Episode 12: Thicker than Blood

670 15 8
                                    

Epsiode 12: Thicker than Blood

Katatapos lang ng matagumpay na school festival at ngayon nga’y pauwi na sina Sakura at Tristan. Naglalakad na sila palabas ng school building nang maalala ng dalaga na naiwan pala niya ang karton kung saan nakahiga ang alaga niyang pusa.

“Ako na lang ang kukuha. Hintayin mo na lang ako rito,” wika ni Tristan sabay karipas ng takbo pabalik sa hagdaan. Minabuti niyang iwan muna si Sakura dahil mapapagod lamang ito kung kasama pang babalik.

Naglakad naman si Sakura patungo sa tarangkahan ng paaralan para doon na lang hintayin ang kaibigan. Buhat-buhat nito ang alagang pusa.

“Neko-chan, ano ba?” nahihirapang wika ni Sakura habang nagpupumiglas naman ang pusa na makawala mula sa pagkakayap nito.

Tumalon ito mula sa kaniyang mga bisig at tumakbo patungo sa entrance ng school. Lubhang nag-alala si Sakura sa kung anong mangyayari.

Mabuti na lamang at may isang lalaki na humarang sa daanan ni Neko-chan at  binuhat ito.

“Sa’yo ba ang pusang itong, ineng?”  tanong nito sa dalaga nang makalapit ito sa kaniya.

Hingal na hingal na inabot ni Sakura ang alaga mula sa lalaking nagligtas rito.

“Opo, akin nga po,” tugon niya “Maraming salamat po, Mr.–?”
“Mr. Anderson,” sagot ng lalaki. Tingin ni Sakura ay nasa early forties pa lang ito. Mukha itong mayaman, kapansin-pansin sa maayos na damit at elegenteng relo. Mayroon ring nakaparadang puting limousine sa likuran nito.

SAMANTALA, nakuha na naman ni Tristan ang karton ni Neko-chan. Buhat na niya ito at akmang aalis na nang makitang may kausap na lalake si Sakura. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makilala kung sino ito.

Nagmadali siya sa pagbaba at agad na tinawag ang kaibigan.

“Sakura!”

Napalingon naman ang dalaga sa kaniya at nagulat pa nang kunin niya si Neko-chan. Isinakay niya ito sa kariton at binitbit sa isang kamay. Samantalang ang isang kamay ni Tristan ay ginamit niya upang hilain si Sakura.

“Umuwi na tayo!” matigas na sabi ng binata.

“Pero Tristan,” tanggi pa ni Sakura. Wala namang nagawa ang dalaga nang hilain siya ng kaibigan palayo. “Mr. Anderson, maraming salamat po ulit! Mag-iingat kayo!”

Narinig naman ni Mr. Anderson ang mga huling sinabi ni Sakura kahit pa nakalayo na ito. Pinagmasdan niya ang dalawang teenager na naglalakad habang malalim ang iniisip.

*****

KATATAPOS lang ng hapunan ngunit balisa pa rin si Tristan. Napansin naman ito ng ina kaya’t nagtanong na rin ito.

“Anak, may problema ka ba?”

“Wala naman, ma. Pagod lang siguro ako,” palusot niya.

“Ikaw, Sakura. Kamusta naman ang school festival?”

“Masaya po, tita. Na-enjoy ko talaga,” sagot pa ni Sakura bago humikab. “Mauuna na po akong matulog, napagod rin po kasi ako, e,” pagpapaalam ni Sakura na nauna nang pumanhik sa hagdanan.

Nang masigurado ni Tristan na nasa taas na si Sakura, minabuti niyang lumapit sa ina. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong sabihin o hindi ngunit tingin niya ay kahit paano’y may karapatan itong malaman ang totoo. Naghintay lang din siya ng pagkakataon dahil ayaw niyang marinig ni Sakura kung ano man ang sasabihin niya.

“May sasabihin ka ba, anak?” tanong ni Tracy sa anak.

“Si papa,” wika ni Tristan. “Nakita ko siya kanina.”

Natahamik saglit si Tracy habang nakatakip ang palad sa bibig. Nakatingin ito sa anak na tila binabagabag ng damdamin.

“Nag-usap ba kayo?” tanong nito.

“Hindi,” matigas na tugon ni Tristan. “At kahit kailan, ayaw ko na siyang makita pa!”

“Hindi mo ba nami-miss ang papa mo?”

Natigilan si Tristan. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong ng mama niya. Dahil ang totoo, sabik na siya rito. Matagal siyang nangulila sa yakap at pag-aaruga ng papa niya. Matagal niyang inasama na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya.

“Ma, h’wag na natin siyang pag-usapan,” wika ni Tristan. “Pagod ako. Matutulog na ako. Good night, ma.”

NANG marinig ni Sakura na nagpaalam na si Tristan sa mama nito upang matulog ay dali-dali ngunit maingat siyang nagtungo sa sariling silid.

Batid niyang masama ang makinig sa usapan ng iba lalo pa’t problema ito ng pamilya ngunit hindiniya maiwasang hindi mag-alala para kay Tristan.

Ngayon ay alam na niya kung bakit ganoon ang ikinilos ng binata matapos makita si Mr. Anderson. Ang lalakeng nagligats sa alaga niyang pusa – siya pala mismo ang ama ni Tristan na nag-iwan sa kaniya noong bata pa lang siya.

Gustong magalit ni Sakura para sa kaibigan. Hindi niya alam ang dahilan ni Mr. Anderson upang iwan ang anak ngunit hindi siya iyong tipo ng tao na manghuusga hangga’t hindi niya naririnig ang panig ng isa’t isa kaya nais niya sanang malaman pa ang mas malalim na dahilan ng papa ni Tristan.

KINABUKASAN, maagang nagising si Sakura. Martes ngunit wala pa silang pasok dahil katatapos lang ng festival kahapon. Abala pa rin kasi ang mga school janitors at maintenance. Nang makababa siya mula sa may hagdan, narinig niya na nagri-ring ang telepono.

Lumapit siya rito upang sagutin ang tawag. Malamang ay nasa banyo na ang tita Tracy niya at naliligo para pumasok na sa trabaho. Si Tristan naman, malamang ay tulog pa rin. Kapag alam nitong walang pasok kinabukasan ay halos tanghali na itong bumabangon.

“H-hello?”

(“Hello? Tracy, ikaw ba ito?”) tanong nang nasa kabilang linya. Si Mr. Asura. Hindi naman agad nakapagsalita ang dalaga.

“Si Sakura po ito,” bulong ng dalaga.
(“Gaoon ba? Ineng, pakisabi namang–”)

“Sakura! Sino ‘yan?” Narinig naman ni Tristan ang malamig na tinig ni Tristan na nanggaling mula sa likuran.

Bahagya siyang humarap ditto upang iabot ang telepono. “Ang papa mo, Tristan.”

Agad naman itong kinuha ng binata ngunit imbis na kausapin ay pinagbabaan niya ng telepono ang ama.

“Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang numero ng telepono ng bahay at wala na rin akong pakialam roon,” wika ni Tristan. “Pero h’wag na h’wag mo na siyang kakausapin pa.”

“Pero, Tristan! Siya ang papa mo!” naluluhang sabi ni Sakura. “Sabi nga nila, ‘blood is thicker than water’. Kaya mo ba talaga siyang tiisin?”

Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Oo, marahil ama ko nga siya!” sigaw ni to. “Pero mas matindi ang nararamdaman kong pagkamuhi para sa kaniya. Kaya kahit sabihin mong anak niya ako, wala na akong pakialam pa!”

Batid ni Sakura na likas na ang pagiging masungit ng kaibigan ngunit ito ang unang beses na nakita niya itong magalit ng ganoon. Nasigawan na siya nito noon ngunit alam niyang iba ang nararamdaman ni Tristan ngayon. Magkahalong lungkot at poot.

“T-Tristan,” taniging nasambit ni Sakura na ngayo nga’y nagbabadya na ang pagluha.

“Wala kang alam at hindi mo ako maiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko,” malamig na wika ng binata. Naglakad na ito paunta sa may pinto ng bahay. Lumabas ito. Umalis si Tristan at walang ideya si Sakura kung saan ba ito pupunta.

Napako naman ang dalaga sa kinatatayuan. Tuluyan na ngang umagos ang mainit na luha na kanina pa nais na lumabas.

Nasaktan siya  ng sobra dahil sa mga binitawang salikta ng binata. Ang buong akala pa naman niya’y magiging maayos na ang samahan nilang dalawa bilang magkaibigan ngunit tila nagkaroon na ito ng lamat.

“Sakura, may problema ba?” Narinig niya ang pagtawag ng tita Tracy niya na tila kakalabas lang sa banyo, kapansin-pansin sa basa nitong buhok.

Mabilis niyang pinahid ang mga luha niay gamit ang likuran ng kaniyang palad. “Wala po, tita!” sagot ng dalaga sabay takbo pabalik sa kwarto niya.

She's an Otaku [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon