Act 4

2.5K 70 3
                                    

Keep your enemies close and
closer plan


"Gangleader!! Gangleader!! Gangleadeeeeeeeeeer!!"

*pak

"Ang ingay mo Parker! Ano na naman ba!?" sigaw ng nakaupong dalaga sabay bato ng hawak hawak na lapis.

Masamang tiningnan nito ang taong pumasok hindi lang dahil nakaiilag ito sa ibinato nya, kundi dahil narin nadisturbo nito ang kanyang pagguhit ng kanilang takda na syang ipapasa sa kanilang class representative at sakanya nalang ang hinihintay. Nang maisip iyon mas nalukot ang mukha ng dalagang nakasuot ng itim at gintong kulay na uniporme, mabilis itong tumayo sa kinauupuan, mula sa roon ay mabilis na ibinato ang isa pang lapis sa tsonggong sanhi ng kanyang iritasyon.

*bog

"Owch! Nam a! Ang harsh mo talaga! Kailangan talaga ulitin? Nakaiwas na ako sa una e! So mean!" reklamo pa noon.

"Spit it! Huwag mong sayangin ang oras ko't may gagawin pa ako! Ano bang problema mo't sigaw ka ng sigaw?" iritang balik rito ng dalaga.

"Si Kaiser kasi inaaway ako! Mas paborito mo daw sya!" sabe nito, nagmamaktol animo bata.

Nam's lip twitched. An angry vein popped.

Mula sa sya sa kinatatayuan ay umakmang aalis na habang dala dala ang kanyang ginagawang obra, baka kasi kapag hindi pa sya umalis roon ay baka ipakain nya ang hawak sa isang tsonggo at gawing ibong adarna.

Anong akala nila sakanya nanay? Kung maka kasumbong akala mo naman nabudol budol?

"My quee--" bago pa man matapos ng isa pang tsonggo ang ang sasabihin ay agad na itong nilingon ni Nam ng masama.

"Este Nam, san ka pupunta? You're leaving me?" pag-iiba ni Kaiser, na katulad ng kakambal ay isip homo erectus.

"Out" tipid nya nalang na sagot.

"Waah! Sama kami! Sama kami! Pleaaase! Pretty pleaaaaase?" Parker

Argh. Annoying.

"Fine! Lets go tsonggo duo! " sabe nya, pero agad ring nagsisi, ano pang kabuluhan ng pag-alis nya kung sasama rin naman pala ang mga ito?

"Yay! Together forever! Let's go Kaiser!" rinig nya pang sabe ni Parker

Isang pares ng mata ang unti unting nagmulat. Mula sa pagkakahiga sa kama, mabagal ang galaw na bumangon si Nam. Mula sa pagkakaupo ay napabaling ang tingin sa kurtinang inilipad dahil sa nakabukas na bintana, pumapasok rin roon ang malamig na simoy ng hangin, kasama ang humahalimuyak na amoy ng mga rosas. Nanatili nakatulala ang dalaga, at sa bumabalot na katahimakan sa naturang silid ay rinig na rinig ang bulong nya...

"Panaginip lang pala."

Mula sa pagkakaupo, umakma itong aalis na ng higaan pero dahil inililipad ng hangin ang kurtina ay hinawi iyon ni Nam. May pagkamahang tiningnan, kadalasan kasi sa bintana lang meroong kurtina pero bakit pati apat na sulok ng kanyang kinahihigaan meron?

"Teka...."

Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan.

"...kelan pa nabago ang kwarto ko?!"

Sa realisasyon ay dali dali syang umalis ng higaan, yun nga lang bago pa man makaapak ang paa sa sahig ay nahila na noon ang kurtinang nakasabit.

*bog

I'm not a Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon