniya.

At ngayong may isang bagong kakilala na nagtanong tungkol sa personal niyang buhay, nagdadalawang isip siya kung dapat ba niya itong sagutin, kung dapat ba siyang magtiwala rito. Noong huling beses kasi siyang nagtiwala sa ibang tao, iniwan lang siya nito -iniwan lang siya ng kaniyang ama.

"Gusto mo talagang malaman kung may crush ako?" tanong ni Tristan. Tanging malapad na ngiti at tango ang itinugon sa kaniya ng dalaga. "Pero sikreto lang natin ito, ha?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Sakura habang tumatango.

"Promise! Cross my heart, hope to die!" sabi ni Sakura habang nakataas pa ang kanang kamay.

Hope to die pala, ha! Sige, mauna ka. De biro lang, wika ng isipan ni Tristan sabay katok sa kahoy na istante.

"Kilala mo si a mo si Almira Tamayo?" tanong niya sa dalaga.

Nanlaki pa ang mga mata ni Sakura dahil sa labis na pagkagulat. "Si class President?" tanong pa nito na tila pilit ang pagngiti. "Well, expected ko na rin naman 'yun. Masyado na siyang perpekto."

Sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Mira? Matalino, maganda, mabait. Isang perpektong ehemplo sa mga kabataan.

"Yeah. Pero h'wag mo na ssanag kaisipan pa. I am talking in general. Hindi lang naman ako ang humahanga sa kaniya," sagot ni Tristan. "So, matutulog na ako. Masyado nang malalim ang gabi, Sakura. Good night," pagpapaalam niya sa dalaga bago lumabas ng pinto ng kwarto nito.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now