Music #25

1.9K 119 71
                                    

Yoongi's Music

Music #25




I was stunned.

I was speechless.

Pakiramdam ko ay naging blangko lang ang lahat at wala na akong ibang marinig habang nakatulala lang ako sa magandang mukha ng babaing nangunguna sa kanilang lima.

Pakiramdam ko ay nasa isang kakaibang panaginip ako...kung saan ang babaing iniwan ko five years ago...at ang babaing dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi ko parin napapatawad ang sarili ko...ay kumakanta at nagsasayaw nga sa stage ngayon.

Gusto kong sabihin na isang panaginip nga lang ang lahat ng ito.

Isa lang itong magandang panaginip kung saan nakita ko uli after five years ang mukha ng babaing mahal ko...

Pero...

"WOHHHOOOOO...! SUNNY!!!" ang rinig kong cheer ni J-hope sa tabi ko saka nya ako mabilis na nilingon. "Ang galing nya talaga hyung diba?! Her rap is daebak! Oh my God! My heart is...!"

...alam kong nasa reality ako ngayon.

Sunny.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko after hearing her name.

Napatitig lang ako sa kanya at siguro sa dami ng taong nandito ay hindi na nya ako makikita pa...

Yuseonie...

Ikaw ba talaga yan ha?

Ikaw ba talaga ang babaing yan?

Ikaw ba talaga si Sunny?

Hindi lang ako makapaniwala...na ikaw na nga yan.

Sa nakikita kong laki ng ipinagbago nya ay hindi ako makapaniwala na sya nga ang babaing nasa harapan ko ngayon at patuloy na nagpe-perform sa gitna ng stage.

And then their performance has ended.

Pero nanatili lang akong naninigas at hindi parin makagalaw mula sa kinauupuan ko habang nakatitig parin ako sa magandang mukha nya.

Ramdam ko parin ang panlalamig at ang panghihina ko habang nakatitig lang ako sa kanya.

Nakita kong nag-bow na sila sa harapan at sinaluhan na sila ng host ng music show na iyon.

"Wow! That was a great performance from Black Muses!" ang masayang sabi ng host. "Now, can you please introduce yourselves and also your group?!"

Pakiramdam ko ay parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nun nang makita kong kinuha nya ang microphone mula sa host.

And after five years...

After five painful years...

I saw that familiar sweet smile on her beautiful face again that never failed to melt my heart...

And I heard that familiar sweet voice again that never failed to weaken me.

"Annyeong haseyo~! We are the Black Muses!" ang nakangiting pakilala nya sa lahat ng nandoon. "I'm Sunny, the leader and the main rapper of the group! Kamsahmnida!"




*************************

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now