Music #64

634 41 89
                                    


Yoongi's Music

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Yoongi's Music

Music #64



Suga's POV:



[HOT ISSUE] Black Muses Sunny was revealed to be in a mental institution due to a mental disorder in the past. Photos and evidences revealed.



Alam kong nakakagago.

At alam kong wala na akong karapatan.

Pero matapos kong mabasa ang balitang iyon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sumakay ng kotse ko at tumakbo papunta sa kanya.

Hindi ko parin napigilan ang sarili ko na isipin sya.

She needs me.

At yun lang ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito. Alam kong nakakaputang-ina ang sitwasyon namin ngayon pero hindi ko parin sya kayang tiisin. Hindi ko parin sya kayang pabayaan nalang.

Nang makarating ako sa harapan ng agency nila ay mabilis akong lumabas ng kotse ko.

Pero katulad ng inaasahan ko ay ang kaguluhan na iyon ang sumalubong sa akin. Nakita kong nagkakagulo ang mga reporters habang pinagkakaguluhan nila ang babaing iyon na ngayon ay nakayukong naglalakad palabas ng building ng Agency nila.

Si Yuseon.

Sa sobrang dami ng taong nakapalibot sa kanya ay halos hindi na magkamayaw ang manager at ibang guards ng agency sa pag-protekta sa kanya mula sa mga reporters.

"Ms. Sunny, totoo po ba ang kumakalat na balita tungkol sa inyo?"

"Ano po ba ang masasabi ninyo sa balitang ito? Totoo po ba ito?"

"Ms. Sunny, pwede po ba kayong magbigay ng pahayag ninyo tungkol dito?"

Nakita kong nakasuot sya ng itim na sumbrero at itim na mask para maprotektahan ang sarili nya sa mga taong nasa paligid nya. Her eyes are as usual, emotionless. Pero alam kong sa likuran ng walang emosyong mga mata nya ay alam kong nagtatago ang nasasaktan na si Yuseon. Nagtatago ang nasasaktan na babaing mahal ko. At nakakaputang-ina ang pakiramdam na wala akong ibang magawa kundi ang panoorin nalang sya mula sa malayo.

"Oppa!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Sujin na nakatayo lang sa likuran ng mga taong iyon.

Oo, sa sobrang pagtitig ko kay Yuseon ay hindi ko na napansin ang presensya nya.

Ngumiti sya at masayang tumakbo papunta sa akin.

Yoongi's Music [SUGA]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant