Act 25 (2)

1.1K 50 44
                                    

Eyes meet pechay


••nam's••

A fine young lady does not curse at loud.

Taeng pechay.

"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ni Parker ng makalapit.

Hindi na nakuhang sumagot pa ni Chizu sa tanong ko, hindi lang dahil sa pagsingit ng isang hunghang na tsonggo sa usapan namin, pero dahil narin animo bigla nalang syang naging estatwa habang nakaawang pa ang bibig, hindi ko alam kung ano na namang pauso nya. Weirdo e.

Napahawak nalang ako ng mahigpit sa kamay Chizu (namukhang rebulto na), nangangamba ako baka mapasukan ng langaw ang kanyang nakangangang bibig. Eh kung iuntog ko kaya ito dito sa marmol na pasilyo nang matauhan, este, te--hee~ isa akong marikit na binibini hindi makabasag bungo este pinggan. Tehe~

"Mikaela?" tawag pansin pa ni Parker sakin, kaya napabaling na ako sakanya ng tuluyan.

Mikaela? Talaga namang hunghang.

Pasimple kong ginawa ang *flips hair* kasi tinatawag iyon ng sitwasyon. Dahil sa haba ng buhok ang ilan roon ay tumama sa pagmumukha ni Chizu.

"Oh hi. Hehe." mahinhin at payuko yuko kong bati rito. Sa madaling salita, pinagmukha kong tanga ang sarili ko. Hehe? Aneyen? Wew. Hindi ko inaasang nakakanangungo ang umaktong ganito?

"Anong nangyari sa kamay mo?" ulet nyang tanong at sinulyapan ang kamay kong naka-benda na nakahawak parin sa kamay ni Chizu.

"Ah, ito ba? Wala ito." tiningnanan ko rin iyon. "Hindi kasi ako nag-iingat. Nadisgrasya tuloy. Hehe." makatutuhanan kong sagot, kung naging mas alerto lang sana ako sa paligid ko noon, ay walang ano ko lang maiilagan ang bolang intensyonal na sinipa ng bombilyang may salamin saakin.

"Does it hurt?" nag-aalangang tanong nya.

Napaangat ako sakanya ng tingin dahil sa bigla nalang nitong kinuha ang kamay ko at inispeksyon, medyo naitulak rin Chizu patabe at medyo nabuway, pero dahil rebulto na ang weirdo wala na lamang itong naging reaksiyon.

"Masakit pa ba? Namamaga pa ito. Mukhang mga ilang araw mo rin itong iindahin. Naku."

Imbis na sagutin ay inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Too close. Too familiar act.

Dalawang taeng pechay!

Dapat pa rin akong mag-ingat, baka bigla nalang nya akong makilala, kung masyado kaming magkakalapit.

"Okay na, okay na 'to. Kelangan lang hindi pwersahin at gamitin. No worries. Hehe." mahinhin at mas pinababae kong sagot kinalaunan. Ump.

Lumapit na ako ulet sa tabe ni Chizu, the weirdo rebulto. Mamaya, matirikan nga ito ng kandila at maalayan ng bulaklak pati na rin ng dasal. Alam nyo na para sa ikakatahimik ng kaluluwa at lahat lahat.

Mukhang natigilan na man ang tsonggo sa pagdistansya ko.

"Sorry for being touchy. Naasiwa ka ba?" hinging paumanhin nito. "Pasensya na nakalimutan ko ring magpakilala kahapon mukhang nagmamadali ka kasi kaya't hindi na kita tinawag ulit."

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now