Chapter 8

14.8K 397 25
                                    

Kusang nagising ang diwa ko lalo na nang maramdaman ko na ang init ng paligid na dulot ng sinag ng araw bagaman nananatiling bukas ang aircon. Kinapa-kapa ko ang paligid ng kama para hanapin ang katabi ko pero mukang bumangon na yata. Naliligo na siguro.

 Nagpaikot-ikot pa ako sa kama bago ako malayang humikab at nag-unat ng mga braso. 

  Mukang tinanghali ako ng gising.

 And speaking of 'tinanghali ng gising'...

 Bigla ay nanlaki ang mga mata ko ng maalala kong kailangan kong i-check kung dumating na si ate Rhea, minsan kasi nale-late din siya ng dating kaya ang kinalalabasan hindi minsan nakaka-kain ng umagahan si Tristan. Kapag nangyayari ang ganung pagkakataon ay nagpapa-order na lang si Tristan sa bagong assistant niya ng pagkain. At 'yun naman ang ikinagi-guilty ko minsan, umaalis siya ng wala man lang laman ang tiyan baka magkasakit pa siya. Eh pano kasi ayaw naman niya akong pagawain ng gawaing-bahay, ayaw niya rin akong gumising ng maagang-maaga para lang ipagluto siya, hayaan na lang daw si ate Rhea ang gumawa lahat. 

  Bababa na sana ako ng kama para isuot ang slipper ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Mhie? Tamang-tama gising ka na pala, gigisingin sana kita."


   Natigilan ako sa nakita ko. Si Tristan kasi may dala-dalang good for two na breakfast on bed tray  habang nakasuot ng apron. Teka ipinagluto niya 'ko?


 "Oh? Teka? Hindi ka pumasok?"
      nagtatakang tanong ko. Akala ko kasi nasa bathroom siya at naliligo para sa pagpasok.

Tahimik na ipinatong niya lamang ang tray sa may sidetable saka inayos ang mga kalat-kalat na comforter sa kama. Nang matapos ay sumampa siya sa ibabaw ng higaan at inilipat doon ang tray.
Tumingin siya sakin ng seryoso.

 "Masama bang um'absent sa trabaho para lang pagsilbihan ang asawa ko?"
     saad niya sabay ngiti ng cute. May tila kung anong bagay ang naghabulan sa dibdib ko para maramdaman ko na naman ang napaka-pamilyar na pakiramdam - kilig overload. Pinigilan ko kunwari ang pagngiti ko bagkus ay bumalik ako sa ibabaw ng kama at naka-indian seat na umupo roon. Magkatapat kami ni Tristan na noo'y inaabutan ako ng tinidor at bread knife. Matagal na tinitigan ko muna siyang mabuti bago ko pinagtuunan ng pansin ang mga niluto niya.

"Teka Tristan? Ikaw lahat nagluto?"
    manghang nasambit ko na lang nang makita ang mga pagkain na nakahain sakin sa harap ko.

"Of course."

"But where's ate Rhea?"

"Hindi ko na siya pinapunta."

"Teka? Hindi nga? Ikaw lahat ang nagluto nito?"

"Yeah."

"Weh?" 

"Allison."
    his warning tone.


"Ok."
   

Itinaas ko ang dalawa kong kamay at tumango-tango bilang pagsuko. Una kong kinain ay 'yung white bread na may palaman na hindi ko malaman kung anong laman sa loob, basta ang nakita ko lang ay yung lettuce at cheese. Humiwa ako ng konti at saka isinubo. Sa una'y mabagal ang pagnguya ko para estimahin ang lasa ngunit ng lumaon ay bumilis na at dahil sa sobrang excitement na magtanong ay mabiilis ko na iyong nilunok.

  "Tristan! Di nga?"

 Imbes na mainis ay nakuha lang ni Tristan ang ngumiti, ngiting nagmamayabang.

 "That's white bread with lettuce, creamed tuna spread, and low-fat cheese. White bread was contain of whole grains which has a complex carbohydrates that keeps you feeling full longer so you don't get sluggish and tired before your next meal. Alam kong paborito mo ang  tuna spread kaya ginawa ko siya with cheese and lettuce since na ayaw mo ng white bread kasi walang lasa."
     paliwanag niya sa ginawa niya. 


"Wow, hindi ko nga nalashahan 'yung white bed kasi mash nangibabaw 'yung tsuna shpread at cheesh."
     masayang sambit ko habang ngumunguya.

"Don't talk when your mouth is full."

"Shorry! Sharap eh! Bukash ulit ha? Gigishing ako ng maaga paya mashulungan kita sha kushi----"

"Allison.."
   his warning tone again. Nagpiece sign ako at ngumiti.

"Ukie!"

  
  Pagka-lantak sa white bread ay 'yung pancake naman na kulay blue ang kinuha ko. Naka-kunot ang noo ko nang titigan ko si Tristan, alam niya siguro na magtatanong ako tungkol doon kaya inunahan na niya ako.

"That's blueberry pancake Allison."

Katulad kanina ay ipinaliwanag niya rin ang sustansiya non.

"Eh 'tong isa?"

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon