Music #11

2K 142 99
                                    

Yoongi's Music

Music #11




Ang tanging naririnig ko lang noong umagang iyon ay ang mahinang huni ng piano na umaalingawngaw sa buong kwarto.

Oo, nandito na naman kami ni Yoongi sa loob ng music room dahil tinuturuan ko na naman syang mag-piano.

Napalingon nalang ako sa kanya habang sabay naming tinutugtog ang piano at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang gwapo nyang mukha.

Ito palang ang pangalawang araw na naging kaibigan ko sya pero pakiramdam ko ay ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. Dahil siguro sa...pareho kaming mahilig sa musika.

Pero nabigla ako nang lumingon din sya sa akin dahilan para magsalubong ang paningin naming dalawa.

Mabilis naman akong nagbaba ng tingin ng dahil sa sobrang hiya.

"Nakakabigla lang..." ang biglang sambit nya.

"H-ha?" ang natataranta ko paring sambit.

"Nakakabigla lang dahil ngayon lang ako uli nagising sa ganitong oras ng araw" ang sabi nya.

Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya.

"Dati kasi...sa mga ganitong oras ay natutulog na naman ako sa balcony pero ngayon gising na gising ako kaya naninibago ako" ang nakangiting sabi nya habang nakatingin sa keys ng piano.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa sinabi nya.

Oo. Napapansin ko na hindi ko na sya madalas makitang natutulog ngayon simula ng maging magkaibigan kami.

"Siguro dahil sa dalawang bagay lang ako hindi inaantok. Kapag gumagawa ako ng music at kapag kasama kita"

Natigilan ako.

Oo. Simple lang ang pagkakasabi nya nun pero hindi ko mapigilang mamula nang dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko at may kung anong emosyon ang bumalot sa dibdib ko.

Kapag kasama nya ako...

Hindi sya inaantok...kapag kasama nya ako...

Ibig sabihin ba nun...ay masaya syang kasama ako?

Napangiti nalang ako habang tumutugtog parin ako ng piano. Pero tama, may naalala pala akong gustong itanong sa kanya.

"Ah...pwede bang magtanong?" ang sambit ko.

Nilingon naman nya ako.

"Neh?"

"Bakit ba...bakit ba gusto mong matutong mag-piano?"

Oo. Nagtataka kasi talaga ako sa bagay na iyon pero ngayon ko lang naalalang itanong sa kanya.

Nilingon naman nya ako at hindi ko mapigilang maasiwa nang magtama ang mga mata namin. At katulad ng dati ay ako ang agad na nag-iwas ng tingin samantalang lumingon naman sya sa harapan at nakangiting nagsalita.

"Dahil pangarap kong makagawa ng magandang music" ang nakangiting sabi nya saka nilingon ako. "Gusto kong matutong tumugtog nito dahil gusto kong maka-compose ng magandang kanta sa susunod"

Napatitig nalang ako sa gwapong mukha nya dahil kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata nya. Na para bang sigurado talaga sya sa gusto nya.

Napangiti nalang ako.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now