Act 2

2.8K 90 10
                                    

Touch moves: three golden rules

Bam!

Isang malakas na kalabog ang maririnig sa mapunong parte na iyon.


Pagkaapak na pagkaapak ng mga paa ni Nam ay agad na umikot ang katawan nya at liningon ang kahinahinalang bagay na iyon....

Ang bagay ay nagpagulong gulong ng ilang metro dahil sa lakas ng pagkakasipa rito, at natigil lang dahil sa punong nakaharang.

Pero may hindi sya inaasahan....

"Oh em ge!" gaya ni Nam sa kadalasang naririnig nya sa mga sosyaling estudyante.

"Namika Diaz! Ano! Sasabihin ko pa ba?!"

At muli nyang narinig ang babalang iyon. Kayat hindi na sya nagsayang pa ng ilang segundo kaagad nya ng nilapitan ng kahinahinalang bagay...

Bagay??! May bagay bang may dalawang kamay, dalawang paa, ulo, mata, ilong, bibig at nakasuot ng unipormeng katulad sakanya?

Nang tuluyang makalapit ay nakonpirma ni Nam ang kanyang hinala. At mukhang napuruhan nya!

Tao nga! At hindi na gumagalaw!

Gamit ang paa ay sinubukan nyang gisingin iyon.

"Hey... hey... hey. Buhay ka pa ba?"

Kahit ano pang tulak ng paa ni Nam rito ay hindi pa rin nagigising ang bangkay, este, nahimatay lang atang kapwa estudyante?

*dubdub

"Namika Diaz! Ano! Sasabihin ko pa ba?!"

Lihim na napangiwi ang dalaga, mukhang maghihimas na naman sya ng rehas a! Lagot na naman sya sa tanda! Baka tuluyan na sya noong itakwil at ipatapon kung saan!

Sa naiisip agad na napalingon lingon ang sarili, ng makonpirmang walang taong nakasaksi sa nagawang krimen ay agad na syang umaksyon.

In a swift movement, she flips the unconcious body, carry it a princess position....

Operation TTE. Tapon o tago ebidensya.

Inilagay nya ang walang malay na lalaking estudyante sa likod ng punong kinasalampakan nito matapos magpagulong gulong.

Maingat ni Nam na inilapag ang katawan, nang masigurong maayos iyon ay maliksi na syang naghalungkat sa dala dalang gamit, nagpunit ng papel, nagsulat gamit ang ballpen. At inilagay sa harapan ng walang malay.

Sa kanyang mga galaw ay aakalaing ilang beses nya na iyong ginawa, ni walang awang mababanag sa mga mata, at tanging pangamba lamang ang naroroon habang nakatingin sa maamong mukha ng lalaki na animo natutulog lang.

"Tae, panu kung mamukhaan ako nito? Tsk. Bahala na nga." bulong nya sa sarili.

Tumayo na si Nam, at katulad ng mga masamang loob matapos gumawa ng isang krimen ay agad ng linisan na ang nasabing pinangyarihan, pero bago iyon ay may idinikit muna ang naturang dalaga sa dumugong noo ng naturang biktima nya. It was bunny printed band aid...

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now