Episode 7: True Colors

809 17 14
                                    

Episode 7: True Colors

Masaya ang naging pag-uusap nina Tristan at Sakura kagabi. Pakiramdam ng dalaga ay ito na ang pagsisimula ng maganda nilang samahan bilang bagong magkaibigan. Ito ang unang pagkakataon na magiging malapit siya sa isang lalake -isang tunay na tao na wala sa loob ng social media.

Naikwento niya sa binata kung paano siya nahilig sa panood ng anime at pagbabasa ng manga. Nabanggit din nito sa kaniya ang lihim na pagtingin sa kanilang class President na si Almira Tamayo.

Maganda ito at matalino. Alam iyon ng lahat. Pero tanging si Sakura lamang ang nakaka-alam ng tunay nitong ugali.

UNANG araw pa lang ni Sakura sa Augustus High. Naisipan niyang magtanghalian sa roof top ng school building nila.

Noon pa man, gusto na niyang nagpapahinga sa mga roof tops ng kahit na anong gusali. Napakasarap sa pakiramdam ng simoy ng malamig na hangin. Nakakatuwang magpahinga sa lilim ng kumpol ng mga ulap habang nakatanaw sa malawak at asul na kalangitan.

"Nakakapagpagaan talaga ng loob ang simoy ng hangin," wika niya.

"Talaga, Ms. Misawa?" Narinig niya ang isang tinig mula sa kaniyang likuran. Pamilyar ang mukha nito.

"Classmates tayo, hindi ba?" tanong pa niya habang nakangiti rito.

"Mira, 'yun ang pangalan ko," pagpapakilala ng kanilang class President. Ngunit tila iba ang aura nito. Hindi kagaya ng masayang ngiti na nakikita niya sa klase, tila nakakatakot ang mga titig nito na animo'y mga patalim.

"A, oo nga. Ikaw pala-" pero hindi na siya nakatapos pa sa kaniyang pagsasalita.

"...Otaku ka, hindi ba?" pagputol ni Mira sa kaniyang pahayag.

"Uhm... e-"
"Ayoko sa inyo! Weirdo kayong lahat!" sigaw ni Mira na ikinagulat ni Sakura.

"Ano ba'ng ginawa ko at-"

"Marami na akong nakilalang kagaya mo. Mga salot kayo sa lipunan!" muli nitong sigaw. "Nakaka-inis lang kasing isipin na may mga taong nagpapakabaliw sa mga walang kakwenta-kwentang bagay imbis ng itinutuon ang atensyon nila sa mga bagay na magpapa-unlad sa kanila!" dagdag pa nito.

Tila nais nang pumatak ng mga luha ni Sakura. Hindi niya inasahan na ganito ang magiging asal ni Mira sa kaniya at sa sa mga kagaya niyang anime ang naging kanlungan sa kabila ng kalungkutan.

Agad na lumapit si Mira sa kaniya at mabilis na hinila ang key chain mula sa kaniyang cellphone. Inilapag niya ito sa sementadong sahig at saka niyapakan. Nabasag ito sa hindi mabilang na piraso.

"Kitsune-kun," sambit ni Sakura habang umiiyak.

"Nakaka-awa ang mga kagaya mo. Kuntento ka na lang ba na mabuhay sa pantasya?" masungit nitong tanong. "D'yan ka na!" pahabol pa nito bago tuluyang lumabas ng pinto ng roof top at nanaog pababa.

Naiwan naman si Sakura na umiiyak -hindi alintana kung masugatan man siya mula sa mga bubog na piraso ng key chain.

Sino nga ba ang mag-aakalang ang tulad ni Mira na may maamong mukha ay may itinatagong masamang ugali?

Minsan na ring napa-isip si Sakura na gumanti kay Mira upang turuan ito ng leksyon. Ngunit dahil magkaibigan na sila ni Tristan at nalaman pa niyang may gusto ito rito, nagdalawang-isip siya. Ayaw niyang muli itong magalit sa kaniya at masira pa ang kauusbong lang nilang pagkakaibigan.

Isa pa, imahe rin naman niya ang masisira sa lahat kapag nangyari iyon. Alam niyang mas paniniwalaan ng lahat si Mira kaysa sa kaniya. Karuwagan mang iisipin ngunit ang pinakamabisang paraan na alam niya ay umiwas na lang.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now