Episode 16: Rainy Days

536 15 6
                                    

Episode 16: Rainy Days

Miyerkules ng umaga. Nagising si Tristan dahil sa lakas ng mga patak ng ulan sa bubungan ng bahay nila, dulot na rin nang ilang ulit na pagkulog.

Papungay-pungay pa ang mga mata niyang tinitigan ang alarm clock na nasa tabi pa ng kama niya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang alas-siyete na nag umaga. Late na siya sa klase.

Dali-dali siyang bumaba sa sala. Naabutan niya ang ina na nakabihis at handa nang pumasok sa trabaho habang si Sakura nama’y nakapambahay pa rin. Naka-upo ito sa sofa habang nanonood ng balita sa TV.

“Kanselado raw ang klase sabi sa balita,” bungad ni Sakura habang umiinom ng gatas mula sa hawak na baso. “May parating daw na bagyo.”

“E, kayo, ma? May pasok pa rin kayo?” tanong ni Tristan sa ina.

Napatawa na lang ito ng mahina. “Hindi ka na nasanay, anak. Alam mo namang kayo lang ang nagkakansela ng pasok. Kaming mga nagta-trabaho ay parang mga imortal at isda, sumusuong kami sa bagyo at baha.”

Hindi naman alam ng binata kung matatawa siya sa biro ng ina. “O, siya. Mag-iingat kayo, ma!”

“Oo naman, ako pa ba? O, siya. Magpakabait ka, ha! H’wag mo na ulit sisigawan si Sakura!” paalala ni Tracy bago lumabas ng pinto, hawak ang payong nito.

Napa-iling na lang si Tristan. Pati pala ang maliit na pag-aaway nila ni Sakura ay nalaman pa nito. Humakbang na siya pataas ng hagdan nang marinig niya sa Sakura.

“Tristan, saan ka pupunta?”

“Babalik sa pagtulog!” walang buhay na sagot niya.

“Ha? E, kakagising mo lang, a. Hindi ka ba mag-aalmusal man lang?”

“Bata pa lang ako, gusto ko nang natutulog sa malamig at madilim na lugar lalo pa’t umuulan!”

Mahinang napatawa si Sakura. “Madilim? Malamig? Ano ka, bampira? Para kang si Zero Kiryu!”

Napa-eye roll na lang si Tristansa sinabi ni Sakura. “E, wala naman kasing maggawa kapag umuulan, e. Ikaw ba, may pinagkaka-abalahan?”

“Marami!” mabilis na sagot ng dalaga. Napanganga na lang si Tristan. Kung siya nga, wala nang magawa sa buhay niya kapag walang pasok at walang ulan, si Sakura pa kaya? Masyado na nga ba siyang anti-social?

“Tulad ng?”

“Uhm… manood ng anime, magbasa ng manga, maglaro ng games–” at marami pang isinagot si Sakura na hindi na rin napakinggan ni Tristan dahil nahilo na siya sa kaweirduhan ng kaibigan.

Napahawak na lang si Tristan sa sentido habang naglalakad palapit kay Sakura. Umupo ito sa tabi ng dalaga at kumuha ng isang cookie mula sa bowl na nakapatong sa lamesa, katabi ng baso ng gatas ni Sakura.

“O, sige na nga. Papatulan ko ang kabaliwan mo,” wika ni Tristan sabay kagat sa hawak na cookie.

Tila kumislap naman ang mga mata ng dalaga. “So, makikipag-bonding ka ulit sa akin?” nakangiti pa nitong tanong.

“Not exactly.” Napakamot na lang sa ulo niya ang binata. “Ano ba ‘yang pinapanood mo, ha?” tanong ni Tristan. Nalingat lang siya saglit, napalsakan na agad ni Sakura ng bala ng anime ang TV.

“Ito ba? Melancholy of Haruhi Suzumiya!” sagot ni Sakura.

*****

NAKAKA-ISANG episode pa lang si Tristan pero hindi niya alam kung makakatagal pa siya. Tingin niya, mas malala pa ang pinapanood niyang anime kaysa kay Sakura.

Iyong bidang babae, mas weird pa sa kaniya. Unang araw pa lang sa klase, naghahanap na agad ng mga aliens, time travelers at espers. At araw-araw, iba’t iba ang ginagawang hair styles.

Laking pasasalamat na rin ng binata na hindi pa ganoon ang level ni Sakura. At hindi na niya gustong makita pa si Sakura na maging kagaya noong bida sa palabas. Baka maya-maya ay maghukay pa ito ng fossils ng mga Dinosaurs sa bakuran nila.

Itinigil na muna ni Tristan ang panonood. Sumandal siya sa sofa habang tinititigan ang mga manga na nakapatong sa mesa. May isang libro na nakapukaw ng atensyon niya, “Naruto” ang nakasulat sa pamagat.

Inabot niya ito at pinagmasdan ang cover. May apat na tao siyang nakita roon. Isang lalake na kulay abo ang buhok, nakatakip ang kaliwang mata at bibig. Ang isa naman ay lalaking kulay dilaw ang buhok at tila may kung anong kalmot sa mga pisngi. May lalaki ring asul ang damit at tila seryoso ang mukha.

Mas napukaw naman nang huling tauhan sa cover ang atensyon ni Tristan. Kulay pink kasi ang buhok nito. Cute ito pero maliit ang hinaharap.

“Uhm, Sakura, anong pangalan nitong isang ito?” tanong ni Tristan habang nakturo sa cover ng manga.

“Kapangalan ko siya!” masiglang wika ni Sakura bago itinuon ang mga mata pabalik sa harap ng TV.

“A! Cherry blossom pala,” bulong pa ng binata.

Tumango-tango pa ito habang nakangiti. “D’yan kinuha ang pangalan ko!”

“Ha? Bakit? Hindi naman kulay pink ang kulay ng hibla ng mga buhok mo tulad ng cherry blossom, a!”

“Siguro dahil ipinanganak ako sa panahon ng tag-sibol.”

“A! Akala ko dahil flat-chested ka,” bulong ni Tristan na hindi naman narinig ng dalaga.

*****

LUMIPAS ang maghapon na patuloy pa rin ang kuwentuhan ng dalawa. Maya-maya ay naisipan ni Tristan na magmeryenda muna. Tumayo siya mula sa kinauupuan para magtungo sa kusina.

“Gusto mo ng dessert? Kukuha ako sa ref,” tanong ni Tristan.

“Ako na lang ang kukuha!”

Nang makabalik, iniliapag na ni Sakura ang tig-isang plato ng blue-berry cheese cake sa mesa. Kukuhanin na sana ni Tristan ang isa sa mga ito nang bigla na lamang namatay ang TV. Kasabay noon ang pagkawala ng mga ilaw sa loob ng bahay.

Napasigaw pa si Sakura nang biglang gunuhit ang kidlat sa kalangitna, kasunod noon ay ang pagdagungdong ng kulog. Patakbong napayakap ang dalaga sa kaniya.

“Sakura, h’wag kang matakot. Kulog lang iyon!” wika ni Tristan habang hinahagod ang likod ni Sakura. Sa bawat pagkulog ay mas lalong humihigpit ang pagkakayap nito sa kaniya.

“Tristan!”

“Shhh, kukuha lang ako ng kandila o kahit flash light man lang para may ilaw tayo.”

“H’wag mo akong iiwan dito,” nanginginig bang wika ng dalaga.

“Hindi kita iiwan.”

Kapwa sila naka-upo sa sofa habang nakayakap pa rin sa kaniya si Sakura. Hindi nila namalayaan ang unti-unting pagbigat ng talukap ng kanilang mga mata hanggang tangayin na nga sila ng antok sa mundo ng mga panaginip.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now