Music #15

2K 149 152
                                    

Yoongi's Music

Music #15




Nang makauwi na si Yoongi ay naglakad na ako papasok ng bahay.

Pero natigilan ako nang madatnan kong nakatayo sa gitna ng sala si Tita at halatang hinihintay nya ako.

"Pwede bang malaman kung sino sya?" ang tanong nya gamit ang nag-aalalang boses na iyon habang nakayakap sa sarili.

Nagtaka naman ako dahil halatang nag-aalala sya.

"K-kaibigan ko po sya..." ang naisagot ko.

At nang marinig yun ay nakita kong mas nadagdagan ang pag-aalala sa mukha nya.

"Yuseon-ah..."she started. "Alam kong wala kang masyadong kaibigan pero...pero pwede bang piliin mo ang mga taong kakaibiganin mo?"

Nagsalubong ang kilay ko ng dahil sa sinabi nya.

Bakit ba nya nasabi yun? Ayaw nya bang makipagkaibigan ako kay Yoongi?

Pero bago pa man ako makasagot ay agad na syang nagsalita.

"He's wearing ear piercings...at kulay pula pa ang buhok nya...anak, baka naman masamang tao sya o baka kasali sya sa mga gangsters na nasa lugar natin" ang dugtong nya pa. "Ayoko lang na mapasama ka sa mga taong katulad nya. At hindi sya magandang ihimplo para sayo"

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa iniisip nya tungkol kay Yoongi.

"Pero tita---"

"Basta" she cut me off. "Ayokong nakikita kitang sumasama sa mga lalaking katulad nya na nagsusuot ng ear piercings at kulay pula pa ang buhok. Hindi magandang tignan anak na sumasama ka sa isang katulad nya..."

And before I could protest ay tumalikod na sya at naglakad paalis.

Samantalang naiwan akong mag-isang nakatayo doon.




Few days later...


"Same day, same moon
24/7 every moment repeats
My life is in between
Jobless twenty-somethings are afraid of tomorrow
It's funny, you think anything
is possible when you're a kid
When you feel how hard it is to get through a day
Keep feeling like the
"Control" beat, keep downloading it
Every single day is a repetition of ctrl+c, ctrl+v..."

He stopped from rapping at napatingin sa akin.

"Yuseonie...ano sa tingin mo? Maganda ba?" ang nakangiting tanong nya sa akin.

Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa sahig sa may balcony kung saan sya laging natutulog noon at kinakanta nya sa akin ang unang kantang ginawa nya.

Oo, sobrang excited nga syang iparinig yun sa akin eh at ngayon ay nakikita ko sa mga mata nya na sobrang excited sya na makita ang magiging reaksyon ko.

But just like before ay napatulala lang ako sa gwapong mukha nya.

Hindi ko kasi maiwasang isipin na...sobrang galing nya sa paggawa ng music at sa pagra-rap.

Ito ang unang kantang ginawa nya at hindi ko mapigilang humanga sa kanya.

Pero natigilan din ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Tita noong isang gabi.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now