Part 1: Lost and Save

19.2K 395 10
                                    

Bagong umaga nanaman at kailangan ng mga estudyante ng Cliffords Memorial High School pumasok. Para sa mga kabataan dito bagong umaga, bagong problema at hirap. Dahil sa paaralang ito bawat araw may projects, assignments, reports at kung anu-ano pa... Kung minamalas-malas ka pa minsan baka napag-linis ka pa ng banyo o kaya napag-hugas ng mga pinggan sa canteen...


"Shit! Wala nga pala akong project sa Science!" Napa-sigaw at naalalang sabi ng isang dalaga, sya si Krisha. Napaka-isip bata at balat-sibuyas pa... Sa ngayon, nasa school bus sya at ang kaibigan niya na si Shyra.


"Tahimik naman best, hindi lang tayo ang tao dito" sabi ni Shyra


"Sino ba namang hindi mababaliw na student dyan sa CMHS na yan! Araw-araw dinagdagan ang hirap sa buhay ko, sarap palitan ng teacher at principal eh?" Inis na sabi ng dalaga.


Hindi na sumagot ang kaibigan nito, dahil alam nito na kung sasagot sya hahaba pa ang diskusyunan nila baka ma-umuwi lang sa tampuhan at away. Maya-maya pa nakarating na sila sa paaralan, nakita nanaman nila ang guard na pagka-sungit sungit.


Hindi ito nagpapapasok sa paaralan kapag hindi complete uniform at higit sa lahat! NO ENTRY NO ID. Orayyt?! Kaya marami ang nababanas sa school guard na ito, kaya mas gusto ng karamihan na mag-out-of-the-bakod...


( SA SILID-ARALAN )


"Class! Tahimik!" Sigaw ng kanilang guro at natahimik ang lahat sa loob ng classroom.


"Pass your project!" Sigaw ng guro at kinolekta ang mga proyekto ng bawat isa. Pero halos mamatay na si Krisha sa tanong guro kung bakit walang proyekto... Pakiramdam nya na nasa impyerno sya at sa kanyang paningin na demonyo ang teacher nya...


At ngayon...


"I hate Mrs. De Mesa!!!!!!!!" Sigaw nya sa loob ng banyo habang nagma-mop ng sahig. Malas di ba?


Sa pintuan ng pambabaeng banyo may napadaan na isang batalyon na mga lalaki at nakita syang nagma-mop.


"Krisha, ang malas mo!" Tukso ng isa sa mga lalaki...


"OO nga! Baka future mo na talaga ang maging janitor dito sa school natin?" sabi ng isa pa


"pwede na mag-retiro ang janitor natin , tutal matanda nanaman sya eh? kasi may janitress na tayo!" Sabay alisan ng mga lalaki na nanukso sa kanya


"Humanda kayo sakin mga baklita kayo!" sigaw ng dalaga at minadali ang paglilinis ng banyo.


Kay Shyra naman tayo, pinauna na ni Krisha si Shyra. At heto nga, 6 pm na at pauwi na sya. Bumaba na siya sa jeep, binaba sya ng jeep sa isang paradahan ng jeep na walang kabahay-bahay kundi isang canteen na sarado at mga adik sa kanto, tapos sakayan na ng tricycle.


"Dito na lang neng.." sabi ng truper


"Sige po" bumaba na ang dalaga, nakita nya ang mga adik na tambay sa kanto. Kaya sa kabilang daan na lang sya dumaan, sa mas liblib. Napansin nya na sinusundan sya ng mga adik kaya mas binilisan nya ang lakad.


Hindi nya napansin na nakapasok na sya sa isang kakahuyan sa sobrang kaba at takot... At biglang natalisod sya at nahulog sa isang bangin. Nawalan sya ng malay, at sa kanyang pag-bagsak sa gilid nya ay may lumitaw na portal.


Ang portal ang daanan ng mga hindi pangkaraniwang tao mula sa mundo ng mahika...


"Maraming galos..." sabi ng isa sa kanila


"Dalhin sya" sabi ng isa pa


____________________________________________________________________________________


Thank you po sa mga bumasa, I hope you like it!


Vote nyo po ah?


Magic SchoolWhere stories live. Discover now