Episode 2: The Visitor

1.2K 24 32
                                    

Episode 2: The Visitor

"Ikaw?" gulat na tanong ni Tristan.

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Napaka-ironic nga naman kasi kung iisipin na mabilis siyang umuwi mula sa paaralan para lamang takasan si Sakura ngunit magkikita pala ulit sila sa mismong bahay niya.

"So?" sarkastikong sagot ni Sakura. Nag-iba na naman ang mood nito. Weirdo, ika nga ni Tristan.

"Teka nga. Sinusundan mo ba 'ko, ha?"

"Bakit ko naman 'yun gagawin, aber?" Pabalik na tanong ni Sakura.

"A... e... magkakilala na pala kayo?" Namagitan na ang mama ni Tristan sa kanilang dalawa upang pigilan ang namumuong tensyon.

"E, bakit ba kasi na'ndito siya, ma?"

Huminga nang malalim ang mama niya bago nagpaliwanag. "Si Sakura ay anak ng isang malapit na kaibigan. Pinaki-usapan ako ng mommy niya na dito muna makituloy habang nag-aaral para sa school year na ito."

Kumunot naman ang noo ng binata. Labis-labis na ang pagtataka niya. Alam niyang mayaman ang dalaga. May driver pa nga ito. Kaya bakit naman ito makikitira sa kanila?

"Pero bakit nga, ma?" muli niyang tanong sa ina.

"Matatagalan bago makabalik ang mga magulang niya mula sa isang business trip, anak. Syempre, nagmagandang-loob lamang ako tutal malapit naman sa akin ang mommy niya," patuloy na paliwanag ni Tracy. "Tristan, pakisamahan mo naman muna si Sakura sa taas, sa magiging kwarto niya. Magluluto muna ako ng hapunan," pakiusap pa nito sa anak.

"Pero, ma!" Magrereklamo pa sana si Tristan pero binigyan na lamang siya nito ng isang makahulugang tingin sabay ngiti. "Sabi ko nga."

*****

ATTIC -ito na lamang ang tanging kwarto sa buong bahay na hindi okupado kaya't ito ang magsisilbing silid ni Sakura. Matagal na bago ito huling nalinisan, mabuti na lamang at naayos na ito ni Tracy bago magamit at malipatan.

Hindi ganoon kalaki ngunit hindi rin ganoon kaliit ang attic. May isang tatsulok na bintana sa sentrong ding-ding kung saan kitang-kita ang tanawin mula sa labas.

"Hey, pakuha naman ng mga karton at bag ko sa labas!" utos ni Sakura kay Tristan.

Ay wow! Feel at home ang isang 'to, a, komento ni Tristan sa isipan niya.
"E, paano kung ayoko?"

Nag-pout naman si Sakura. "Ganyan ka ba talaga sa mga bisita? Wala man lang hospitality?"

Tila bulkan si Tristan na sasabog ano mang oras. Hindi yata kakayanin ng pasensya niya ang ugali at kaweirduhan ni Sakura.

"Tristan! Sakura!" tawag ni Tracy sa dalawa. "Bumaba na kayo r'yan! Handa na ang hapunan!"

Wala na ring nagawa si Tristan kung hindi ang sumunod na lang. Kumakalam na rin kasi ang sikmura niya. Pababa na sana siya sa hagdaan nang unahan siya ni Sakura. Panandalian pa itong tumigil at lumingon sa kaniyang direksyon sabay dila.

Bwisit na, weirdo pa! muling sigaw ni Tristan sa sipan niya.

*****

LUMIPAS ang hapunan at sinabi ni Tracy na siya na ang bahalang magligpit ng mga pinagkainan. Minabuti naman niyang utusan ang anak na tulungan na lamang si Sakura sa pag-aayos ng kwarto nito at pagbubuhat ng mga gamit.

"E, ano nga kasing laman ng mga karton na ito?" usisa ni Tristan habang isa-isang ibinababa ang mga gamit ni Sakura.

"A, 'yan ba? Mga anime collection ko. Hindi ko naman kasi pwedeng iwan na lang sa bahay namin kung matagal rin akong mawawala," paliwanag naman ni Sakura habang inaayos ang kaniyang mga damit.

"Pambata lang naman ang mga cartoons, 'di ba?" tanong ni Tristan.

Biglang napabaling ang tingin ni Sakura sa kaniya. Tila nagpantig ang tainga nito nang marinig ang sinabi ng binata. At hindi mawari ni Tristan kung siya lang ba o talagang napansin niya ang unti-unting pagbabago ng aura ng dalaga.

Nakakatakot.

"Cartoons? Cartoons? CARTOONS?" paulit-ulit na tanong ni Sakura na tila umuusok na ang ilong.

"O, teka! Bakit ba ha? May nasabi ba akong masama?" pag-awat pa ni Tristan sa tila nagwawalang dragon na bisita.

"Para sabihin ko sa'yo, magka-iba ang ANIME at CARTOONS!" pasigaw nitong pahayag. Hindi tuloy alam ni Tristan ang dapat maramdaman -kung dapat ba siyang matakot o matawa sa reaksyon ng dalaga. Sa sobrang moody nito, mahirap nang basahin ang ugali.

"Okay, okay! Sorry! Relax!" Tila humupa na naman ang init ng ulo nito at biglang ngumiti.

Weirdo talaga.

"Hmp. Basta h'wag mo nang uulitin 'yun, ha?" tanong ni Sakura sa binata na tanging tango at pilit na ngiti na lang ang naisagot.

"So, ano... kung wala ka nang kailangan, bababa na ako," pagpapaalam ni Tristan.

"A, wala na naman. Maraming salamat sa pagtulong sa akin!" tugon ni Sakura. "Good night!" tanging 'yun na lamang ang mga narinig niya mula sa dalaga bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

*****

ILANG oras na rin ang lumipas magmula nang lumabas siya mula sa kwarto ni Sakura pero hanggang ngayon ay nasa malalim na pag-iisip pa rin ang binata. Hindi mawala sa isipan niya ang ugali ng kanilang bisita.

Batid niyang kahit paano ay mabait naman ito. May itsura at mukha rin namang intelihente -iyon nga lang, tila may tama sa utak kung minsan.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagiging isang otaku ng dalaga. Kung sa iba, salot ang tingin sa mga kagaya nila, para kay Tristan ay normal na lang iyon. Iba't-iba ang hilig ng mga tao at alam niyang magkakaiba sila ng pananaw sa buhay.

"H'wag na h'wag niya lang talagang ipapakita ang ka-weirduhan niya sa marami," hindi napigilang bulong ni Tristan sa sarili.

Naihilamos na lamang niya sa mukha ang mga palad bago ibinaling ang katawan sa kanang bahagi ng kama upang magpahinga na.

"Bahala siya," bulong ng binata bago tuluyang ipikit ang mga mata.

She's an Otaku [Completed]Where stories live. Discover now