Chapter 14

10.5K 263 11
                                    

Sa wakas ay tumigil na ang sinasakyan namin ni Tristan, indikasyon na nandito na kami sa harap ng bahay naming dalawa. Ngunit katulad ng inaasahan ay mayroon na ngang mga reporters ang nakaabang sa pagdating namin at kanya-kanyang unahan sila sa paglapit nang makita nila ang mga tumigil na sasakyan. Mabilis namang hinarangan ng mga tauhang kinuha ni daddy at ng ilang bodyguards na kinuha ni Tristan ang palibot ng pintuan ng kotse para pagahahanda sa pagprotekta samin pagbaba. Kita ko mula sa loob kung paano magsiksikan ang mga reporters na nag-aabang para makalapit samin. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Tristan sa mga kamay ko ng mapansin niya siguro ang bumakas na pag-aalala sakin.

“ I’m here. Wala kang dapat ikatakot Allison.”
     pagpapalakas niya ng loob sakin. Kahit papano ay nagawa akong makumbinsi ng sinabi niya kaya naman tanging pagtango na lang ang nagawa ko.Hahayaan kong siya na lang ang gumawa ng lahat, hahayaan kong protektahan niya ako, alam kong hindi niya ako pababayaan.Sa kanya ko na ipapaubaya ang lahat.

  Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko at wala na kaming sinayang pa na oras, lumabas na kami ng sasakyan.Pagkaapak na pagka-apak pa lamang ng mga paa ko sa lupa ay nakasisilaw na flash ng camera na naman ang sumalubong samin at samu’t-saring katanungan ng mga reporters na walang pinagkaiba sa mga naging katanungan ng mga reporters kanina. Pare-pareho lamang ang mga katanungang isinisigaw nila. Ngunit kumpara kanina ay mas mabilis kaming nakausad at hindi man lang nahirapan sa pagpasok sa pinaka-gate ng bahay, salamat sa mga maasahang tauhan na kinuha ng mag-ama.


    Pagkapasok  namin sa loob ng grand sala ay sinalubong na agad kami ni daddy na hindi na maipinta ang itsura dala marahil ng sobrang pag-aalala.Kasama niya ang ilang mga tauhan niya sa kompanya at si Manang Elly na noo’y mangiyak-ngiyak nang makita ako.

“D-daddy.”
   tanging nasambit ko na lamang dahil awang-awa  ako sa kaniya ng makita siya sa ganung kalagayan.

   Matanda na si daddy Robert para mag-alala pa ng gan’on, at alam kong nasasaktan siya dahil sa balitang kumakalat ngayon, isang malaking balita na sangkot ang pangalan ng pamliya niya.Nagpapasalamat ako dahil hindi siya inatake ng sakit niya dahil sa mga nangyayari. Mabilis na nakalapit siya sakin at sinalubong niya ako ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. Ramdam ko sa yakap na iyon ang labis na pangamba at kaligayahang nararamdaman niya bilang isang ama. Pangamba, dahil siguro alam na niya ang nangyari sakin kanina sa school at kaligayahan naman dahil sa wakas ay nandito na ako sa harap niya,na malakas at ligtas.

“Sobra akong nag-alala sa’yo. Nang mabalitaan ko ang nangyari sayo kanina sa University niyo hindi na ako mapalagay kakaisip sayo at sa batang dinadala mo.Hindi ako mapanatag hangga’t hindi kita nakikita kaya nagpadala na ako ng mga tauhan para siguraduhing ok lang kayo.”
 maluha-luhang sambit ni daddy nang kumalas siya mula sa pagkakayakap sakin. Nagpaalam na ang secretary ni daddy at ilang mga personal na tauhan niya para lumabas sandali, hinahayaan na bigyan kami ng privacy.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo hija? Wala na bang masakit sa’yo? Ipinatawag ko na ang doctor mo para masiguro kong ok ka na nga talaga.”
   ani daddy.

“Ok na po ako dad, wala na po kayong dapat ipag-alala sakin.”
     pagsisinungaling ko. Medyo ramdam ko pa ang panghihina ng katawan ko pero hindi ko na lang sasabihin dahil baka mas lalo pa siyang mag-alala sakin. Pahinga lang ito dahil hindi pa ako nakaka-recover sa pagkawala ng lakas ko at dulot na rin siguro ng panlalambot ko dahil sa sitwasyon ngayon.At isa pa, nakaka-guilty isipin na ako na nga ang sangkot sa gulo ako pa ang mag-iinarte ng ganito, mas lalo lang  madadagdagan ang pag-alala nila na dapat eh itinutuon na lang nila ng pansin sa pag-aayos ng kaguluhang nagawa ko.

“Yes dad, nakausap ko na ang doctor na tumingin sa kaniya and everything was fine now as well as the baby.You have nothing to worry about. Please.Isipin mo rin dad ang kalusugan mo. ‘Wag ka ng mag-isip pa ng mag-isip.Ako nang bahalang umayos dito. Magiging maayos din ang lahat.”
    pakiusap ni Tristan sa ama.

“Of course not my son. Hindi ako uupo na lang sa isang tabi habang pinapanood at pinapakinggan ang bawat panghuhusgang ibinabato ng mga taong madudumi at makikitid ang pag-iisip sa mga anak ko! Hindi ako makakapayag, kung kinakailangang ubusin ko ang lahat ng kayamanang meron ako, gagawin ko. Malaman ko lang kung sino ang utak nito, kung sinong photographer, kung sinong paparazzi o kung sino ang nagpakalat ng mga kasinungalingang ‘to sa mga social sites! Hindi ako makakapayag na apakan nila ang pagkatao ng pamilya ko. Ako muna ang makakalaban nila.”
     sambit ni daddy na hindi na maitatago ang matinding galit base sa pangangatal ng mga labi nito. Kung anong ikina-bait ni daddy Robert  ay siyang bagsik niya kapag nagagalit lalo na kapag pamilya na ang pinag-uusapan, lahat ginagawa niya para lamang walang makapanakit  samin na mahahalaga sa kanya. Hindi kailanman.

  Dahil na rin sa pagpupumilit at hindi masaway na kagustuhan ni daddy kung kaya’t wala ng nagawa si Tristan kundi ang payagan ito na samahan siya sa pag-aayos sa mga nangyari.Narinig ko ang mga pinag-uusapan nila tungkol sa mga plano nilang dalawa. Simula sa pakikipag-usap sa mga abogado hanggang sa pakikipagkita ng mga ito sa ilang IT experts at ilang kinuha nilang private investigator.Gumawa na rin sila ng paraan para mapaalis ang lahat ng mga reporters sa labas ng bahay. At matapos ang ilang sandaling pag-uusap ng mag-ama  ay nagpaalam na si daddy samin at nauna nang umalis para simulan na ang pag-aasikaso ng lahat. Binalingan ako ni Tristan.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon