Chapter 10 (Part 1)

12.3K 308 24
                                    

Allison's POV

"Dhie?"

"Hmmm?"

"Hindi ka ba nagi-guilty?"

"Tungkol san?"

 Dahan-dahan akong umayos ng upo mula sa pagkakapalumbaba sa bintana ng sasakyan at nakangusong tumingin sa katabi ko para makita ang magiging reaksyon niya.

"Sa paglipat natin. Hindi ka ba nakokonsensiya na iniwan natin sila daddy sa mansion. I mean, look, parang isang taon niya tayong hindi nakita dahil sayang-saya siya nung makita niya ulit tayo. Naaawa ako sa kanya, dapat sa ganung edad niya maraming nag-aalaga at nagpapasaya sa kanya kaya----"

"Minsan ang gulo mo Allison."

Napakunot ako ng noo.

"Ano?"

"Sabi ko ang gulo mo. Diba ikaw nga 'tong nagyaya na bumukod tayong dalawa tapos ikaw ngayon 'tong mangongonsensiya."

 Lalong tumulis ang nguso ko at guilty na napayuko na lang. Pano totoo lahat ng sinabi niya, ako naman talaga ang nagyaya sa kanya na bumukod. Pero noon pa 'yun, nung nandun pa si Ellaine sa mansion, natakot kasi ako na baka kapag hindi pa kami umalis doon ay baka lalong mahulog ang loob niya kay Tristan at dumating ang panahon na baka makagawa pa siya ng mga bagay na labis niyang pagsisihan. Hindi totoong gusto kong lumayo, gusto ko lang umiwas kasama si Tristan.


"Umiiral na naman ang pagiging daddy's girl mo. Nakita mo lang si daddy gusto mo na ulit bumalik."

 Mabilis akong napa-angat ng paningin sa katabi ko na abalang nagmamaneho. Bulong-bulong pa, naririnig ko naman. 

"Bakit ikaw? Naturingan kang anak hindi mo man lang na-miss ang daddy mo? Walang kwentang anak."
    pagtatanggol ko sa sarili ko.

"For god's sake Allison, nasa Pilipinas pa rin ang mansion at ilang kilometro lang ang layo ng mansion sa bahay natin. Kayang-kaya kong puntahan si daddy anytime I want, at isa pa, hindi na ako bata para hanap-hanapin ang magulang ko."

"So sinasabi mo ba na parang bata pa rin ako?'

"Correction, isip-bata."

"Ah ganun?"

Tumingin ako ng ayos sa harap saka mabilis na iginalaw ko ang isang kamay ko at hinigit ko ang tenga niya. Halos mapatid ang tenga niya dahil sa mahabang pagkakahigit ko.

"A-aray! Aray Allison! Baka mabangga tayo!"

"Sinong isip-bata?"

"Allison! Baka mawala ang balanse ko."

Lalo kong hinigpitan ang pagkakapingot ko.

"Aaaaaah! Tama na Allison! Ang sakit na!"

"Sinong isip-bata?"
   kalma kong tanong.

"Si....Si ......"

Sa huling pagkakataon ay mas pinilipit ko pa ang tenga niya, lalo siyang napahiyaw na parang baboy na kinakatay.

"Si daddy! Si daddy! Hindi ikaw! Si daddy!"

  Don ko na mabilis na binawi ang kamay ko. Nakita ko si Tristan na hagod-hagod ng isang kamay ang namumula niyang tenga.

"Why you so brutal sometimes? You always treated me like a----"

"Dog."
  pagpapatuloy ko.


  Matagal bago nakasagot si Tristan, wari'y may kung anong iniisip hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghawak niya sa isang kamay ko. Ang ine-expect ko ay magagalit siya sa sinabi ko kanina  lalo pa't mahaba ang ginawa niyang katahimikan, pero nang makita ko ang sumilay na ngiti sa kanyang labi ay naisip ko na lang na baka wala pa siya sigurong dalaw ngayon dahil hindi siya mabilis magalit.

"You know mhie, I'm willing to be your dog for the rest of my life."

"Talaga? So anong una kong gagawin? Bibili ng dog food o tatalian kita sa leeg?"

Nagtawanan kaming dalawa. 

"Haaaay, it's gonna be a long day for the both of us. So? Gusto mo na bang umuwi?"
   ani Tristan ng magsawa sa kakatawa. 

"Hindi pa naman ako napapagod. Labas muna tayo."

"Where do you want to go anyway?"


   Sandali akong natahimik habang nag-iisip. Bigla ay may kung anong kumislap sa tuktok ng ulo ko at nabuo ang isang kumikinang na kalokohan. Tumaas ang sulok ng labi ko bago ako nagsalita.

"Mall tayo. Be my dog for today."


Dahil weekend kung kaya’t dagsa ang tao sa mall ng araw na ‘yon. Gaya ng mga nakakasalubong naming mga magkakasintahan o mag-asawa ay magkahawak kami ni Tristan ng kamay habang naglalakad, ang ipinagkaiba nga lang sa iba ay bitibit niya ang shoulder bag ko. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na kapwa kami pinagtitinginan ng mga taong nakakasalubong namin. May ilang napapangiti na lamang habang ang iba ay bakas sa mukha ang pagka-inggit. Parang hindi sa ayos naming dalawa nakatuon ang iba kundi sa mukha at katawan ng asawa ko. Nakasuot kasi ito ngayon ng fitted na polo dahil tinanggal niya kanina ‘yung doble niyang black coat.

“Humanda ka sakin kapag nakita kong nginingitian mo ‘yang mga malalanding babae na nagpapa-cute sayo.”
   banta ko sa katabi ko na kanina ko pa napapansin na sinasalubong ang mga mata ng mga napapansin niyang nakatitig sa kanya.

“Paranoid ka na naman.”

“Pinag-iingat lang kita.”

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, tila nang-uuyam. Magsasalita pa sana ako ang kaso bigla niya akong inakbayan at idinikit sa tabi niya.

Bahagya siyang yumuko para ilapit ang bibig niya sa tenga ko.

“Don’t be jealous honey. Alam mo namang mas gusgustuhin ko pang makipag-away sayo kaysa sa magpa-cute sa ibang mga babae.”
   bulong niya sa tenga ko.

 Sumilay ang pigil na ngiti sa mga labi ko.Nagsasayawan lahat ng organ ko sa katawan dahil sa sobrang kilig.


“Corny mo Fontanilla.”
    pasimple kong sabi.

“Kung pantay lang sana tayo ng height, edi sana nakita ko kung pano kiligin ang asawa ko.”

   Mabilis na nag-angat ako ng mukha. Sa tinagal-tagal na rin naming magkasamang dalawa ay alam niyang yumuyuko ako para ngumiti sa tuwing kinikilig ako.

“Alam mo ikaw, sayang ka.”

“Bakit?”

“Gwapo ka sana, kaso ang yabang mo. Hindi ako kinikilig sayo noh!”

Proud na ngumiti siya at maya-maya pa’y sinundot niya ang tagiliran ko, bahagya akong napasigaw.

“Sus.”

Binatukan ko siya sa ulo.

“Manahimik ka na nga lang. Aso kita ngayon kaya sumunod ka.”

“May matino bang amo na nananakit ng aso? That’s’---”

“Animal abused.”
    pagtapos ko sasabihin pa niya sana at pagkatapos ay mag-isa akong tumawa.




Pumasok kaming dalawa sa iba’t-ibang boutique  para mamili ng kung ano-ano. Naroong pumasok kami sa underwear boutique, at dahil sobrang highper ako ngayong araw kaya naman ng makakita ako ng brief ay isinukat ko yon kay Tristan sa pamamagitan ng pagpatong noon sa harap niya. Hindi alerto si Tristan kaya hindi siya agad nakaiwas, nakarinig ako ng mga mahihinang hagikhikan mula sa mga naroong mamimili at ilang saleslady. Pulang-pula ang itsura ng aso ka. Whahaha.

  Tumingin din ako ng mga damit na magagamit ko kapag malaki na ang tiyan ko. Lumipas ang isang oras, halos mamula na ang mga kamay ni Tristan sa pagbibitbit ng mga pinamili ko.

“Dhie bagay kaya ‘to sakin?”

  Ipinakita ko kay Tristan ang hawak kong red na duster na spaghetti strap , see through iyon sa may bandang ibabaw ng dibdib habang pinag-trintas na tela naman ang style ng likod hanggang beywang.

“Bagay sayo ang kahit na anong damit, but that dress. Ok. I will allow you to wear that when only your’e in the house, at hindi ka lalabas kapag sinuot mo ‘yang ganyang damit.”

“Anong pang-bahay? Pang-alis kaya ‘to. Haler?”

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon