Music #5

1.9K 136 82
                                    

Yoongi's Music

Music #5



"Hoy Yuseon!"ang biglang tawag sa akin ng isang boses habang nakaupo ako sa desk ko.

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang naka-cross arms at nakataas ang kilay na si Hyumi.

Sinipa nya ang trash can na nasa harapan nya at tumitig sa akin.

"Itapon mo ang mga basura" ang utos nya sa akin. "Tutal, kasing dumi mo rin naman ang mga basurang ito"

And after she said that ay doon na naman pumailanlang ang pamilyar na tawanan sa buong classroom.

I looked at her pretty face at katulad ng iba ay tumatawa narin sya.

Her name is Soo Hyumi.

Ang dating bestfriend ko and we even grew up together. Pero simula nang sumabog ang balitang iyon ay isa na sya sa mga nangunguna sa pambubully sa akin.

And I wonder...paano nya ako nagagawang tratuhin ng ganito matapos ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa? Maybe because...she'd never seen me like a true friend.

Pero kahit ganun ay tumayo nalang ako mula sa desk ko at naglakad patungo sa kanya.

Dahil kahit na ganito na ang trato nya sa akin ay may parte parin sa akin ang gustong bumalik kami sa dati. I only want her to see me as her friend again.

Pero...

Pupulutin ko na sana ang trash can na nasa harapan nya nang bigla nyang sipain yun dahilan para mabuhos ang mga laman nito sa sahig.

"Oh I'm sorry...it's just too bad..."ang nakangisi pa nyang sabi. "...pokpok"

Saka sya tumawa uli kasama ang mga classmates ko at naglakad patungo sa desk nya.

Pumikit nalang ako.

Okay lang.

Suot ko ang heaphone ko kaya iisipin nilang hindi ko narinig ang mga sinabi nya.

Wala akong naririnig.

Wala akong naririnig.

Wala akong naririnig.

Ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Tama, wala akong naririnig.

Huminga nalang ako ng malalim saka pinulot ang mga nagkalat na basura sa harapan ko at ibinalik yun sa trash can.

Nang mailagay ko ang lahat ng iyon ay tumayo na ako mula sa pagkakayuko at maglalakad na sana pero may sinabi pa sya.

"Oh, be careful honey at baka masali kang matapon sa basurahan. You look like one pa naman" ang sabi nya saka tumawa na naman uli kasama ang mga classmates ko.

Ramdam ko na ang pananakit ng sulok ng mga mata ko kaya mabilis akong naglakad palabas ng classroom na yun habang dala-dala ang basurahan.

Naglakad lang ako sa hallway habang nanduon na naman ang pamilyar na nandidiring tingin at mga pambubully galing sa mga schoolmates ko.

Hapun na at uwian na kaya marami ng estudyante sa hallway na nakatambay.

Naramdaman ko pa ang mga balat ng mga pagkain at mga cans ng mga inumin na itinatapon nila sa akin.

"POKPOK! Hahahahaha!" yan ang naririnig ko.

Pero hindi.

Hindi ko sila naririnig.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now