Music #9

1.8K 141 91
                                    

Yoongi's Music

Music #9




Alam kong may nagbago na ngayon.

Excited kong isinuot ang sapatos ko nung umagang iyon.

Alam kong may kakaibang nangyayari ngayon.

Pagkatapos ay isinuot ko na ang school uniform coat ko at humarap sa salamin.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay napangiti ako habang nakatingin sa repleksyon ko.

Oo. May nagbago na...

"Yuseon-ah! Baka ma-late ka na sa school!" ang tawag sa akin ni Tita mula sa ibaba.

"Neh!" ang nakangiting sagot ko saka mabilis na lumabas at pumunta sa sala.

Lalabas narin sana ako ng bahay pero natigil ako sa pagtakbo nang tawagin ako ni Tita.

"Yuseon-ah! Hindi ka ba mag-aagahan muna?"

Hindi ko rin alam kung bakit sobrang excited akong pumasok ng school ngayon...

Nilingon ko naman sya at nakita kong natigilan sya nang makita ang sobrang sayang ngiti na iyon sa labi ko.

Pero dahil siguro sa alam ko na may Min Yoongi na naghihintay sa akin sa school...

"Mamaya na po tita. Kakain nalang po ako sa cafeteria" ang nakangiting sagot ko.

Nakita kong napakurap sya at mukhang nanigas sa kinatatayuan nya.

I just smiled at her.

"Sige po, papasok na po ako" ang nakangiting sabi ko at aalis na sana pero may naalala pa akong sabihin kaya nilingon ko sya. "Ah, gusto ko pong galbi ang ulam ko mamayang gabi"

She froze.

Maybe because ito ang unang beses na ngumiti ako sa kanya at nakipag-usap sa kanya sa ganuong paraan. At dahil narin siguro sa yun din ang unang beses na nag-request ako sa kanya ng ulam.

At unti-unti ay nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya. Pero nagtaas parin sya ng mukha at nakangiting tumango at nagsalita.

"O-oh..." ang naiiyak nyang sambit saka tumingin sa akin. "N-neh...a-arasseo, arasseo...g-galbi ang l-lulutuin ko mamayang gabi para sa Yuseon namin..."

I just smiled at her.

"Sige, aalis na po ako" ang nakangiting sabi ko saka tumalikod at naglakad paalis.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nya sa akin sa may pinto at masayang nagsalita.

"Mag-iingat ka ha? At mag-aral ka ng mabuti!" ang sabi nya at naririnig ko na parang naiiyak parin sya. "Mahal ka ni Tita, neh?"




School...



Katulad ng kanina ay excited akong naglakad papasok ng school.

Suot-suot ko parin ang headphone ko at hindi ko alam pero pakiramdam ko ngayon ay parang ang gaan-gaan talaga ng loob ko.

Magkikita pala kami ngayon ni Yoongi sa music room dahil tuturuan ko pa syang mag-piano. Oo, humingi sya ng pabor na gusto nyang turuan ko syang tumugtog nun kaya agad naman akong pumayag.

Yoongi's Music [SUGA]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang