Act 27

1.1K 49 35
                                    

Ways to Stir

••nam's••

Nakakita na ba kayo ng kalahating dinosaur kalahating manananggal na nagbubuga ng apoy?

Si Dos. Ang kawawang Dos, hindi ko na sya makilala. Nagtransform na sya. From hom sapiens ay isa na syang homono sapian....

"Omo! Homono!" mahinhin kong reaksyon sa pagkagulat ng pumasok ako ng SCP, dahil sa ako ang nagbukas ng pinto, ay nasa likod ko pa rin sina Nowah. Napatakip ako ng kamay sa bibig. "O em jee."

"Oh Nam bakit? Anong nangyari? Ha?" tanong ni Nowah sa likod ko.

Kitang kita ko kung paano ni Dos ibinabalibag sina Yelo paupo sa mahabang couch na naroon pero ang masama ay tumama sila sa matigas na kanto ng naturang upuan at agad na nawalan ng malay ang dalawa, hindi ko rin alam kung iyon ba ay pangmatagalang paghihimlay nila. At mukhang hindi pa nakukontinto ang ang baliw na babae at sinipa sipa nya pa ang mga pobre upang gisinging.

Ano sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba na ang SCP ng sosyaling paaralang to ay . . . ang SCP ngayon ay animo ay isa sa hinulaan ko noon kung ano ang ibig ipakahulagan sa tatlong letra, Suicide Case Planner?!

Tyaka sasabihin ko ba na ang SCP nila ay mukhang takas sa mental at isang pugante? Pero baka botante itong si Nowah ni Dos, at bigla akong samain ako, uso pa naman yan, yung bigla biglang pagsaksak.

"At ngayon tutulog-tulugan nyo ko? Thats bullsh*t! Bumangon kayo dyan assh*les." sabay sipa "Gumising kayo dyan! Sino ang nagsabe sainyo na papalagpasin ko kayo kung gagawin nyo yan ha? Gising! Huwag nyong uubusin ang pasensya ko! Hala gising!" sabay sipa ulet.

"Omo. Omo. Omo." gaya ko ulet sa kaklase kong sosyalin. Dahil mukhang nararapat at akma iyon sa sitwasyon.

This is not a plain sight, this is brutality.

Naalala kong, sabe dun sa ipanadala ni monste--mother na parapharnalia, isa iyong pelikula, nakita ko kasi pinanood ni Yuki, katulad ng panonood nya ng ibang padala.

"A fine lady must have courage and be kind. They can also be brave, and protect, if no one else can."

Napahinga ako at dalidali pero mahinhing lumapit kay Dos. "Tama na! Tama na please. Maawa ka naman sa kanila." madamdamin kong pigil sakanya "

Pero tiningnan lang nito ako na para akong nababaliw, e sya kaya ang baliw rito no? Isa kaya akong mabuti, matulungin, at mapagprotektang marikit na binibini.

"Wala silang ginagawang masama para saktan mo ng ganyan." dagdag ko pa na hinugot ko kung saan, para kasing naayon yung pakinggan sa ganitong eksena, ganito kadalasan sa melodrama ni tanda e. "Kaya tama na please, ako nalang, ako nalang ang saktan mo."

Salubong ang kilay tuluyang bumaling sakin si Dos. "Anong walang masamang ginagawa? Anong tawag mo roon sa paglalapastangan ng dalawang yan roon sa High Forest? Doon pa talaga! Doon pa talaga nagkalat ng kabulastugan! At kayo? Hinayaan nyo lang! Nanood lang kayo! Ano yun show? Hindi lang simpleng kagubatan iyon! Its a history! T.U's forgotten core! Mga mangmang! Binaboy nyo! Mga walang respeto!" sigaw nya sa mukha ko na nagtatalsikan ang laway.

Aba. Magaling. Ako pa talaga, ako na nga ang na tumutulong rito, ako pa ang napasama. Nasaktan na nga ang tenga ko, nabasa pa ako! Asan! Asan ang katurangan rito!

Bigla akong napatawa. *snapped*

No one dares Namika Diaz, the gang leader.

"Mas mangmang ka! Eh kung ganun pala yun kaimportante, e di sana ang mga propesyonal ang pinaayos mo roon! Hindi sinuman ang inuutusan mo! Sino satin ngayon ang tanga ha?" sigaw ko rin sa mukha nya at pinatalsikan rin sya ng laway.

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now