Act 15

1.3K 58 3
                                    


Encounters


••nam's••

"Nam!" nakita kong mas lumawak pa ang pagkakangiti nya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Again, mother said a fine young lady does not curse out loud. Napapikit ako ng mariin. Sa isip lang pwede, sa isip lang mag mura. Sa isip lang!

"Nam! I miss you!" napamulat ako at nakita kong akma nya akong dadambahin buti nalang mabilis akong nakaiwas kasubod ng malakas ko syang na kutusan sa ulo.

Nang di pa ako nakontento ay inipit ko pa ang leeg nya sa mga braso ko."Aw! A-ww!"

Tutuluyan ko na ang isang to! Kaasar e! Kanina pa sya sa field ah!

"Sinong may sabe sayong pwede mo kung gulatin ha? Muntik na kong magkanervous breakdown ng dahil sayong gunggong ka!" mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal ko sakanya at ng hindi ko ito sumagot ay kinatok katok ko pa ang noo nya.

Ohmygee! (natutuhan ko lang) akala ko talaga kanina kung sino na. Aish. Malaking gulo kung nagkataon.

"Bat hindi ka makasagot ha?" aba't di pa talaga nasagot! "Blake! Huuuuh?"

"A-ack-Nam baka may makakita s-satin" sinubukan naman niyang alisin ang braso ko sa leeg nya "Cant b-breath"

Bigla naman akong natauhan at pinakawalan sya. Lumayo ako sakanya at tumayo ng maayos.

'Stand straight, chin up' . Napalingon-lingon ako sa paligid namin.

Maingat akong lumapit sa isang palikong pasilyo di kalayuan, at sineyasan ko din si Blake na gawin iyon sa kabila, sa mga pinapanood kasi ni mama, doon kadalasan nagtatago yung mga mapagsamantalang karakter tas mangbablackmail sayo. Mas mabuti ng nag-iingat. Tsk. Tsk. Tsk.

Nang makumpirma kong wala namang ibang estudyate roon ay linungan ko na ulet yung isa-na nasa likod ko narin pala at nakikisilip din sa tabe ko kaya siniko ko sya para lumayo. Napailing-iling lang ito.

"Kahit kelan talaga ang bigat ng kamay mo gang-Nam" umubo-ubo pa sya "Anyway, okay ka na ba?"

Alam ko naman kung ano ang ibig nyang sabihin kaya tumango nalang ako.

"Hindi ko sa kanila sinabe" may bakas ng lungkot sa boses nya kaya inatake naman ako ng konsenya ko.

"Good" ano ba kasing ginagawa nila dito? Why of all places?

Nakakapikon na alam nyo yun? Nanahimik na ko rito sa sosyal na paaralang ito e. Nagkagulu-gulo lang ng matisod ako at nasilaw na mapanggap na mga bombilyang iyon. Hanggang sa- kelangan ko bang aalalahanin ang mga nangyari? Hayyyy buhay ang rami ko ng iniisip. Dati rati naman lilipas lang ang araw na nakakatunganga ako.

But, I am Namika Diaz. What do I expect?

"Nam, we need to talk" sabe nya.

Pinakiramdaman ko ulet ang paligid mukhang nagsiuwian na nga ang ibang estudyante.

"Are we not talking already?" napakamot naman sya ng ulo. Like ewww may kuto siguro. See what I did there?

"Spill." utos ko

Napabutong hininga sya bago tuluyang nagsalita "I think sooner or later makikilala ka nila Nam."

I know. At hindi ko pa alam ang gagawin ko kung nagkataon.

I'm not a Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon