Act 29 (2)

1K 45 10
                                    

Other sides


|a day before|

••S.Aian's Side••

Anim na araw.

Anim na ang nakakaraan.

Anim na araw syang hindi mapakali.

Anim na araw ng mabilis ang mga tibok ng puso nya.

Anim na araw nya nang sinusuyod ang buong paaralan.

Anim na araw na syang hindi tumitigil sa paghahanap.

Anim na araw na syang umaasang mahahanap ang may maari ng boses na iyon.

Ang boses ng taong pinakaimportante sa kanya.

Anim na araw na . . . anim na araw na ang nakalipas ng napagtanto nyang ang taong matagal na nilang gustong makita ay naririto rin sa lugar na ito.

Sigurada sya, na ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay ang . . .

Gangleader, ito lang at wala nang iba.

Without no doubt, thats their Namika Diaz.

Ang nag-iisa, at natatanging si Nam. That . . .

Everybody's waiting . . .
Everybody's watching . .
Even though you're---

*pak*

"Manolo! Tumigil ka nga kakamonologue mo dyan!"

"Aray naman, ang tahimik kasi, si Parker pa oh, tingnan mo, anim na araw ng tulala, parang baliw lang, naisipan ko lang naman na---

"Ano na namang naisipan mo ha? Puro ka kalokohan!"

"Naisipan ko lang naman ng bigyan sya ng background narration habang nakatulala sa bintana, para feel na feel nya. Naisipan ko rin ngang mamaya baka maghihire na ako ng videographer para kunan sya, alam nyo naman supportive akong kaibigan---"

"Loko! Tumigil ka na!"

"Oo nga Manolo, pinapalala mo ang sitwasyon."

"Manahimik ka nalang kasi at hindi ka naman nakakatulong!"

"Teka! Ansasama nyo naman, e sa nagmamagandang loob lang naman ako ah. Mabuti nga ako may ginagawa. Ano bang masama dun? In case mang maisipan nyang tumalon mula sa padungaw dungaw nya dyan sa hamba ng bintana, at malaglag sya, na alam naman nating wala ligtas, oh at least may pang eulogy---Aray! Nu ba! Nakakarami na kayo ah! Mga gago 'to."

"Talaga lang ha?"

"Pero may point din sya mga 'tol--oh oh huwag mang batok, sabe ko nga tanga nitong si Manolo. Kung ano-anong pinag-iisip."

"Sinong tangang tinatawag nyo ah?! Laking bonakid 'to! Laban kayo? Matalino kaya ako! Tanungin nyo pa si Kaiser! At sasang-ayon yan sakin."

Lahat napabaling sa gawi ni Kaiser na tahimik lang na nakaupo sa tabe ng kakambal, tiningnan lang din nito ang mga kasama, at hindi nag-abalang sagutin pa.

"Kita nyo? Kita nyo? Silence means yes, mga bugok."

"Tanga! Anong silence means yes? Literal na seenzoned kamu!"

"Grabe talaga kayo sakin, kapag ako nakahanap kay gangleader, who you kayo sakin lahat, mga gunggong 'to, kahit hindi kayo magtanong sakin mag-giGM ako ng who youuuuuu, wahaha! 'Kala nyo ah! In your face bitches---

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now