Music #22

1.3K 108 74
                                    

Yoongi's Music

Music #22




Gusto kong sumigaw.

Gusto kong magwala.

Gusto kong sugurin nalang sila ngayon at patayin silang pareho sa kinahihigaan nila.

There is nothing I can feel right now but the so much pain and hatred that I'm feeling right now for her for cheating on me like this.

Pero natagpuan ko lang ang sarili kong nanlalamig at hindi parin makapaniwalang napatitig sa dalawang taong nakahubad at magkatabing natutulog sa malaking kamang iyon.

Sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.

Pakiramdam ko ay namamanhid ako sa sobrang galit. At nararamdaman ko narin na nagsisimula ng mag-init ang sulok ng mga mata ko ng dahil sa sobrang pagkamuhi na nararamdaman ko.

I trusted her...but how could she...?

Nakita kong medyo gumalaw sya mula sa kama at alam kong nakahubad sya sa ilalim ng kumot na nakatakip sa kanilang pareho.

She slowly opened her eyes at nakita kong nagpalinga-linga sya sa paligid na para bang hindi nya alam kung nasaan sya.

And then our eyes met.

At nang makita nya ako na nakatayo sa harapan nila ay nakita ko kung paano unti-unting nanlaki ang mga mata nya. Lalo na nang makita ang lalaking katabi nya bago sya lumingon sa akin.

"Y-yoongi----"

Pero doon na nandilim ang paningin ko.

Sa sobrang galit ko ay sinugod ko ang nakahubad at natutulog parin na lalaking katabi nya at buong pagkasuklam na binigyan sya ng suntok.

"Yoongi!" ang narinig kong sigaw nya saka nya ako pilit na inawat.

Pero itinulak ko lang sya at ipinagpatuloy ang pagsuntok at pagtadyak sa lalaking iyon.

"PUTA KA! MAMATAY KA NA!!! AAAAAAAAAARRRRRGHHHH!!!"

Naramdaman kong hinawakan nya uli ang braso ko.

"Yoongi! Tama na----!"

Mabilis naman akong lumingon sa kanya at buong sakit at pagkasuklam na sumigaw sa kanya.

"BAKIT?!" ang galit na galit na sigaw ko.

Oo.

Bakit?

Bakit mo nagawa sa akin 'to?

Bakit mo nagawang mangaliwa?

Bakit mo ako nagawang saktan ng ganito katindi?

Nakita ko ang pag-iyak nya sa harapan ko. At doon ko narin naramdaman ang pagbuhos ng mga luha sa magkabilang pisngi ko.

"BAKIT HA?!" ang umiiyak kong sigaw. "BAKIT?!!!"

But still, sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko ay ang tanong lang na iyon ang lumalabas sa bibig ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak sa harapan nya.

Parang sasabog ang dibdib ko ng dahil sa sobrang sakit.

Hindi ko lang matanggap na nagawa nya sa akin 'to.

Sobrang minahal ko sya kaya hindi ko maintindihan kung paano nya naatim na gawin sa akin 'to.

Akmang lalapitan nya ako pero agad akong umatras at humahagulgol ng iyak na napasandig sa naruong pader.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now