Chapter 11 (Part 2)

8.3K 260 14
                                    

"Ano na naman ba kasing pinag-awayan niyo?"
   tanong sakin ni Cassie habang sabay kaming naglalakad papasok sa loob ng campus. Katulad ng sinabi ko ay nagpakaon nga ako sa kaibigan ko pahatid sa school. Ayaw kong si Tristan ang makasabay ko dahil baka sermunan na lang niya ako ng sermunan. Naiinitindihan ko naman ang pag-aalala niya sakin eh, ang kaso lang napaka-OA niya para sakin. Hindi ko naman talaga pinababayaan ang sarili ko at isa pa alam ko ang kondisyon ng bata kaya bilang isang soon-to-be-mother, nag-iingat ako.Alam ko ang ginagawa ko.Hindi ako tanga.

"Ewan ko ba sa lalaking 'yun. May buwanang dalaw yata 'yun kaya ganun. Gumawa-gawa siya ng ganung eskandalo tapos ngayon magagalit siya dahil inii-stress ko raw ang sarili ko kakabantay sa bilang ng views ng video namin."
   inis na sagot ko na lang sa katabi ko. Nakita ko siyang ngumuso na para bang naninisi at nangangaral.Naikwento ko na rin kasi kay Cassie ang tungkol sa kalagayan ng bata sa sinapupunan ko, actually sinabi na rin ito ni Tristan sa kanya dahil humingi ito ng pabor na bantayan daw ako ni Cassie kapag nasa loob kami ng campus. Pakiramdam ko para akong isang kindergarten student.

"Ikaw talaga, nag-aalala lang naman siguro sayo 'yung tao dahil sa baby niyo.Dapat iniintindi mo na lang. Kaya kayo nag-aaway eh."

  Tumigil ako sa paglalakad at pinameywangan ko si Cassie.

"Isa ka pa eh. Sino bang mas kinakampihan mo? Ako o 'yung baliw na 'yun? Umiwas na nga ako sa sermon nung isa tapos ikaw naman ngayon. Alam mo ba kung anong pinag-awayan namin? Pinapagalitan niya ako dahil pinababayaan ko raw ang sarili ko."
     iritang saad ko sa kanya.

"Baka kasi wala ka ng ginawa kundi magpipindot sa laptop mo tapos nagseselos na 'yung isa kasi wala ka ng time sa kanya. At isa pa ang dami-dami nating projects at thesis para maging abala ka sa mga bagay na 'yun. Tulad ngayon, oh ano? May assignments ka ba?"

Bigla ay nanlaki ang mga mata ko.

"Hala! Oo nga noh?"

"Anong hala ka dyan. Bahala ka."

Mabilis na inakbayan ko si Cassie.

"Alam ko namang tinuruan ka ni Jhay kaya share your blessings."

"Anong tinuruan ni Jhay? Hoy! Nag-aaral ako noh kaya ako ang gumawa ng assignments."

"Asus! Kailan pa natutong tumakbo ang pagong. Tara sa cafeteria, pakopyahin mo 'ko."

"Kapal mo talaga noh?"

"Siyempre, kailangan 'yun sa mundo. Tingnan mo, kung hindi makapal ang mukha ni Tristan na isigaw na mahal niya ako sa harap ng maraming tao edi sana hindi kami sikat ngayon at pinag-uusapan. Kailan kaya magagawa sayo 'yun ni Jhay."
 pagmamalaki ko.

"Hindi makapal ang mukha ang tawag dun sa ginawa ng asawa mo, proud 'yun. Hay naku Allison, kung naging lalaki ako hinding-hindi kita liligawan."

"Hindi rin naman kita sasagutin."

   Tumigil na kami sa kaka-argue at naglakad na lang kami paderetso sa cafeteria. Katulad ng mga nagdaraang araw ay pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante sa loob. Mayroong ngumingiti, may nagpapakilala habang ang iba naman ay hiniling na kumuha ng litrato kasama ako na pinagbigyan ko rin naman. Actually matagal na akong sikat sa campus bilang campus queen kaso noon pa iyon nung dalaga pa ako at kasagsagan pa iyon kung saan kaliwa't-kanan ang mga manliligaw at admirers ko. Si Cassie na ang pumalit sa trono ko nung ikanasal ako at ngayon ngang pinagkakaguluhan na naman ako feeling ko bumalik ako sa pagiging campus queen, ah hindi, para na akong artista.

"Nga pala Cassie, bakit wala yata ngayon ang mahal mo?"
   biglang tanong ko sa kaibigan ko. Hindi kasi ako sanay na hindi sila nakikitang magkasama dahil sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay kung hindi magkadikit ang dalawa eh magka-text naman sila kahit pareho lang sila na nasa loob ng campus.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon