Episode 4: The Betting Game

926 20 9
                                    

Episode 4: The Betting Game

Panatag na ang kalooban ni Tristan dahil bati na sila ni Sakura. Ngayon nga'y sabay pa silang naglalakad pauwi. Huminto sila sa tapat ng isang tindahan sa bayan, tila isang local store version ng Comic Alley.

"Samahan mo naman ako rito bukas, may gusto lang akong bilihin," usal niya. Hindi na rin nagtaka ang binata. Basta kahit anong anime stuffs pa iyan, alam niyang hindi titigil si Sakura hangga't hindi nabibili ang gusto niya.

Napakamot na lang siya sa ulo niya. "Pwede naman sana, kaso lang, 'di ba may exam pa rin tayo bukas?" palusot ni Tristan.

Wala na rin kasi siyang ibang maisip na paraan upang tanggihan ang dalaga. Ang totoo'y tinatamad lang talaga siya.

"Hmmm... pagkatapos na lang ng exam?" Makulit talaga ang dalaga. Hindi ito magpapatalo.

"A... e... "

"Magpustahan na lang kaya tayo?" suhestson ni Sakura.

"Anong klaseng pustahan naman 'yan, ha?"

"Magpataasan tayo ng score. Kapag ako ang nanalo, sasamahan mo ako rito," masiglang wika ni Sakura habang nakangiti at nakaturo sa anime store sa tapat nila.

"At kapag ako ang nanalo?"

"Ikaw ang bahala. Kahit anong consequence." Tila nabuhayan naman si Tristan sa sagot ni Sakura.

Kahit ano pala, ha!

"Deal!" tugon ni Tristan. Kampante siya na makakauha ng mataas na grado sa Algebra exam nila. Madali lang naman ito para sa kaniya.

"Deal!" nakangiting tugon ni Sakura.

*****

NANG maka-uwi sila at matapos ang hapunan, mabilis na nagpaalam si Tristan upang magtungo sa kwarto at mag-review. Alam niyang kaya niyang talunin si Sakura pero kailangan niyang manigurado.

Naiwan naman si Sakura sa kusina kasama si Tracy upang ligpitan ang mga pinagkainan. Bago pa man makalayo si Tristan ay narinig pa niya ang mahinang usapan ng dalaga at ng kaniyang ina.

"May exam pala kayo bukas, hija. Baka gusto mong mag-aral na rin muna? Kaya ko na naman ang mga ito," wika ni Tracy.

"Naku, okay lang po, tita. Tutulungan ko muna kayo rito. Isa pa, madali na lang ang exam bukas. Gagamitan ko na lang po ng jutsu."

Napangiti na lang si Tristan habang umiiling. Ibang level na kasi talaga ang kabaliwan ng babaeng iyon.


KINABUKASAN, nagsimula na ang exam. Fifty items kung saan thirty-five and above ang passing score. Agad na sumeryoso ang mukha ni Tristan. Kailangan pala talaga niyang galingan. Dalawa lamang ang nasa isip niya ngayon: ang makakuha ng mataas na grado at ang matalo si Sakura sa pustahan.

Makalipas ang isa't kalhating oras ay natapos rin ang tila napakahabang exam na iyon. Panatag pa rin ang kalooban ni Tristan na mananalo siya.

Isa-isa na ngang binanggit ang mga pangalan nila kasama na ang scores na nakuha. Pangalan lang naman nila ni Sakura ang nais pakinggan ni Tristan. Alam naman kasi nilang lahat na si Almira Tamayo ang makakauha ng pinakamataas na grado dahil ito ang class President at representative ng mga sophomores para sa Supreme Student Government ng paaralan.

Hindi na nagulat si Tristan nang marinig niya ang mga scores nila ni Sakura. Nakakuha ito ng score ng forty-three samantalang ang kaniya ay forty-four.

Tagumpay! Sigaw niya sa isipan.

Agad siyang napatayo. "Yeah! Natalo kita, Sakura! In your face!" sigaw ni Tristan habang nakaturo sa naka-upong dalaga. Tila nakalimutan niyang nasa loob pa siya ng klase kaya't nakuha niya ang atensyon ng lahat ng mga estudyante sa loob.

"Mr. Ildefonso, ano na namang kalokohan 'yan, ha?" tanong ni Ms. Naomi.

Lagot!

"A, e, masaya lang ma'am, pasensya na po," palusot pa niya.

"How about a minus one point dahil sa kaingayan mo? Kahapon ka pa, a."

Nabahala naman si Tristan sa sinabi ng professor nila. Hindi siya pwedeng matalo sa pustahan.

"No! No, ma'am... ano po kasi-"

"Minus two. Nangangatwiran ka pa!"

Nanlaki ang mga mata ng binata. Minabuti niyang manahimik na lang kung gusto niyang may matira pa sa scores niya.

Lumapit sa kaniya ang kaibigang si Ken at umakbay. "Okay lang 'yan, bro. Pasado ka pa rin naman, e." Buntong-hininga na lang ang tanging naitugon niya.

"Please pass all the papers to the aisle!" sigaw ni Ms. Naomi.

Ipinasa niya ang papel sa harapan bago napatingin kay Sakura. Makabuluhan ang ngiti nito. May hawak pa siyang papel kung saan nakasulat ang dalawang salita na"I WIN!" na sadyang nagpakunot ng noon ni Tristan.

Ibang klase nga talagang magbiro ang pagkakataon. Ginto na nga naman, naging bato pa.

*****

MAAGA pa nang makarating sila sa tindahan kung saan nagpasama si Sakura pero hapon na sila nakalabas . Nag-aagaw na ang dilim at ang kulay kahel na kalangitan sa kanluran.

Maraming binili si Sakura. Mga anime CDs, mga series na hindi pa niya napapanood. Mas gusto kasi niyang nakakakita ng pisikal na koleksyon kaysa panoorin pa niya sa internet. Bumili rin siya ng ilang figurines at mga nendroids na hindi mo alam kung orihinal ba o boot legs lang.

"Oy, Tristan, pakidala naman noong ilan sa mga pinamili ko, please!" paki-usap ni Sakura na hindi na halos madala ang mga hawak sa magkabilang kamay.

"Ang usapan ay sasamahan lang kita rito, a. Bakit hindi mo na lang isinama 'yung driver mo?" pagrereklamo pa ni Tristan.

"Hindi mo ba kayang maging gentleman? Tulungan mo na lang ako, sige na, o!"

Napa-iling na lang si Tristan. Hindi niya talaga kakayanin ang kakulitan ng babaeng ito. Nang makalabas sila ng tindahan, may nakita siyang kakilala mula sa malayo. Naktingin ito sa kanila habang malawak ang ngiti sa labi.

Parang gusto na tuloy niyang magpalamon sa lupa.

Ano nga ba ang palusot na sasabihin niya sa isang ito kapag nalaman niya ang totoo? Nakakahiya para kay Tristan na malaman ng kahit na sino na sa kanila nakatira ang weirdong dalaga.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now