Music #38

1.5K 107 132
                                    

Yoongi's Music

Music #38



Paano mo ba masasabing nanalo ka na?

In the definition of winning that I know, ay alam kong hindi ganito dapat ang nararamdaman ko.

"Hyung?" ang rinig kong katok ni Jungkook sa may pinto. "Hyung, maggo-grocery kaming lahat ngayon. Ipinapatanong lang ni Rapmon hyung kung sasama ka ba"

Pero hindi ako sumagot.

Nanatili lang akong nakadapa sa kama ko habang nakabalot sa akin ang makapal na kumot ko.

Isa pa ay wala akong ganang magsalita o gumawa ng kahit ano mang bagay ngayon. Kung pwede lang mawalan din ng ganang huminga ay baka ginawa ko na.

I won.

Yes, I won this time dahil nakaya ko na syang pakawalan. Nakaya ko ng tanggapin na wala na nga kaming dalawa. Now, I could laugh my heart out because I finally get the courage to let her go.

Pero puta. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit hindi ko magawang tumawa?

Bakit hindi ko magawang maging masaya?

Diba dapat maging masaya na ako dahil nanalo na ako?

Pero ano 'tong nangyayari sa akin?

I feel so tired at ang gusto ko lang ay mapag-isa. At nagpapasalamat ako na naisipan nilang lumabas ngayon dahil sa totoo lang ay ayoko ring makarinig ng ingay.

I just want to sleep.

Sleep is my only escape from this pain. Pero puta, pati ata ang antok ay nilalayuan narin ako.

Yes. I won.

I won but why do I feel like I'm that same fucked up loser who can't do anything but to let her torture me?

"Tulog ata hyung eh" ang rinig kong bulong ni Jungkook sa labas.

"Ha? Tulog na naman sya?" si Jin hyung. "Teka, mula ng umuwi yan kahapon ay hindi na yan lumabas ah"

"Aishh...pabayaan nyo na hyung" si Rapmon. "Alam nyo namang may pinagdadaanan sya ngayon nang dahil sa mga malalaking issue na ibinabato sa kanya"

Puta.

Bakit kailangan pa nilang ipa-remind sa akin ang pagpapahiya sa akin ng babaing yun?

Narinig ko nalang ang katok ni Jin hyung sa pinto.

"Yoongi, lalabas lang kami" ang paalam nya. "Ikaw lang ang maiiwan ngayon dito sa apartment dahil lumabas din kanina si J-hope at pinuntahan ang girlfriend nya"

Nalasahan ko nalang ang mapait na lasa na yun sa bibig ko matapos kong marinig yun.

Hah!

Eh ano naman ngayon kung magkasama na naman sila ng boyfriend nya? I don't give a fucking shit. Hah! Magsama sila! Puta, wala akong pakialam!

Narinig ko nalang ang mga papalayong yabag nila at ang pagkakasara ng pinto ng apartment. So I was left all alone. Pero mabuti narin 'to. Atleast makakatulog na ako.

Nayakap ko nalang ng mahigpit ang unan ko at nagpumilit na matulog.

Puta. Gusto ko ng matulog.

Gusto ko ng itulog ang lahat ng ito para makalimutan ko na sya.

She's playing a game so I decided to give her a good fight. At simula ngayon ay yan na ang gagawin ko.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now