Episode 13:Bitterness and Confusion

628 16 4
                                    

Episode 13: Bitterness and Confusion

Maagang nagising si Tristan. Alam niyang walang pasok at sa mga ganitong panahon, dapat sinusulit niya ang tulog niya.

Nais pa sana niyang bumalik sa kama ngunit gising na ang kaniyang diwa kaya’t wala na siyang napagpilian kung hindi ang manaog pababa sa hagdaan. Iniisp niyang manood muna ng TV .

Nang makarating siya sa baba ay naabutan niya roon ang dalaga na may kausap sa kabilang linya ng telepono. Nang malaman niya kung sino iyon ay agad niyang ibinaba ang telopono at nasigawan si Sakura.

Aminado ang binata na hindi niya iyon sinasadya. Nadala lamang siya ng kaniyang emosyon. Gusto niyang kausapin ang ama. Alam niya iyon sa sarili niya. Ngunit duwag siya. Takot siya na tanggapin ang katotohanang hanggang ngayo’y umaasa pa rin siyang maaayos ang lahat.

Ngunit may dahilan si Tristan kung bakit siya nagmamatigas. Dahil mahal niya ang ina. Mag-isa siyang itinaguyod ni Tracy kahit wala ang papa niya noon. At hindi sapat ang pagpapakita ng ama para lamang isantabi ang ilang taon nitong pagkawala. Hindi niya maatim na balewalain ang sakripisyo ng ina.

*****

NANG makalabas siya ng kanilang bahay ay agad siyang tumakbo. Hindi man alam ng paa kung saan siya patutungo ay wala na siyang pakialam, ang mahalaga sa kaniya’y makalayo at makalanghap ng sariwang hangin.

Nakarating siya sa bayan at napahinto sa tapat ng isang arcade. Naisipan niyang magpalipas ng oras at magpalamig ng ulo. Ilang oras din niyang ginugol ang oras sa paglalaro.

Nang mapagod ay lumabas na rin siya rito. Ang buong akala niya’y mababawasan ang nararamdamang pagkainis pero mas lalo pa yata siyang na-stress kakalaro ng mga games sa arcade.

Hanggang sa tila may imaginary light bulb na lumabas sa ibabaw ng ulo iya. Agad siyang naglakad. Alam na niya kung saan pupunta. At alam niyang makikinig ito sa kaniya.

NAKA ilang pindot pa sa door bell si Tristan bago siya pagbuksan ng kaibigan.

“Yo! Napadaan ka?” masiglang bati ni Ken habang nakangiti –hindi nakangisi pala ito.

Napakamot na lang si Tristan sa ulo na sinabayan na rin ng isang malalim na buntong hininga. “Ano kasi–” nauutal pa niyang sabi na tila hindi alam kung paano sasabihin sa kaibigan ang problema. “May nangyari lang na hindi maganda.”

Napatango na lang ang kaibigan at niyaya siyang pumasok sa loob. Kilala ni Ken si Tristan higit kanino man.

Kabaliktaran siya ni Sakura. Hindi kasi siya iyong tipo ng tipikal na teenager na nakikipagkaibigan sa social media. Kung gagamit man siya ng internet, malamang Youtube lang.

Suplado siya  at likas na mailap sa mga tao. At marahil iisa lang ang dahilan kung paanno niya naging kaibigan si Ken at Sakura –dahil kapwa makulit ang dalawang iyon.

TUMAMBAY silang dalawa sa balkonahe ng kwarto ni Ken sa ikalawang palapag ng bahay. Naka-upo sila sa mga upuang yari sa puting marmol habang umiinom ng pineapple juice at kumakain ng tig-isang slice ng chocolate cake.

“So, anong problema mo, bro?” tanong ni Ken.

“Si papa, nakita ko siya matapos ang school festival,” pagtatapat ni Tristan. “Naroroon siya.”

Muntik nang mabulunan si Ken dahil sa narinig. Agad niyang ininom ang juice at muntik pa itong maibuga. “Seryoso?” tanong niya sa kaibigan habang nagpupunas ng bibig. “Nag-usap ba kayo? Ano’ng sabi?” usisa pa nito sabay subo ng chocolate cake.

Umiling lang si Tristan. “Wala rin naman akong sasabihin sa kaniya,” tugon pa ng binata. Alam niya sa sarili na dapat matagal na niyang kinalimutan ang ama ngunit traydor ang kaniyang puso para ipagpilitang ni minsan ay hindi ito sumagi sa kaniyang isipan.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now