Episode 20: Fiancée

506 12 0
                                    

Episode 20: Fiancée

Isang linggo na ang nakakaraan nang matapos ang Halloween Party sa Augustus High. Walang ibang matandaan si Sakura maliban sa pagkawala ng kaniyang malay at nang mapagtanto niyang multo pala ang babaeng nakausap niya. Ang mga sumunod niyang naalala ay nang magising na siya sa kanlungan ng kaibigan.

Kasalukuyan  silang naglalakad ni Tristan mula sa sementeryo pabalik sa bahay ng mga Ildefonso. Dinalaw nila ang puntod ng babae at nag-alay ng bulaklak para dito. At mula sa kanilang kinatatayuan, napansin ni Sakura na may babaeng nakatayo sa tapat ng bahay nila Tristan.

Napansin naman sila ng babae kaya’t dali-dali itong tumakbo palapit sa kanila. Ilang hakbang pa ang layo ng babae mula kay Tristan ngunit tumalon na ito sa ere upang yakapin ang binata.

“Tris, I miss you!” wika nito.

Tila nagulat naman si Sakura sa bilis ng mga pangyayari. Hindi niya alam kung anong sasabihin o gagawin dahil sa mga nasaksihan.

“Teka, Mika? Mikaela?” gulat na tanong ni Tristan nang maglayo sila ng babae.

Isang matamis na ngiti ang itinugon ng babae. “The one and only.”

Tila natauhan naman ang binata. Hindi siya makapaniwalang matapos ang ilang taong pagkawala at hindi pagpapakita sa kaniya ni Mika ay muli itong nagbalik.

“Uhm, Mika, si Sakura, kaibigan ko,” pagpapakilala ni Tristan sa kabigan. “Sakura, si Mika–”

“Fiancée niya!” mabilis na tugon ni Mika sabay shakehand sa kausap. Ang buong akala ni Sakura ay nakakabigla na ang mga nangyari kanina, hindi niya inasahang mas magugulat siya sa mga narinig.

“Mika!” suway ni Tristan na nginitian lang ng babae.

“Uhm, n-nice meeting you, Momoi!” nauutal pang sagot ni Sakura. “M-mauuna na ako sa loob, kailangan ko nang magbihis!” At bago pa man makapagsalita si Tristan, mabilsi nang kumaripas ng takbo ang dalaga.

MABILIS na isinara ni Sakura ang pinto ng kaniyang kwarto at sumandal rito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Tila mainit ang kaniyang mga mata. Nagbabadya ang luha mula sa mga iyon. Mas mabakas at mas mabilis naman ang bawat pintig ng kaniyang puso na tila nagkakarerang kabayo.

“Bagay sila.” Iyon na lang ang mga katagang nasambit niya bago tuluyang napaupo sa kinasaasndalan habang yakap ang magkabilang tuhod.

MAKALIPAS ang ilang minuto ay nanaog si Sakura mula sa may hagdaan –ngayon ay balot siya ng damit na panlamig at akmang aalis.

“Sakura, may pupuntahan ka ba?” mabilis na tanong ni Tristan.

Tumango naman ang dalaga. “May nakalimutan kasi akong bilihin sa bayan kanina,” palusot pa niya. Ang totoo’y nais lang niyang umalis dahil hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang damdaming tila nagwawala na sa kaloob-looban niya.

“Gusto mo samahan ka na namin?”

“Naku, hindi na,” tanggi ng dalaga. “Asikasuhin mo na lang ang bisita mo. Makaka-abala pa ako sa inyo.”

At muli, walang nagawa si Trsitan kung hindi ang pagmasdan na lang si Sakura. Lumabas na ito ng pintuan ng bahay nila. Wala man lang siyang nagawa para habulin ang dalaga.

“Nagseselos ba ‘yun?” mapanuksong tanong ni Mika.

*****

ILANG taon na rin ang lumipas magmula nang huling makagala si Mika sa bayan nila kaya sinamahan na lang siya ni Tristan na mamasyal. Kumagat na ang gabi kung saan napipintahan ng libo-libong mga bituin ang madilim na kalangitan.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now