Chapter 18 (Part 2)

11.4K 268 20
                                    

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog,napakalamig ng paligid kahit pa balot na balot ako ng comforter.Kinapa-kapa ko ang kama upang hanapin siya at yakapin ngunit napamulat na lang ako ng mata nang mapagtantong wala siya sa tabi ko.Madilim pa ang paligid ng mga oras na 'yon. Balikwas na bumangon ako at inilinga-linga ang ulo upang hanapin siya sa buong silid. Ala-una pa lang ng madaling-araw nang tumingin ako sa digital clock.

"Dhie?" mahinang tawag ko sa kanya sa katahimikan ng paligid.Kinatok ko siya sa pinto ng cr ngunit walang sumasagot. Wala siya roon.Lalabas sana ako ng kwarto nang pumukaw sa paningin ko ang bukas na ilaw na nagmumula sa garden sa labas.Naglakad ako patungo sa veranda at dahan-dahang hinawi ang kurtina roon.Maingat na binuksan ang pinto at lumabas ng terasa.

Iniikot ko ang paningin ko sa ibaba at mula sa itaas ay nahagip ng paningin ko ang isang bulto ng lalaki na nakaupo sa isang upuang metal sa gitna ng garden,nakatingala siya sa kalangitan at malungkot na pinapanood ang mga bituin.Nakapatong sa ibabaw ng kaharap niyang lamesa ang isang bote ng hard drink, isag baso at isang stainless kung saan nakalagay ang mga icecubes.

Sabay na nanlumo ang puso't-isip ko habang pinapanood ang napakalungkot na senaryong 'yon, habang pinapanood siya sa ganoong kalagayan.

Aaah... napakalungkot ng Tristan ko.Hindi ako sanay na nakikita siyang gan'on.Lalo pa't alam kong ako ang dahilan ng lahat ng 'yon.

Wala na akong sinayang pang panahon at dali-daling kumuha ako ng sumbrero na ipinatong ko sa ulo ko upang pang-protekta laban sa hamog.Kumuha rin ako ng dalwang jacket, ang isa ay isinuot ko.

Lumabas ako ng bahay at pumunta ng garden.Mabagal na naglakad ako patungo sa kaniya, ni hindi ako gumagawa ng kahit na anong kaluskos.Nang makarating ako sa likod niya ay tahimik na ibinalabal ko ang dala kong jacket sa likod ng kanyang batok.Doon ko tuluyang napukaw ang tulala niyang diwa.Napalingon siya sa sakin dala-dala ang nagulat niyang reaksiyon.Walang kahit na anong kataga ang lumabas sa bibig niya nang deretsong tumitig sa mga mata ko, pinag-aaralan niyang mabuti kung ano ang nasa isip at kung ano nararamdaman ko ngayon. At nakita ko ang matinding kalungkutan sa kanyang mga mata na kumikinang sa liwanag ng ilaw sa garden - na siyang epektibong nakakapagpahina sa sistema ko,ngunit nilabanan ko iyon.

Marahan kong ipinulupot ang dalawa kong braso sa kanyang leeg at niyakap siya ng mahigpit mula sa kanyang likod.Ipinatong ko ang baba ko sa isa niyang balikat at puno ng pagsuyo na humilig ako roon at pumikit.Naamoy ko ang napakamanly na halimuyak niya.Amoy Tristan ko.Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

Ang mahal ko.

Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa braso ko.


“Malamig dito sa labas Allison.Baka sipunin ka.” nag-aalala siya pero parang nangibabaw sa pandinig ko ang nakatagong sama ng loob niya sakin.

“Galit ka pa ba sakin?”

Bahagya siyang yumuko para silipin ako mula sa gilid at isang sulok ng kanyang paningin.

“Nagduda ang asawa ko sakin kaya sumugod siya sa bar sa pag-aakalang naroon ako at nakikipag flirt sa ibang babae, nanampal siya ng maling tao na excutive director ng university niya, then nang nalaman ko nagalit ako sa kanya at natakot siya dahil sinigawan ko siya.Iniwan niya ako mag-isa sa parking lot.Ngayon naman tinatanong niya ako kung galit ako sa kanya.Hmmm..Ano bang isasagot ko?”

Mas lalo kong isiniksik ang ulo ko sa kanyang leeg.

“Sorry na. Hindi ko sinasadya ‘yon.Nagpanic lang ako.”

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon