Chapter 25 (Part 1)

6.7K 175 8
                                    

                                          

Allison's POV

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Dahan-dahan akong bumangon sa higaan at nakaupong pinagmasdan ang buong silid. Medyo nanibago nang tumingin ako sa paligid dahil wala ni isang tao ang naroon at nakabantay sa akin, hindi katulad ng ilang nagdaang araw na sa bawat pagmulat ko, ang una kong nakikita ay ang nurse o hindi naman kaya ay isang katulong. Mga kawawang taong 'yon na lagi ko na lamang nasisigawan at nasasaktan sa tuwing pinipilit nilang gawin ang bagay na ayoko at bagay na wala akong ganang gawin. Alam kong mali 'yon. Alam na alam kong hindi ko dapat ginawa 'yon pero masisisi ba nila ako? Masyado akong binalot noon ng matinding kalungkutan at ang tanging gusto ko lang mangyari noon ay ang mapag-isa. Ang mawalan ng anak, nakasama mo man siya o hindi, literal na nahawakan mo man siya o hindi ay ang isang pinakamasakit na sigurong pangyayari sa isang magulang, sa isang ina na nagdala at nag-aruga sa kanya sa loob pa lamang ng sinapupunan. 'Yong mga oras na nalaman kong wala na siya sa katawan ko at nailibing na ayon na rin sa mga doctor, ay para na akong mababaliw sa sobrang panghihina at kawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko nawala na ako sa katinuan, hindi na ako makakain, halos oras-oras yata akong umiiyak at laging nagwawala dahil sa hindi ko matanggap.

Napayuko ako habang mariing napakapit ako sa dibdib nang maramdaman ko na naman ang sakit. Pero sa tuwing naalala ko ang isang tao ay kahit papano'y nababawasan iyon. Ang taong 'yon na alam kong pilit nagpakatatag at naging malakas sa kalagitnaan ng matinding problema na dumating samin, hindi niya ako iniwanan, inintindi pa nga. He stay beside me during my hard times. Nagpapasalamat ako dahil nasa akin ang taong 'yon, dahil nasa akin siya. And speaking of that man. Muli akong umayos ng upo at inilinga-linga ang ulo para hanapin siya.


"Dhie? Nasa cr ka ba?" tawag ko, nagbabakasakaling naroon siya pero walang sumasagot.


"Manang Elly? Nurse?" tawag kong muli pero walang sumasagot. Teka? Iniwanan na ba nila akong lahat? Napagod na ba sila sakin?

Nag-aalala na bumaba ako ng kama at mabilis na naglakad palabas ng kwarto. Medyo maayos na ang pakiramdam ko at hindi na rin masyadong nakakaapekto sa paggalaw ko ang sugat na lagi kong iniinda noon dahil sa sobrang sakit.Naghilom na siguro ang tahi.

 Mas lalo akong nagpanic nang wala akong makitang tao sa sala sa ibaba. Parang gusto ko ng ngumawa ulit. Bakit wala nang tao sa bahay? Inabando na ba nila ako? Hala?


Nawala lahat ng pag-aalala ko nang makita ko ang mga nagkalat na pinagbalatan ng ilang gulay at prutas saka iyong ilang balat ng ginamit na mga condiments at baking powder na nasa ibabaw ng counter sa kusina. Pati iyong pinaggamitan ng chopping board at kutsilyo, tapos sabog-sabog na harina. Naririnig ko rin ang pagkulo ng kung anuman sa ibabaw ng stove. Sinong nagluluto?

Lalabas na sana ako ng bahay dahil sa pag-aakalang baka nasa labas lamang sila nang marinig ko ang tunog ng washing machine at paglagaslas ng tubig na nanggagaling sigurado sa laundry room. Kunot ang noo na pumunta ako roon.Baka nandon si Manang Elly o ang katulong. Pagkarating ko sa labas pa lamang ay bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko. Kinusot ko pang mabuti ang mga mata ko dahil baka naghahallucinate lang ako. Pero hindi.

My gad.


Oo.Hindi nga ako namamalik-mata.Totoo ang nakikita ko.

Naglalaba ang Tristan ko. 


Tila may kung anong bagay ang kumurot sa dibdib ko dahil bigla naman akong nakaramdam ng pagkaawa habang pinagmamasdan ko siya na bitbit ang basket na puno ng mga pinigang damit patungo sa washing. Halos basang-basa na ang suot niyang sando at boxer shorts. Tumatagaktak na rin ang pawis sa magkabila niyang pisngi na noon ay pulang-pula na siguro dahil sa pagod. Ano na naman bang naisipan nito?

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon