Act 16

1.4K 61 2
                                    

Lost and found

••nam's••

Hair blowing, skirts bouncing. Smile slowly. Act cutesy. This is youth! La la la la la ~~

Mangilan ngilan ang nakakasalubong kong estudyante ngayon. Karamihan kasi nasa field at student's area. Walang pasok. Sa pagkakarinig ko kanina ay preparation and rest day daw ngayon.

Kanina pa ako nagpapalaboy laboy. Ang laki talaga ng paaralang to.

Kampante akong naglalakad ngayon sa hallway ng sosyal kong paaralan. At masaya ako dahil hindi ako napagtutuunan ng pansin ng mga spoiled brats na to. Trolololo~

Manaka naka lang nila akong tinitingnan at iniismiran. Pero dahil sa masyado silang abala sa pinag-uusapan nila ay agad din naman nila akong nakakalimutan. Ewan ko pa sa mga taong yan. Lagi ko nalang naririnig ang mga linyang:

"My gown is made from France!"

"What color is your gown?"

"Mine's blue."

"My killer heels is made of crystals! Eat that Cindy!

"My god! I cant wait for the ball!"

"Everyone will be there!"

"The Kings will be there!"

Ump. Freakin' fairytales

Mga apat na araw na silang nagkaka ganyan. Ang totoo, nabubuang na ba sila? They keep on day dreaming or is it hallucinating? Wala akong kaide-ideya sa pinagsasabe nila.

Apat na araw naring absent yung weirdo. Weird. Hindi. Hindi ko sya hinahanap. Nevermind, palagi naman talagang yun absent simula't sapol.

BREAKING NEWS: WIERDO FOUND DEAD!!!

Bigla akong natigilan sa naisip ko. Naman oh. Konsenya tumigil ka! I, Namika Diaz, do not care!

"I'm Chizu"

"Are you okay?"

"Dont worry"

"You're cute!"

"Nam wait for me!"

"Wala kang sundo?"

"Come here!"

"Nam! Let's go to the park tomorrow morning!"

"Promise?"

"Wake up sleepy head!"

"Are you really okay?"

"I'll take extra care of her"

"Stretch out one of your hand, Nam"

"Nam!"

"Nam!"

"Nam!"

"Nam!"

"Na--

Oo na! Asar naman. Oo na, pupuntahan ko na sya sa bahay nya mamaya. Okay na? Tch.

Bigla bigla ko nalang narinig ang boses nung weirdo. How dare him. No one dares--

"Excuse me. Excuse me." napatigil ako sa pag-iisip ko at napatingin kung saan nanggaling yun.

"Makikiraan po. Makikiraan" nakita ko ang isang babaeng estudyante mula sa likuran ko na may dala dalang mga kahon na halos natakpan na ang mukha.

I'm not a Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon