My life love and friends in the Dynasty Gang

206 3 0
                                    

Chrexie Marie Naranza= kambal ni Clear na hindi naman Lesbian pero barkada nya lalaki lahat. At ang mga lalaking yun ay ang mga heartthrob lang naman sa skul nila. Maraming galit sa kanya, more of them babae. Matalino at athletic. Mahilig mang butingtung ng mga bagay bagay. Magaling sumayaw.Mapagmahal at caring na kapatid at kaibigan. Maganda pero amasona.DG

Clear Marie Naranza= ang kakambal na kamukhang kamukha ni Chrexie. Mas matalino kay Chrex pero magkasundong magkasundo sila. Maganda din pero sobrang choosy sa lalaki. Amasona din at kahit sino walang sinasanto. Matalino pero di mahilig sa sports. Sossy sya and her friends are all girls. Di nga lang marami.Maganda at fashionista. Magaling sa math at journalist. Magaling din sumayaw.DG

Khen Christopher Naranza= ang black sheep sa kanilang magkakapatid. Puro kalukuhan lang ang alam pero super sweet na kapatid. Sa kapatid nyang babae lang sya sweet. Sporty boy. Snobbish and hindi friendly. Ilan lang nakaka get together nya. Blackbelter sa taekwondo. Magaling mag luto, mana sa nanay. DG

Pal Leonest Fuentez= ang matagal ng may gusto kay Clear. Tahimik lang pero may tinatago ring kalokohan. Loyal kay Clear kahit di nya alam na may feelings ba ito sa kaniya o wala. Artist, at magaling din sumayaw. Ang number 1 hearthhrob ng school nila. Isa sa barkada ni Chrexie.. DG

Francis Wendel Jhay Cabuguas= ang childhood bestfriend ng kambal na since elementary ka M.U na ni Chrexie. Sobrang mapagmahal at protective na kuya. Sweet at mabait na lover. Isa sa heartthrob ng skul nila.Basketball and volleyball player. BDG

Junnelle James Zamora= Isa sa heartthrob ng skul nila. Since 1st year na may gusto kay Chrexie pero ayaw na e break yung friendship nila. Laging supportive at taga comfort kay Chrex nung nawala si Wendel pero never na nag take ng advantage. Mapag masid at makilatis na tao. Chess player. DG

Anton John Kevin Lorenzo=Crush si Chrexie mula first year. Pero pinipigilan nya ang sarili nya dahil sa friendship nila at dahil sa alam nyang iisa lang ang minamahal at mamahalin ni Chrex. Joker din pero di masyadong madaldal. Isa sa heartthrob ng skul nila. Mahilig din mag butingtung ng kung anu-ano. MVP din. DG

Ace Kieth Han= Ang dakilang bolero ng barkada pero iisa lang ang minamahal. Matalino kaya lang tamad mag aral. Magaling pomorma pero dakilang torpe pagdating kay Bev. HR din. Football player ng skul. DG

Dominic Dave Panunciarez= tahimik lang din sa grupo. Nagging crush ni Chrexie dati. Mapagmatyag din. pihikan sa babae kaya hanggang ngayon wala pang gf. Hanggang harutan lang sa kanya.HR din. Matalino at masipag din mag aral. Black belter ng taekwondo. DG

Marlon Cyrelle Limego= ang taong walang magawa lage sa buhay. Walang balak mag seryoso at ang pinaka playboy sa lahat. Madaling kausap, pag ayaw mo walang pilitan sa kanya. Matalino rin kaya lang pinakatamad mag aral sa lahat.HR din. Musician sa grupo at sobrang galing gumawa ng kanta. DG

Zack Ronald Ramos= ang kakambal ni Marlon sa kalukuhan pati na rin sa talent. Wala ring balak magseryoso sa buhay. Sayang ang itsura parang bakla. Mahirap ihiwalay kay Marlon. HR din. DG

Rodney Japhet Sy=One of the shools Heartthrob and captain ball of the volleyball team. Isa rin sa baseball player ng skul. Lahat ng to pinaghirapan nyang salihan para sa pinakamamahal nyang matagal ng nawala sa kanya. Minsan lang dumadada. Mapagmahal at mas nakatatanda sa lahat. Ayaw nyang sinasaktan o binabastos mga taong mahalaga sa kanya lalo na ang bff nyang si Chrexie. DG

Joey Xander Villaruiz= hottest male in their year level. Masyadong torpe. Dating may gusto kay Clear. Matalino kaya lang masyadong childish. Bestfriend din ni Chrexie pero palagi silang nagbabangayan lalo na pag walang magawa. HR din.



BeverlyAlmihra Chan= malihim sa lahat. Di basta basta nag titiwala kahit kanino at laging maingat sa lahat ng bagay nyang gagawin. Matalino ngunit di lahat ng inaaral para sa skwela. Lahat ng gagawin nya ay para sa ikabubuti ng lahat. Di bali na sya ang mapahamak at masaktan wag lang ang mga taong iniingatan nya. Lalong lalo na ang bff nya na sina Clear, Dianne at Nicole. Archer ng skul nila. Maganda at kinaiingitan ng iba dahil kay Ace. Star majorite.





Nicole Joairra Santillan= chessplayer. Ang isa sa bff ni Clear. Ang babaeng mag papagulo? Mag papaikot? O tutulong sa mga bida? Dahil pati tao minamanipula nya na parang piece sa chess. Mabait pero may sariling mundo. Ang mag ka clash o mag aayus ng DG at BDG..

Princess Dianne Sarmiento= ang babaeng handang gawin at tiisin ang lahat para lang wag mahirapan ang taong mahal nya. Ang babaeng nagpatibok ng puso at nagpatorpe kay Joey. Mabait at laging nag paparaya. Maganda pero di marunong lumaban. Laging umiiwas sa gulo para wag mapahamak ang mga kaibigan nya. Mapag tiis, maunawain. Isa ring journalist sa skul nila.



Ako si Chrexie Marie Naranza. At ang kwentong ito ay tungkol sa buhay ko... May kambal ako, si Clear Marie Naranza super suplada pero super talino naman. Kahit sino walang sinasanto. Kahit na alam nyang mali siya nagagawan nya ng paraan para sya ang lumabas na tama... Kahit nga yung tyahin naming nagpalaki sa amin walang magawa sa kasupladahan nya. Pero proud kami sa kanya kasi super talino nya. Nung elementary life namin laging outstanding yan hakot award ang pagiging declaimer at journalist. Magaling din sumayaw kaso wala masyadong hilig sa sports. Sya yung sossy type pero she knows her limits. And talking to boys may pagka malandi din yan, madaling mag ka crush pero infairness ang tataas ng standards. Kaya daw ganun standards nya para matagal siya makapag asawa. Amasona din yan kung di nyo alam. Kasali pa nga rin yan sa top eh.

Next ang little brother namin na 2 years younger than us lang. His Christopher Khen Naranza. Siya na yata yung black sheep sa family namin. Pero kahit ganun super close kami magkakapatid. Grabe sa ka kulit yung batang yun. Gwapo naman kaya lang hindi marunong mag ayos ng sarili. Pero habulin ng chicks. Kung nagkalaman ng konti to pwede natong maging model. Sa aming tatlo sya lang yung tamad mag aral

Parents namin? Well mahirap lang nga pala kami. Di naman ganung mahirap, yung kayang kaya lang ang buhay. Bumagsak kasi business ng lolo't lola namin nung bata pa parents namin. Tas nung pauwi ng Philippines family ng mama namin kasama 5 younger siblings ni mama na crush yung sinasakyan nilang airplane. Kaya 12 palang ulila na si mama. KOREAN ang lolo namin samantalang half korean si lola. En adopt sya ng bestfriend ng lolo. Kaya lang ayaw nung wife nung lalaki kaya nung mamatay yung bestfriend ng lolo umalis si mama sa bahay na yun at nag apply nalang bilang cook sa isang restaurant si mama. 18 nadin kasi siya nun. Nagkakilala sila ni papa sa restau nayun. Pamilya daw ni papa may ari. Hanggang sa nagsama na sila secretly until yun nabuo kaming secret family ni papa. Ng malaman ng mama ni papa tanggap naman nila kami. Matagal na rin daw kasing patay ang papa ni papa dahil sa leukemia. Kaya lang sa di namin alam na dahilan 8 years old palang kami ni Clear at 4 si Khen nagising nalang kaming wala na ang lola at papa at nag punta na daw sa Brazil. Tanging ang restau lang ang iniwan sa amin. Sabi naman ni mama wala namang problema. Tiwala lang daw dapat kami sa desisyon nila. Bata pa daw kasi kami noon para maintindihan ang mga bagay bagay. Pero hanggang ngayun di na namin napag uusapan si papa. Obvious namang di sya nakakalimutan ni mama.

Wala naman kaming galit kay papa at sa pamilya nya. Ganun din si mama kahit hindi sabihin sa amin ni mama alam naming may tamang dahilan bakit sila umalis. Kahit na ang sabi ng iba kabet lang ang mama at ikina hihiya nila kami kaya nila kami iniwan di naman kami nag papa apekto dun kasi alam naman naming di totoo yun. At yun ang sabi ng mama. At naniniwala kami sa pangako ni papa na "BABALIK SYA"

on the side po picture ng kambal. Clear and Chrexie. ---->

Living in the Dynasty GangWhere stories live. Discover now