Prologue

38.6K 585 67
                                    

  Allison's POV

 "Mam Allison!"

 Nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagsigaw ni ate Rhea na noo'y humahangos na naglalakad patungo sa pwesto ko. Mabilis niyang kinuha ang hawak-hawak kong kutsilyo at kinuha ang mga kamay ko, pinagbali-baliktad niya iyo na tila ba may sinusuring magaling. Maya-maya pa'y malakas na bumuga ito ng hangin na para bang nakaramdam ito ng relief.


  "Mam Allison, sinabihan ko na po kayo na 'wag ng gumawa dito sa bahay niyo, ako na po ang maggagayat ng mga gulay, baka mahiwa pa po kayo."
    mangiyak-ngiyak sa nerbiyos na saad nito.

 Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pag-aalala ng kasama ko o ma-ooffend sa sinabi niya. Napangiwi na lang ako.  

"Ate Rhea naman, sinasabi mo bang hindi ako marunong maggayat ng mga gulay?"

"H-Hindi naman po mam Allison, ang sakin lang...."

  Napayuko siya at matulis na napanguso.

"Baka po kasi magalit sakin si Sir Tristan kapag pong nakita niya na nasugatan kayo dahil sa  pinaggayat ko kayo ng mga gulay na siya namang trabaho ko dapat. Alam niyo naman po na masyadong sensitive ang asawa niyo pagdating sa kalusugan at kaligtasan niyo."

   mahinang saad nito habang kinakalikot ang mga daliri sa kamay.

  Lumambot ang puso ko dahil sa naging sagot ni ate Rhea. Napakasarap talaga sa pakiramdam ng maraming nag-aalala at nag-aalaga, pakiramdam ko isa akong reyna at isang prinsesa.

Pero....

   "Mam Allison, bakit po kayo nangiti?"

   Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na ako ng malakas. Halos ihitin na ako sa kakatawa lalo pa ng makita ko ang naging kaawa-awang itsura ni ate Rhea.

 "Mam Allison, tinatawanan niyo na naman ako.  "

 "No. Haha. Don't mind me ate Rhea."

      sabi ko sa pagitan ng mga halakhak ko. Sa tuwing naalala ko kasi kung pano sila mag-alalang lahat para sakin, hindi ko mapigilang hindi ihitin ng tawa. Super duper OA nila gayung mag-po-four months pa lang naman akong buntis.

  Napatigil ako sa kakatawa nang makita kong nagti-teary eyes si ate Rhea. Para siyang isang sanggol na malapit ng ngumawa. Napalitan ang kasiyahan ko ng biglang pag-aalala.

"A-ate Rhea? Nagbibiro lang naman ako eh."

   panunuyo ko.

Hindi siya sumagot, bagkus kinagat niya lang ang labi para pigilan ang emosyon. Mukang sumama yata loob niya sakin.

"Ma'am Allison, 'wag niy naman  po sanang gawing biro ang pag-aalala namin sa inyo. Sana po 'wag na po kayong magpasaway pa. Hindi na po kayo dalaga na pwedeng magtatakbo na parang bata, hindi na po kayo pwedeng magpuyat kapapanood ng mga movie, tandaan niyo po na may isang buhay na kayong dinadala sa sinapupunan niyo. Alam niyo po ba na kapag nasaktan ang isang nagdadalag-tao, physical man o emotional, nararamdaman din 'yun ng bata.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon