Chapter 27

7.8K 158 103
                                    

After several months……
     Napuno ang kabuuan ng hall ng malalakas at masasayang palakpakan. Pagkatapos ng  ceremony ay nagkanya-kanya nang tayo ang mga kapwa ko estudyante mula sa kani-kanilang upuan papunta sa mga matalik na kaibigan sa University at pamilya at tuwang-tuwa na nagyakapan ng mahigpit. Mayron pa ngang napaluha sa sobrang kasiyahan. Kabi-kabila rin ang nakasisilaw na flash ng mga camera sa paligid habang mataas na iwinawagayway ng ilan ang kanilang mga hawak na papel na tila ipinagmamalaki ito. Pagabi na at malapit ng matapos ang araw , ngunit para sa ilan, ito pa lamang ang simula.

“Congrats mhie.”

  Sa gitna ng masayang kaguluhan at nakabibinging ingay sa paligid ay malinaw  na narinig ko pa rin ang boses niya na galing sa likod ko. Lumingon agad ako. Lumapit sakin si Tristan na bukod sa namumungay niyang mga mata na dulot marahil ng tuwa at pagkaproud ay bitbit din niya ang isang bouquet ng bulaklak. Kinuha niya siguro ‘yon sa sasakyan kaya bigla na lang siyang nawala pagkatapos ng ceremony.

“Tristan.”   malambing na tawag ko sa kanya pagkalapit niya at inabot niya sakin ang hawak ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

“Happy graduation.”    bati niya sakin at malapad na ngumiti na hindi nababawasan ang naiibang kagwapuhan. Walang katulad.
Lumapit pa siya sakin at niyakap ako. Ipinatong ko ang baba ko sa ibabaw ng balikat niya at masaya akong napangiti habang mabagal na hinahaplos ang kanyang likod.

“Sabi ko sa’yo makakagraduate ako eh.”     kunwa’y pagmamayabang ko.

“Sus. Pasang-awa.”   panloloko niya.

Nawala ang ngiti ko at mahinang hinampas ko ang likod niya. Napatawa siya.

“Yabang mong panget ka ah!”

“Joke lang. Hindi ka na mabiro. Alam ko naman na makakapagtapos ka. Lagi kang nagpapaturo at nagpapagawa sakin ng thesis mo.

“Hoy ang yabang mo talaga!”

Lumakas na ang tawa niya. Ganyan siya. Tuwang-tuwa kapag naiinis ako.

“Joke ulit.”Mahigpit na niyakap niya ako at bumulong sa tenga ko.“

"Naniniwala ako sa kakayahan mo. Matatag ka Allison. Kaya alam kong makakapagtapos ka.”

Tumimo sa isip ko ang sinabi niya. Napaka-payapa. Nakakarelax. Tahimik na napangiti ako at saka pumikit.Hawak-hawak ko ngayon ang papel na nagpapatunay na isa nga akong matatag na babae. Ito ay ang diploma ko. Hindi ako makapaniwala na narating ko ito sa kabila ng mga pagsubok na humamon sakin sa nakalipas na mga tao at buwan. Una ay noong akala ko ay hindi kami pareho ng nararamdaman ni Tristan, at inisip ko na hindi ako ang mahal niya kundi ibang babae, noong panahong akala ko ay talagang nag-iisa lang ako at walang nagmamahal. At ang panghuli nga ay ang pagkawala ng anak ko,ng anak namin. Mariing napapikit pa ako ng mariin ng maalala ko na naman ang pangyayaring ‘yon. Iyong panahong pakiramdam ko ay pinagkaitan ako at paulit-ulit ko na ring hiniling na mamatay. Nawalan ng direksyon ang buhay ko. Binalot ako ng lungkot at kawalan ng pag-asa, at ilang beses ko nang ginustong sukuan ang buhay ngunit dahil sa lalaking yakap-yakap ko ngayon, alang-alang sa pagmamahalan naming dalawa kaya pinili kong maging matatag. Hindi niya ako pinabayaan katulad ng ipinangako niya. Siya ang tanging pag-asa na pinanghahawakan ko ngayon sa buhay ko.  Now, I  can see the sunlight after the storm. Natanggap ko na ang lahat at nangakong hindi ko na babalikan pa ang masasakit na alaalang ‘yon. At alam kong tuluyan na akong nakabangon.

    “Yon oh! Akalain mo ‘yon, nakagraduate ka pa Allison?”

Gulat na sabay pa kaming napalingon ni Tristan sa pinanggalingan ng boses. Nakita namin si  Janus na abot-langit na naman ang ngiti. Naglalakad siya palapit samin habang bitbit ang isa ring bouquet ng bulaklak. Nagsuntok-kamao silang magkaibigan, nagyakapan at nagbatiaan pagkalapit ni Janus. Bumalik sakin si Tristan at inakbayan ako habang parehong nakatingin kay Janus. Sinamaan ko ng tingin ang playboy na unggoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon