Music #61

926 55 22
                                    

Yoongi's Music

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yoongi's Music

Music #61




Third Person's POV:


Tahimik na naglakad papasok ng maingay at busy na stage na iyon si Sunny para sa shooting ng special stage nila. Nang makarating sya ay agad naman nyang nakuha ang atensyon ng lahat lalo na ng mga ka-myembro nya.

"Good morning unnie!" ang bati sa kanya ng maknae nila na si Eunjoo.

"Kanina ka pa namin hinihintay" ang lingon naman sa kanya ni Hani na noon ay nakaupo sa may sofa sa tabi ng stage.

Isang simpleng tango lang ang isinagot nya sa kanyang mga kasamahan bago nagawi ang paningin nya sa babaing yun na ngayon ay mag-isang nakatayo lang sa isang sulok.

Agad namang napalingon din sa kanya si Sujin at nang magtama ang mga mata nila ay isang matamis na ngiti lang ang isinagot nito sa kanya.

"Unnie! Good morning!" she happily greeted her.

Pero isang walang emosyon na tingin lang ang isinagot nya dito at walang pakialam na nilingon nalang ang director ng stage nila.

"Saang part na ba tayo ng stage?" she asked.

Agad namang lumingon sa kanya ang director at napakamot sa ulo nito.

"Napag-desisyunan na namin na may isa sa inyo ang kailangang ilagay sa harness para sa chorus part ng stage ninyo" ang sabi ng director. "At dahil ikaw ang leader ay sa tingin ko ay ikaw ang mas nababagay para sa part na iyon"

Napag-krus nalang nya ang mga braso nya at napahinga ng malalim.

Tama, sya ang leader kaya sya din ang kadalasan ang isinasalang sa mga delikadong stunts ng stages nila na kagaya nalang nito.

"Then I'll do it"

"Ah Director-nim..." ang biglang sulpot ng boses ni Sujin mula sa tabi nila.

Agad namang napalingon sa kanya ang lahat at naghintay ng sasabihin nya.

Pero isang alanganing ngiti lang ang ibinigay nya sa mga kasamahan bago sya nagsalita ulit.

"Director-nim..." ang parang nahihiya pa nyang sambit. "...s-sa tingin ko hindi maganda ang pakiramdam ni Sunny unnie ngayon..."

Agad namang napatingin sa kanya ang walang emosyong mga matang iyon ni Sunny pero hindi ito nagsalita. Samantalang binigyan nya lang ito ng isang simpleng ngiti bago sya nagpatuloy sa pagsasalita.

"...kaya kung okay lang..." she continued. "...k-kaya kung okay lang ay ako nalang po ang ilagay ninyo sa harness"

Nabigla ang lahat ng nandoon ng dahil sa sinabi nya. Pero ngumiti parin sya saka nilingon ang walang emosyon na mga matang iyon ni Sunny na noon ay nakatingin lang sa kanya habang naka-krus parin ang mga braso nito mula sa kinatatayuan nito.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now