Act 23

1.1K 53 6
                                    

Surprise!

••nam's••

Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa hallway ay sya ring agaran pagbulong-bulongan nila.

"Oh my gosh, sissy, look at that freak."

"Bagong transferee ba yan?"

"Ang pangit naman, ang sakit sa mata."

"Look at her buhok, its like a nest."

"Ay ang mild mong manglait sissy, mas mukha kayang barbwire."

"Nah, mas mukhang mop na matagal nang di nalalabhan."

"Oh infairness, kadiri yun. Hahaha."

"And look at her uniform. Her medyas is so baduy, stipe na yellow and green."

"Ang eye sour naman. Who is she? My goodness."

Napangiti ako. Thank you for the all the compliments sosyaling schoolmates. Ang galing talaga ng make-over ni Blake. Bahahaha! Perfect!

Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang nginitian sila, nang di pa ako na kontinto ay kumaway pa ako sakanila. Nakita ko namang napaatras yung iba. Ow.

Anyway, such a good vibes for the morning! So so good morning!

Gagayahin ko sana yung ginagawa ng iba kong sosyaling kaklase na paghawi sa buhok kaso hindi ko natuloy kasi sumabit agad roon ang kamay ko. At dahil nahiya ako, ay napatakip ang kamay ko sa bibig ko tyaka nagpeace sign "Te-hee~"

"Holy molly! Nakita mo yun? Did she just try to flips her hair?"

"Yes she did. Have you seen her kamay? Her nails looks so marumi. Ewww."

"My gosh tara na baka mahawa tayo sa kapangitan nya."

"Right. What is happening to this school? Wala nang class ang mga bagong estudyante. Ew."

Nagkibit balikat nalang ako at patuloy lang ng petiks paglalakad hanggang sa makarating ako sa room. At sa pagpasok ko naman ay lahat sila natigil.

Oh oh! Suprise! Surprise!

This is the exact reaction I am expecting kahapon pa!

Dapat kahapon ko pa 'to nakita kung di lang sa pakialamera yung Dos na yun.

Umupo na ako sa upuan ko. Pigil ang ngumisi.

Mamaya na lang ako magduduty roon sa kagubatan. Tama, tama.

Tahimik pa rin ang paligid at maya-maya umiingay na dahil sa mga bulong-bulungan.

"Is it just me or is that really Namika Diaz I am seeing?"

"Bakit mukha syang nerd na sinalanta ng mga supertyphoon?"

"Ang baduy!"

"Is that why absent sya kahapon?"

"Argh! Ang sakit sa mata!"

"Oh my gosh, nag-phase 2 na ba ang PET? Bakit di ko alam?!"

"Omygod. Omygod. I cant take this she's so pangit! Girls do something! She's a shame to our section's reputation!"

"We have to do something!"

At nagtalo-talo sila. Bakit big deal sa kanila ang perfect transformation ko? Mukhang ayaw nila, e di ba dapat ay matuwa sila? Baliktad talaga ang takbo ng mga kukote ng mga sosyaling to.

Natigil lang sila ng biglang may sumigaw na hindi papasok ang guro kaya free ang umaga ito.

"Merong meeting ang mga staffs regarding sa foundation na more or less two weeks away from now. Also, gusto ko ring ipaalam sa inyo na we should also start now our preparation, kung ano gagawin natin, bakit, at panu natin iyon gagawin." ani ng isa kong kaklase na nakatayo sa harapan, sya yung tinalagang class representative nung unang raw palang klase.

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now