Chapter 7

14.6K 360 16
                                    


  Bigla ay may kung anong mainit na pakiramdam ang bumalot sa katawan ko ng sabihin niya sakin 'yon, idagdag pa ang intimate na pwesto namin ngayong dalawa. Hindi naman ako tanga at manhid para hindi malaman ang ibig niyang sabihin. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko, bumibilis ang tibok ng puso ko gayung nagawa naman na namin 'yun. I mean, hello! Buntis na nga ako eh, partida unang beses pa lang 'yun at hindi na nasundan pa ng kasunod. Siguro marahil na rin sa lagi naming pag-aaway, mas marami pa kasi ang awayan namin kesa sa lambingan noon, at kapag sinusubukan naman naming gawin 'yun ulit ay laging nauudlot, hindi namin matuloy-tuloy. Pero sa oras at sa lugar namin ngayon, alam kong wala ng pwedeng manira sa moment naming dalawa. 

Malandi daw ako sabi ng mga haters ko sa University, oh edi papanindigan ko na.


  Mabilis kong inangat ang mga braso ko at mahigpit ko iyong ipinulupot sa batok ni Tristan para maitulak ang likod ng ulo niya palapit sa mukha ko. Ngayon, ilang inch na lang ang layo ng mga labi naming dalawa. Itinaas ko ang isang kilay ko to seduce him.


 "At you service Sir."
    sakrastika kong sagot sa sinabi niya kanina. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang tinititigan ako ng magaling.

 
"You have no idea how much you look nice tonight Allison."


"Yeah, I'm beautiful and I know that Mr.Fontanilla."

  Sinadya kong landian ang boses ko para naman, you know, lalo siyang  ganahan. Nagtagumpay ako dahil maya-maya lang ay mariing sinakop na ng mga labi niya ang mga labi ko. Pumikit ako habang dinadama ang napakasarap na pakiramdam na iyon, pakiramdam ko ay napunta ako sa ibang dimensyon ng mga oras na iyon. Kung may bagay man na hindi ako pinagsasawaan sa buhay, 'yun ay ang mga halik ng pagmamahal ng lalaking 'to. Sa isang iglap ay nawala ang kaba sa dibdib ko bagkus napalitan ito ng kakaibang excitement.

Iniyakap ko ang mga palad ko sa likod ng kanyang ulo asking him not to stop. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging masidhi ang bawat palitan namin ng halik kaya naman ng tumigil siya para sandaling kumalas ay halos magwala ako.


"Let's do this in our room."
    he whispered then suddenly he carry me, in a bridal way. Pagkarating namin sa silid ay maingat na ipinatong niya ako sa ibabaw ng kama, muli ay pinagmasdan niyang maigi ang bawat anggulo ng mukha ko saka maingat itong hinaplos gamit ang likod ng palad niya.


"Kanina mo pa ko tinititigan, baka malusaw na ako."
    biro ko sa kanya pero ang totoo niyan naiinip na 'ko.


"I'm just making sure that  I'm awake and  literally saw you now, here with me."


"Gusto mo pa bang suntukin kita para malaman mong hindi ka nananaginip?"

"I love the way you being a sadist wife."

"What did you say?!"


Kinuha niya ang wrist ko at pinadausdos iyon sa mattres patungo sa itaas na level ko.


"Nag-iisa ka lang sa mundo Allison, wala kang katulad. That's why no one can explain   how lucky I am to have you."


  
  A good and thrilling sensation ran through my veins as Tristan started to kissed me again, kasama na r'on ang kilig ng mga lamang-loob ko dahil sa huli niyang sinabi kanina. Aaahh, ang sarap sa pakiramdam. Damang-dama ko ang walang kapantay na pagmamahal niya sakin and because of that, he gave me an another more reason to love him over and over again. Katulad kanina ay muli kong tinugon ang mapangahas ngunit puno ng pag-iingat niyang mga halik, gusto kong iparating sa kanya na siya lang ang tanging lalaking mamahalin ko at wala ng iba.

   Balanse ang pagkakadikit niya sa katawan ko, tila ingat na ingat na hindi ako maipit. Paminsan-minsan siyang bumibigat siguro dahil sa sensasyong napakahirap pigilan ngunit agad din naman niya iyong inaayos upang hindi ako masaktan. Naging malikot na ang mga kamay niya, kung saan-saan ito gumagala ngunit malaya ko siyang pinahintulutan san man iyon umabot. Ang bawat titig, halik, yakap, ungol ay malakas na nagpaparamdam sakin kung gano kasarap sa pakiramdam ng minamahal. 

 
   Kasalukuyan niyang banayad na hinahalikan ang bawat balat na nadadaanan ng labi niya nang bigla siyang tumigil sandali, dumukwang siya at pilit na iniabot ang nasa ibabaw ng sidetable- ang lampshade na nagsisilbing liwanag namin sa madilim na gabi. 

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon