Act 8

1.5K 74 5
                                    

Pest Elimination Task


"Always wear that"

Bago pa man maka-angal si Nam sa sinabe ni Haru ay naunahan na syang magsalita ni Yuki.

"Shut it, lost kid" nakataas kilay pa nitong sabe.

"Yuki!"suway naman dito ni Shun

"What?"painosenteng baling dito ni Yuki. "I still remember last time, how she got lost in her way." ingos nito

Hindi naman matago ang paglukot ng mukha ni at pagkuyom ng mga kamay nito.

Matamang lang syang nakatingin sa kanila mula sa backseat, napag desisyunan na lang nyang lumabas ng sasakyan at magsimulang maglakad papasok ng High Department ng walang paalam sa tatlo.

She's pissed. Scratch that. She's in rage.

For two reasons.

Una, napagalitan sya ng tanda nya dahil nalaman nito ang pagkawala nya at naungkat na naman ang pagiging gangster nya (noon).

Pangalawa, dahil sa na nakakabit sa kanyang GPS sa tenga nya. Take note dahil wala syang piercing, you know what next happened, she have her very first piercing from Shun. In the process, ay nagkaroon ng black eye si Shun sa kaliwang mata dahil roon, kung di pa naagapan ni Haru si Shun at napigilan ni Yuki si Nam, mas malala pa siguro ang inabot nito.

Habang naglalakad papunta sa room nya ay hindi maiwasang mapansin ang lantarang pagpukol sa kanya ng mga tingin ng mga estudyanteng nadaraaanan nya.

What's new? Eh simula ng makita ko ang bweset ng mga poser na King kuno ay nagka gulo-gulo na ang pananahimik ko! Saloob loob ni Nam.

Nagpatuloy na lamang sya sa paglalalakad, at inignora ang mga ito, kaya hindi nya napansin ang palihim na bulong-bulungan at tawanan ng ibang estudyante.

"She's the one, right?" bulong nung isa

"Yeah. Godness, she doesnt even deserve King Ice's attention. Look at her. Eeewww"

"I know right! Haha. But look at the bright side, we will not be bored anymore!"

"Haha. Damn right! So when do we start?"

"I think...

Bago pa man matapos ang sasabihin nito ay naputol iyon ng isang malakas na sigaw mula sa kung saan.

"Let the game begin!"

Natigil sa kalagitnaan ng pag-akyat ng hagdan si Nam hindi dahil sa sigaw na yun kundi dahil sa malagkit na bagay na bumuhos sa kanya. Kasabay ng malakas na pag-chicheer ng mga estudyante.

Ramdam ni Nam ang malamig at malagkit na bagay na bumuhos sa kanya. There's definitely flour. And vinegar.

Tumingala si Nam sa taas ng hagdan at nakita nya ang limang estudyanteng may hawak na malaking itim na bucket habang nagtatawanan. Ng mapansing na nakatingin sa kanila si Nam ay nagthumbs up naman ang isa sa mga ito at sumigaw ng specially made for you at nagtawanan sila ulet.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyante. Bago pa man makabawi mula sa pagkakabigla si Nam ay sinimulan syang batuhin ng mga ito.

"Fire!" sigaw mula sa mga estudyante.

Nam is stunned. Binabato sya. Like a target

With eggs. No scratch that... Rotten eggs!

Makalipas ang ilang minuto ng pagbato for god knows kung ilang itlog ang binato kay Nam, ay natigil sila, and only because the bell rang.

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now