Chapter 16

12.3K 246 14
                                    

Allison’s Pov

 “Mhie? Ok ka na ba dyan?”

 Napalingon ako nang tawagin ako ni Tristan na noo’y kapapasok pa lang sa pinto ng kwarto.

“Yeah,I’m almost done.” sagot ko at nagmamadaling inilagay ang natitirang mga damit sa maleta. Nang matapos sa ginagawa ay kinuha iyon ni Tristan para bitbitin.Nakahanda  na kaming umalis na dalawa.

“Ok.Wala na tayong nakalimutan?”malambing na tanong niya habang nakaakbay sakin. Umiling ako.

“No more.”

“Alright.Let’s go.”

  Pawang masaya na bumaba na kami ng kwarto at nakangiting sinalubong naman kami ni ate Rhea sa sala.

“Sir,Ma’am,mag-iingat po kayo.”   pamamaalam nito.

“Salamat ate Rhea, kayo na po muna ang bahala rito sa bahay habang wala kami.”  magalang na saad ni Tristan sa babae.

“Opo Sir Tristan,makakaasa kayo.”

Iniayos ni Tristan ang mga dala namin sa likod ng kotse habang ako naman ay abala sa pagte-text kay daddy para magpaalam. Ilang sandali pa ay sumakay na kami ng sasakyan at umalis na.

   Were going to have a three days vacation on somewhere gaya na rin ng inirekomenda ng doctor sakin. Gusto muna akong ilayo ni Tristan sa magulong buhay sa siyudad para na rin sa kalusugan ko at ng bata.Masyadong maraming  nangyari nitong nagdaang  araw kaya naisipan niya na magrelax muna kami pansamantala.Kung maari ay gusto niya pa ring maging malusog ang bata paglabas nito.

 Napatingin ako sa katabi ko na noon ay abala sa pagmamaneho, bigla kasing tumunog ang cellphone niya.Para hindi na siya maabala ay kusa ko nang kinuha ang  cellphone sa box at isinalpak ang headset para masagot niya ang tawag kahit nagmamaneho siya. Nakita ko na si Tobby ang tumatawag sa kabilang linya. Ikinabit ko ang headset sa tenga niya at sinagot ang tawag.

“Thanks.”    he mouthed then he answered the call.

“Yes Tobby?.”

  Matagal siyang hindi nagsalita, pinapakinggang mabuti ang sinasabi ng kausap.Maya-maya pa ay nag-form ang labi niya ng isang smile of relief.

“Thanks Tobby for the info. See ‘yah later. Anyway, handa na ba ang ipinagawa ko sa’yo?”

      Tumahimik ulit siya at tumango-tango.

“Yeah I see,naririnig ko na nga. Were heading now. Ok.Thanks Tobby ‘til later.Bye.” huling narinig kong sabi niya sa kausap bago nito tinanggal ang nakaka-kabit na headset.Curious na napatingin ako sa kaniya.

“Anong sabi niya?”     seryosong tanong ko, hindi kasi  nawawala ang mga ngiti niya. Parang may magandang nangyari. Tinanggal niya ang isang kamay sa manibela para kunin ang isang kamay ko.Hinawakan niya ito ng mahigpit habang nakatingin sa harap.

“Wala na tayong dapat ipag-alala Allison. Naayos na ni Yohan ang lahat.”

 Na-gets ko kaagad ang sinabi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa sobrang tuwa.

“Y-You mean? Tapos na ang issue? I-Ibig sabihin wala nang mga reporters ang manggugulo?”

“Yes,mhie. You’re safe now.”

“Oh thanks God.”    naibulong ko na lang habang masaya kong  hinahaplos ang tiyan ko.Wala na pala akong dapat ipag-alala,tapos na pala ang lahat. Success ang  press conference ni Yohan!

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon