Chapter 4

18.7K 434 35
                                    

 "Oh? Mam Allison? Ang aga niyo po ngayon?"

 Pagkapasok ko sa bahay ay sumalubong agad sakin ang tanong na iyon ni ate Rhea. Nakakunot ang noo niya dala ng pagtataka ngunit hindi naman lingid sa kaalaman ko kung ano ang talagang iniisip niya. Kasalukuyan siyang naggagayat ng kung ano sa may counter ng kusina, naghahanda siguro para sa hapunan.Tinatamad na hinarap ko siya. 

  "Nag-cutting class ako. Tinatamad kasi ako eh."
    deretsang sagot ko sa kanya. Tulala habang mabagal na tumango na lang siya ,masyado yatang humanga sa katamaran ko.

   "Sige ate Rhea, akyat na 'ko sa kwarto, pahinga lang ako."
       paalam ko saka nag-umpisa na kong humakbang paalis ngunit hindi pa ako nakakalayo ay bigla na niya akong tinawag. Lumingon ako at naghintay ng sasabihin niya.

  "Ahm, itatanong ko lang kung po sana kung ilang putahe po ang iluluto ko para sa hapunan."
    magalang na tanong niya sakin. Lagi niya 'yong tinatanong sakin tuwing magluluto siya, minsan kasi hindi ako nakukuntento sa isang ulam lang, pakiramdam ko nakukulangan ako kaya naman minsan apat o limang putahe ang pinaluluto ko kay ate Rhea.

 "Katulad pa rin ng dati."
     tipid na sagot ko saka muli akong naglakad paalis ngunit sandali akong natigilan ng kung ano ay biglang nag-echo sa tenga at isip ko ang sinabi kanina ni Tristan tungkol sakin.

  Whale Shark.

  Whale Shark.

  Whale Shark.

  Sagad sa balat na iritado akong pumihit pa-lingon sa direksyon ni ate Rhea. Sandali akong pumikit at mahinahong nagbuga ng hangin. Kasabay ng pagmulat ko ay ang pagtaas ng kilay ko. Naka-cross arm na kinausap ko si ate Rhea. 

    "Isang putahe lang ngayong gabi."
    saad ko saka tuluyan na akong umakyat sa kwarto iwan-iwan ang hindi makapaniwala at naguguluhang itsura ni ate Rhea.

   

    Inihagis ko kung saan ang dala-dala kong bag nang makapasok na ako sa silid naming mag-asawa. Nagderetso ako sa kama saka malayang humiga sa ibabaw noon. Pipikit na sana ako nang mahagip ng mata ko ang malaking salamin malapit sa living room area ng kwarto. May kung anong nagtulak sakin para magtungo doon kaya naman agad akong bumangon at naglakad palapit doon. Pagkarating ko ay humarap agad ako roon at pinagmasdan kong mabuti ang sariling repleka ko salamin. Nag-side view ako sa kanan. Nag-sideview ako sa kaliwa tapos humarap ulit ako. Halos masampal ko na ang pisngi ko nang mapagtanto ko ang nangyayari sakin. Ah! Bakit lumobo ng ganito ang pisngi ko! Majimboo na! Ngayon ko lang napansin!

  Nang matapos sa mukha ay ang katawan ko naman ang naisipan kong pagmasdan. Hinubad ko ang suot kong jacket at nang wala ng takip sa balat ko ay napanganga na lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala kung kaya't nagsideview ako katulad ng ginawa ko kanina ang kaso ayaw ko talagang maniwala sa nakikita ko kaya humakbang ako ng ilan palayo sa salamin. Pinagmsadan kong mabuti ang sarili ko mula sa malayo. Lumukot ang mukha ko.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon