Chapter 11 (Part 1)

8.6K 241 10
                                    

Ordinaryo nang gawain para sakin ang gumising ng maaga para maligo, kumain at maghanda ng gamit para sa pagpasok kasama si Tristan. Kasama na roon ang pagpa-ikot-ikot sa bahay sa tuwing nagmamadali kaming dalawa lalo na kapag pareho kaming tinatanghali ng gising. Hanap dito, hanap doon. Sigawan dito, sigawan doon. Iyon ang madalas na senaryo namin sa umaga sa tuwing may mahalaga kaming gamit na hindi namin makita-kita na para bang nakikipaglaro pa sa amin para lalo kaming ma-late. Nakakainis lang. Pero ang dating normal na pamumuhay namin ay naging abnormal simula nang kumalat ang video naming dalawa sa baywalk na ngayon ay kilala na bilang 'I Love My Wife' video. Pinagpyestahan ng madla ang video naming iyon na ngayon nga ay may mahigit isang million nang views sa youtube at naging viral na sa mga social sites. Mayroong humanga, natuwa, naiinggit at nabuhayan ng pag-asa subalit sabi nga nila, kung may advantages nandyan ang disadvantages. Kahit saan kami pumunta sinusugod kami ng ilang mga nakakakilala samin para magpakuha ng litrato. Pinuputakte kami ng media, mayroong gustong magpa-interview samin at lumabas sa ilang shows, kaliwa't-kanan rin ang humihingi ng approval para ifeatured kami sa mga segment sa tv. Instant celebrity kumbaga. Pero dahil ayaw ni Tristan na pasukin ang ganong klase ng mundo, kung kaya't hindi na rin ako pumayag. 

 "Aaaaaaaaaaaaaaaah!"

   Narinig ko ang malalakas na yabag ng mga paa paakyat sa kwarto matapos na marinig nila ang malakas na sigaw ko na iyon. Sa isang iglap ay maingay na bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang magkasunod na si Tristan at ate Rhea na mababakas sa itsura ang matinding pag-aalala.

"Allison what happened?!"
    humahangos na saad ng asawa ko na palapit sakin.Mabilis na itinuro ko ang laptop na nasa harap ko.

"Look! Dhie! Tingnan mo! Tingnan mo! Two million views na 'yung video natin! Ang galing! Sikat na sakit na talaga tayo!"
    tuwang-tuwang sabi ko na may kasabay na pagpalakpak. Hinintay ko ang susunod na magiging reaksyon ni Tristan ngunit nananatili lamang siyang nakatitig sakin. Tila ineeksamin ang katinuan ko.

"You shouted just because of that?"
     
"Oo! Hindi ka ba natutuwa?"

"No.Hindi nakakatuwa."
    

  Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang nawalang ganang itsura ni Tristan, nakita ko rin si ate Rhea na iiling-iling na tumalikod paalis. Nagalit ba sila dahil sa pagsigaw kong 'yon dahil lang sa akala nilang non-sense na bagay na 'to? Pwes para sakin hindi ito non-sense. Hello, two million views na oh? Big deal sakin 'yon. 'Yung iba nga eh nag-eefort na gumawa ng mga video para lang sumikat samantalang kami, sumigaw lang na parang baliw ang asawa ko na mahal niya ako, sikat na agad.

"Oh Lord. This is a huge problem."
   narinig kong bulong ni Tristan na para bang pasan niya ang daigdig. Nakapameywang siya habang nakatingala sa taas. Inikot ko ang katawan ko sa upuan paharap sa kanya.

"Bakit ka ba namomroblema dyan? Wala naman tayong ginawang masama ah. Hindi naman scandal video ang kumalat kaya bakit ba problemadong-problemado ka dyan? Dapat nga matuwa ka pa kasi marami tayong couple na na-inspired dahil sa ginawa mo, at sayo. Gwapo mo daw eh."
   pahayag ko sabay tawa.

  Totoo, maraming nagpapadala sakin ng mga message para magpasalamat dahil na-inspired daw namin sila sa pamamgitan ng ginawa ni Tristan. Meron pa nga na isang asawang babae raw ang muntikan nang iwan ng asawang lalaki dahil sa ibang babae pero natauhan nga lang ng mapanood iyong video. Mas marami ring nagkokomento na ang gwapo raw ng asawa ko at napaka-swerte ko raw.  Pero hindi lahat ng mga komento nakakatuwa, meron ding nakakainis. Katulad na lang ng ilang user na nagsasabing maghihiwalay din daw kami, na iiwan din daw ako ng asawa ko, na hindi raw kami magtatagal. Dahil sa sobrang inis ko gumawa ako ng mga dummy account at pinag-aaway ko silang lahat. Kulang na lang ipa-trace ko sila para masabunutan ko sila isa-isa.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon