Music #63

591 51 90
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Yoongi's Music

Music #63




Third Person's POV:

Masayang nag-uusap at nagtatawanan ang magkakaibigan noon sa may sala ng apartment nila kasama ang bisita nilang si Sujin. Samantalang sa tabi naman nya ay nanatiling nakaupo at naging tahimik lang si Suga na mukhang kanina pa ay may malalim na iiniisip.

At nasa ganun lang silang posisyon nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng apartment nila at dire-diretsong pumasok mula doon si J-hope.

Si Jimin naman ang agad na nakapansin sa pagdating ng hyung nya kaya agad syang masayang tumayo at nagsalita.

"Oh hyung---"

Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin nya ay bigla nalang sinugod ng isang malakas na suntok sa mukha ni Jhope ang noon ay napayukong si Suga.

Napatili nalang ng dahil sa sobrang takot si Sujin samantalang nagkagulo naman ang magkakaibigan.

"GAGO KA! HAYUP KA!!!" ang galit na galit at namumulang sigaw ni J-hope at susugurin pa sana nya ulit ito pero agad na syang naawat pareho nina Rapmon at Jin. "ANO 'TONG GINAWA MO HA?!! ANO 'TO?!!"

"HOBI!!!" ang awat sa kanya ni Jin na noon ay nakakapit sa kanya.

Samantalang nanatiling nakayuko lang at parang hindi makatingin sa kanya si Suga na noon ay sinaluhan at niyakap ni Sujin.

"Oppa!" ang galit at naiiyak na sigaw ni Sujin sa kanya habang nakayakap kay Suga. "Bakit ba bigla mo nalang sinusugod ng suntok si Suga oppa ha?! Ano bang nagawa nyang mali sayo?!"

Pero nasagot ang katanungan nya nang galit na galit na nagsalita ulit si Jhope.

"IISA LANG ANG HINILING KO SAYO HYUNG!" ang sigaw nya at sa sobrang galit ay hindi na nya napigilan pang mapaiyak sa harapan ng mga kaibigan. "IISA LANG!!! AT IYON AY ANG PALIGAYAHIN LANG SYA! PERO ANO 'TONG GINAWA MO HA?! ANO 'TO?!"

Doon na unti-unting nabitawan ni Sujin ang noon ay nakayuko lang na si Suga at hindi makapaniwalang napatingin dito. Saka nya naramdaman ang paghapdi ng dibdib nya lalo na ng maintindihan na nya ang lahat.

"IPINAUBAYA KO SYA SAYO HYUNG PERO ANO 'TONG GINAWA MO HA?!NOONG ARAW NA PINILI KA NYA AY WALA KANG NARINIG NA KAHIT ANO PA MAN SA AKIN! TUMAHIMIK AKO! HINDI AKO NAGALIT! HINDI KITA SINITA! HINDI KO IPINAMUKHA SAYO NA INAGAW MO SA AKIN ANG GIRLFRIEND KO! NILUNOK KO ANG SAKIT HYUNG! NILUNOK KO ANG SAKIT NANG DAHIL SA NANGAKO KA NA PALILIGAYAHIN MO SYA! NILUNOK KO ANG LAHAT KAHIT NA SOBRA SOBRANG SAKIT NA!" ang umiiyak na sigaw pa nya habang dinuduro ito. "PERO ANO 'TONG GINAWA MO HA?! PAANO MO SYA NAGAWANG SAKTAN ULIT NG GANITO KATINDI?! PAANO?!"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now